Chapter 7 Chapter 6
Freya POV
"My name is Kyran Blood... Nice to see you again milady"
Nakatingin pa rin siya saakin. Ang huling sentence na sinabi nya ay pabulong lamang. Pero di ko alam kung ba't ko iyon narinig samantalang ang mga kaklse ko maging si sir ay parang hindi iyon narinig
Ako ba ang sinabihan nya noon?
"Okay you may take your seat now"
Naglakad naman na ung dalawa. Nauunang maglakad ung.. Kyran?
habang naglalakad sya ay saakin pa rin sya nakatingin. Why?? May dumi ba ko sa mukha?? Bat ganyan sya makatingin?!
Akala ko ay gusto nyang umupo sa upuan ko ng tumigil sya sa paglalakad sa may harapan ko ng bumaling sya sa katabi ko na nasa aking kaliwa, kay Daniel
"Move, I want to sit here"
kita naman sa mukha ni Daniel ang pagkabigla at pagkatakot
Dali-dali naman nitong kinuha ang mga gamit saka nagmamadaling pumunta sa may hulihan na may mga vaccant seats. Samantalang ung purple guy eh naupo sa likurang upuan ng inupuan ni Kyran
Sa lahat ng klase ay halos hindi ako makagalaw. Ramdam ko na nakatitig sya saakin. Parang nag ka stiff neck pa nga ata ako ehh. At sa buong maghapon ay pansin ko rin na patingin tingin si kevin sa katabi ko. Gusto nya nga sanang makipag palit ng upuan na hinindian ko naman. Baka kasi kung anong isipin, baka isipin na ang arte ko kasi ayaw ko syang makatabi
"Oyy! Frey tara na! baka naghihintay na un si Zane" - Kevin
"Ahh sige"
~~~
hayy salamat at uwian na.. bahagya pa akong nag inat pagkalabas namin
"Oyy Kevin! Ang creepy nung dalawang baguhan satin nuh??"
Kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo at ang pagbabago ng kanyang mood
"Just dont mind them"
"Owhkay" - sagot ko habang nakatingin ako sakanya
Ayos lang ba siya? Bakit parang may gumugulo sa isipan niya?
Kyran POV
"She's really beautiful"
Pauwi na kami ngayon ni Dion sa mansyon
"Siya nga, panginoon"
"What do you think with the guy who keeps on clinging on her?" - I asked
Inihinto naman na ni Dion ang sasakyan at saka tumingin sa rear mirror. Nakaupo siya sa driver seat habang ako ay nasa backseat
"He is a vampire, young Lord. And I think he's close to her"
"Yeah I know who is he"
Lumabas naman na ako ng sasakyan at saka pumasok sa mansyon habang nakasunod naman sa aking likuran si Dion. Sinalubong ako ni Master Yu pagkapasok ko ng mansyon
"Young Lord, how's your 1st day?"
"You sounds like you're asking an elementary student about his 1st day of school. My day is good, Master" ako habang umuupo sa sofa
"Haha so did you see her?"
I nodded to him
"She's not hard to find. Louella really did what I asked her to do"
"So how is she?"
"She grown as a fine lady, a very beautiful lady" - sambit ko at naramdaman kong biglang nag iba ang kulay ng aking mata
"I see, your eyes prove it all haha your eyes are glowing, just to remind you, she's not your property, young Lord" - Master Yu
"Unfortunately you're right, she's not my property — But I can make her mine if I want to"
Liro POV
Hindi ito maari. Hindi. Nagkataon lang siguro. Oo nagkataon lang
"Argh!!!"
Nagsibasagan ang mga gamit na narito sa loob ng kwarto ko
Di ako pumasok ngayong araw dahil hindi ako mapakali dahil sa mga iniisip ko ngayon. Ng dahil sa naging pag uusap namin ni Veronica
- flashback
Ng makarating ako sa mansyon ay agad kong pinuntahan si Veronica sa sala. At nadatnan ko syang nakaupo habang umiinom ng dugo na nasa kopita
"Ba't naparito ka Veronica?"
May diin kong tanong
I dont want her presence here
Ibinaba nya naman ang iniinom nya sa mesa bago siya nagsalita
"Haden has a task for you" - sambit niya
"What is it?"
"Ba't ka ba nagmamadali? Pagpahingahin mo naman muna ako. Kapag sinabi ko na ang ipinapaabot ni Haden ay aalis na ako kaagad. Minsan lang ako makalabas ng palasyo tas ipagkakait mo pa?"
Napakadrama talaga
Napatingin sya sa vase na malapit lamang sakanya ng bigla itong mabasag
"Haha chill! ito na sasabihin ko na. Ba't ba lahat ng dinadalhan ko ng mensahe ay napakainit ng mga ulo??"
Sunod naman na nabasag ay ang kopitang iniinuman nya kanina kayat napatingin siya roon
"Okay! KAZARINA open the portal between our world and the world of the pathetic beings here in what they called earth, aware kana man hindi ba?"
She said half teasingly. She even emphasize her name!
"There's a girl that she's looking for, here in this world, and Haden wants you to find this girl before KAZARINA gets her"
a girl? She's looking for a girl in this world? A human?
"Who's this girl? How can I find her?"
