Chapter 5
Kabanata 5
Confrontation
Madaming araw ang lumipas, ginawa kong busy ang sarili sa trabaho at pagkukulong sa condo.
Inaaya naman ako ni Cindy na lumabas at mamasyal sa Mall pero tinatangihan ko 'yon. Mas gusto ko munang mapag-isa at mag muni-muni.
Linggo ng umaga nang pagbukasan ko ito ng pinto.
"Bestfriend!" sigaw niya sa akin, bago ako niyakap ng mahigpit. Nagugoluhan man natawa nalang ako sa kaniyang ginawa.
"Margaux, finally nag-propose na sa akin si Carick!" Maluha-luha pa ito habang nag sasalita.
"OMG! I'm so happy for the both of you!" I said in surprised, nangilid na rin ang luha ko bago ito niyakap ng mahigpit.
"Margaux ito na 'yon, to the highest level! Kailangan natin mag-celebrate!" she excitedly said.
Biglang napawi ang ngiti sa aking mga labi nang muling sumagi sa isip ko si Lester. Buti pa si Cindy, she finally found the right man for her. Hindi naman sa bitter ako masaya nga ako dahil alam kong masaya siya.
"Uy, bestie, okay ka lang ba?" yugyog sa akin ni Cindy.
"Oo naman, masaya ako para saiyo best kaya mag-celebrate tayo!" I said cooly.
"Really? Ayos kalang ba talaga?!" Hinawakan pa nito ang noo ko, matapos ay nagtaas ng kilay sa akin.
"Wala akong lagnat no, gusto ko lang i-celebrate ang mga nalalabi mong araw bilang single." I told her, bago siya akbayan.
"Okay, sige tatawagan ko si Carick." Nilabas mula sa kaniyang bag ang cellphone.
"Nope, gusto ko sana tayo dalawa lang ang mag celebrate." nakangiti kong sinabi.
Imbes na magtanong ito ay ngumiti ito bago tumango lang. Pagkatapos ko magbihis, lumabas na kami para mamasyal.
Nag-aya itong manood ng sine. Pinanood namin 'yong "Second chance"
Grabe ang iyak niya kay popoy at basha. Ako nama'y hindi mapakali dahil ginagawa na niyang panyolito ang suot kong damit
Nang matapos kami manood ay nag ikot-ikot muna kami sa Mall at nag shopping. Masaya kasama si Cindy dahil hindi ito na uubusan ng kwento.
Gabi na nang lumabas kami ng naturang mall. Kaya nag-aya itong mag-dinner kami sa isang sikat na restaurant at dahil treat naman niya lahat, umorder ako ng pinakamahal at maraming pagkain. Ewan ko ba kung bakit parang sa pagkain ko gusto ibuhos ang lahat ng frustration ko sa buhay.
"Bestie, ma-uubos mo bang lahat 'yan?" Bakas ang pagtataka habang binibisita ang in-order kong pagkain.
"Oo naman! Pag hindi ko na-ubos uwe ko nalang." I giggly said.
"Margaux, ikaw ba yan? Ang kilala ko kasing Margaux, hindi pa nakakailang subo umaayaw na pero ngayon? What the hell is happening to you?" Napapantastikohang sinabi.
"I just want to satisfy my craving, at pangtanggal stress na rin." Kibit balikat kong sinabi.
"Tutal libre ko naman kaya go.."
Hindi ko na ito pinansin pa at tahimik nalang na kumakain. Ngunit napukaw ng pansin ko ang isang pares ng babae't lalaking papasok sa entrada ng restaurant.
Napa-awang ang labi ko sa mga ito nang ma-upo sa Isang sulok ng lamesa. Bakas rin ang saya sa mga ito habang nag kukwentuhan na tila hindi pansin ang mga nasa paligid nila.
Biglang nag-init ang mga mata ko sa nasaksihan. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at tumayo na siya naman ikina-gulat ni Cindy.
"Oh, bestie ayaw mo naba? Konti palang ang nakakain mo ha?" Pigil nito sa akin. Tulad ko ay lumingon ito kung saan dumako ang tingin ko.
"Oh my God.." Pigil ang boses nitong sambit.
"Margaux, anong balak mong gawin?!" May warning sa tinig ni Cindy dahil hindi pa rin ako kumikibo
Sa huli ay nakita ko ang sariling hinahakbang ang mga paa palapit sa mga ito. Agad nawalan nang kulay si Lester nang makilala ako, agad din itong lumayo ng konti sa katabi n'yang babae na siyang kumunot ang noo sa akin.
"Miss, may problema ba?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.
"Saiyo wala pero dito sa kasama mo malaki!" I bluntly say, then cross my arms and lift up my chin at her.
"Margaux, maraming nakatingin." Naramdaman ko ang pag-siko ni Cindy nang tumabi ito sa akin.
"Please Margaux, don't make a scene here," Mababa ang tonado ni Lester nang magsalita na bakas pa rin ang gulat.
"Okay, lets talk." I said, naglakad na ako palabas ng restaurant pero bago ko ginawa iyon ay iniwanan ko muna sila ng nakaka-uyam na tingin.
"Margaux!" Pigil ni Lester ang braso ko nang maabotan ako sa parking space.
"Siya ba?!" Tanong ko agad pag-harap ko dito.
"Siya ba ang ipinalit mo sa akin?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.
Nakayuko lamang ito at walang masabi.
"So, totoo nga? Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko dito saka ito tinulak ng malakas.
"I am really sorry," he weakly said, hawak ang kamay ko na agad ko namang piniksi.
"What's done is done, would your sorry have made any difference? I don't think so." Matabang kong sinabi sa kanya at pinasyang ihakbang ang mga paa pabalik sa restaurant.
"She's pregnant!" he revealed, dahilan para huminto ako sa paghakbang. Para itong bombang sumabog sa pandinig ko at hindi ko magawang gumalaw.
"She is pregnant, carrying my child," he utterly said. Pakiramdam ko ay pinagsakloban ako ng langit at lupa. Unti-unting bumagsak ang butil ng luha sa aking pisngi.
"I'm sorry, Margaux." Hinawakan nitong muli ang kamay ko nang makalapit sa akin, "I'm sorry kung naduwag akong sabihin saiyo." His voice is now already cracked.
"She's the daughter of Mr. Mondragon. Business partner ng family namin. Nang nalaman ng Daddy niya ang nangyari ay gusto niyang panagutan ko ang bata, kung hindi ay puputulin niya ang lahat ng koneksyon na meron kami sa Mondragon corp. Iyon lang ang inaasahan ng kompanya namin para maka-ahon sa pagka-lugi." Paliwanag nito.
I smirked and fire him a look "Ano bang laban ko sa kanya? She's carrying your child 'di ako ganoon ka despirada para hindi ko intindihin ang nangyari sa inyo! You really did a great job!" Bago pumalakpak pa sa kanya.
"Babe, I'm sorry" Iyon lang ang tanging nasabi niya sa akin."
"I said don't. Ayos lang, tutal nad'yan na yan, hindi mo na maibabalik pa ag panahong tigang ka pa at hindi makapag timpi na makipag sex sa'kin!" May pang-uuyam kong binato dito.
Tumalikod na ako dito at bumalik sa restaurant para kunin ang bag ko at ayain na si Cindy umuwe.
Tumigil ako sa tapat ng lamesa nila Lester at sinulyapan sandali ang babaeng pinagpalit niya sa akin. Maganda nga ito at may ibubuga rin naman pero hindi ko na pinatagal pa ang tingin dito at mabilis nang naglakad palabas ng restaurant.
Mabilis akong sumakay sa kotse ni Cindy at doon ay ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. My heart felt butchered and used. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko pa malalaman ang dahilan kung bakit siya hindi sumipot sa kasal namin.