"As what I saw on Kazarina's mind, she's a beautiful maiden, she smells like a roses that makes Kazarina annoyed haha. Jealous ehh??"
So she visited her? she even peeked into her mind!
Tsk! She used her power again to her
my forehead crease when I realize what she said on her last statement
"What again is she?"
"I said she is a beautiful maiden with a smell of roses" - she repeated with annoyance
Roses?? Isa lang ang kilala kong may amoy ng rosas pero imposible. Hindi lang naman ata sya ang babaeng may ganoong amoy dito sa mundo.
Pero.. Siya lamang talaga ang mau ganoong amoy.. Amoy rosas
But its really impossible!
"And one more thing, her name is Cassidy"
- end of flashback
Nagkataon lang un!
Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na paniwalaing nagkataon lang un ay di ko pa rin maikailang posibleng sya nga ang hinahanap ni Kazarina at ang ipinahahanap ni Haden
Pero bat sya hinahanap ni Kazarina?? Ano ang kailangan nya kay Freya??
Louella POV (Zane's mother)
"I didnt see his face, pero sabi ni Kevin ay kulay pula raw ang buhok nito na hanggang baywang! At matangkad. Iba rin daw ang nararamdaman nyang presensya mula dito at kakaiba din daw ang mga tingin nito kay Cass, at may kasama pa daw ito na mayroong rin daw na weird na kulay ng buhok. Ma, baka kung mga sugo sila ni Haden!"
Ikinukwento saakin ngayon ni Zane ang mga sinabi sakanya ni kevin na tungkol sa bagong mga kaklase nila Freya
Kung ganoon ay nalaman na din pala nila? Mabuti kung ganun
"Huminahon ka Zane. Wala silang gagawing masama kay Freya"
"Pero ma! Paano ka nakakasiguro??"
"Dahil ang lalaking tinutukoy nyo ay ang dahilan kung ba't tayo ngayon ay buhay.... Ang dahilan kung ba't buhay si Freya"
Kyran POV
"Young Lord nais nyo po bang maghintay na lamang ako rito sa labas?"
Nasa harapan kami ngayon ng bahay kung saan nakatira ang itinakda
alam ko na ang lugar na ito mula pa noon. Minsan ko na ding nadalaw ang itinakda noong bata palang ito. At ang lugar na ito lang ang may mga nakatanim na rosas na mula mismo saakin
"Sumama ka sa loob"
"Masusunod young Lord" - Dion habang bahagyang nakayuko
Awtomatikong bumukas ang pinto at saka kami pumasok. Hating gabi na kaya't di na nakapagtataka na patay na ang mga ilaw sa loob
Pero di rin nagtagal ay biglang bumukas ang ilaw
"Alam kong dadalaw ka kaya't hinintay kita"
nakatayo sya ngayon di kalayuan saamin
"Kamusta kana... Louella?"
"Maayos naman, kayo kamusta kayo?"
"Maayos din"
"Mabuti naman at nagpakita na kayo. Nalalapit na ang kanyang kaarawan. At pinaghahanap na rin sya ng mga bampira"
"Poprotektahan ko sya Louella, wag kang mag alala. Ano nga pala ang ginagawa ng mga guardian?"
"Isa pa lamang sakanila ang naramdaman ko"
"Ganoon ba?" - tanong ko habang inaamoy ang paligid na puno ng halimuyak ng rosas
"Kamusta ang kamahalan?"
"Kailangan nya na ang dugo ni Freya" - sagot ko
"Ngunit alam mo namang labis iyong delikado sakanya. Di normal na pagbuhay ang kanyang gagawin. Hindi tao o kauri namin ang kanyang bubuhayin na sa paggamit lang ng enerhiya mula sa kanyang kamay ay sasapat na. Pero hindi! Isa syang bampira na dugo ang kailangan. Ang pinakamalakas na bampira na may purong dugo. Di biro ang kakailanganin nyang dugo upang muling mabuhay"
Ramdam ko at kita ko sakanya ang pag-aalala
"Alam kong hindi ka masyadong payag sa naging huli nating pag uusap. Pero walang ibang paraan. Matagal na syang nahihimlay at matagal na rin na naghahari ang kasamaan ni Haden at alam mo ring hindi tutol rito si Queen Amaia, alam nyang mangyayari ito kaya nya ipinatakas sayo ang itinakda"
Saglit siyang natigilan at kita ko ang paglandas ng kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga mata
"Ayoko lang mawala sya" - mahinang sambit niya
"Maari ko ba syang dalawin sa kanyang silid?"
"Nasa taas ang kanyang kwarto sa bandang kanan"
Naglakad na ako papunta sa taas habang nag paiwan sa baba sila Louella at Dion
Ng makita ko na ang kwartong sinabi ni Louella ay binuksan ko na iyon saka dahan dahang pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang amoy ng rosas mula sakanya
Nilapitan ko sya na mahimbing na natutulog sa kanyang kama
Napakaamo ng kanyang mukha
She doesn't deserve the world that once her world. And our world doesn't deserve her either.
Marahan kong hinaplos ang kanyang malambot na pisngi
"He is so lucky to have you"
Napakaswerte niya
"I am on his side but if I can't control myself, I may steal you from him.. my deity" - sambit ko bago ko hinalikan ang kanyang noo
---------
#RKD
~1813