Summary
Resurrecting the King of the Dark : The beginning (Book 1 of Dark Series)Sya ang huling tagapagmana ng Elafry Vasileio. Ang natitirang Glasiever at ang nag-iisang buhay na may dugong Aurius.Siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya na siyang bubuhay sa matagal ng nahihimlay na hari ng kadilimanIsang propesiya ang nakatakdang mangyari... Na siyang magsisimula ng lahat........
Chapter 26
ILANG minuto ang lumipas bago ako muling nagsalita
"Hindi nya tunay na ina?"- naguguluhan kong tanong
"Our mother is just a second wife. And Luan and Haden's mother is the first wife of our great father" - Travis
"Kung gnon? Half brother nyo lang si Luan?"
Tumango naman sila saakin
"Sino ang ina nila Luan? At nasaan sya? Buhay pa ba sya?" - sunod sunod kong tanong
I don't know why I became interested like this of all of the sudden
"The Underworld Queen, Persephone" - Travis
Persephone? Did I hear it right?
The daughter of Greek goddess Demeter? The wife of Hades?
Akala ko ay hindi totoo ang Greek mythology!
"Kaya kakaiba ang kapangyarihang taglay nilang kambal kasi na nanalaytay sa kanilang dugo ang pinagsamang dugo na malakas na bampira at ang reyna ng kailaliman. Kaya hindi sila basta basta napapatay pero nasasaktan din naman sila sadyang mahirap lang silang patayin. Tanging ang makapapatay sakanila ay sila mismo. Sila lang mismo ang magpapatayan dalawa" - Rosh
Kung ganun. Parang the one of them was made just to kill the other one??
"But her Mother never show herself to them. He never saw his mother. She was forbidden by Hades to go back here again" - Travis
"Ehh bakit ayaw nya kayong naandito?"
"We don't know the exact reason pero maybe akala nya aagawin namin sakanya ang trono. Lalo na ni Priam, si Priam ang unang anak ng aming ina't ama. He is the third in crown" - Rosh
May balak nga ba talaga sila agawin ang trono sa bampirang iyon? Ung Priam?
"Si Adreana lamang ang malapit sakanya. At si Adreana lang din ang tinuturing nyang kapatid. They are so close to each other" - Rosh
Kaya pala ganun nalang ang galit nya saakin ng sabihin kong mamamatay bampira si Luan. Nagawa nya pa akong sampalin!
"Ahm pwede ko bng matanong, ung Kazarina. Kapatid nyo pa ba sya?"
Nangunot naman pareho ang kanilang mga noong nakatingin saakin
"No" - sabay nilang sabi
"Kazarina is Luan's personal servant. Dati syang tao, ginawa lang syang bampira ni Luan ng minsan syang pumunta noon sa mundo ng mga tao. Then there he saw her dying kaya he turn her as one of us to spare her life"
Kung ganun ay iyon ang ibig sabihin noon ni Yael
"But Luan doesn't want her to be just his servant. Gusto nyang mamuhay ng malaya si Kazarina. Pero nakiusap si Kazarina na paglingkuran na lamang sya nito upang makabawi at hindi naman na tumutol pa roon si Luan"
Hindi ko lubos maisip na nagawa iyon ni Luan. Sparing the life of others?? Mukhang hindi nya iyon katangian. He is monster. He is cruel. He killed my parents
"Ano ang kakayahan nya?" - tanong ko sakanila
Kailangan kong mangalap ng mga impormasyon kung gusto ko mabuhay ng matagal sa mundong ito
"Pain. She can inflict pain to her victims mentally" - Travis
Kaya pala. Iyon pala ang kanyang kapangyarihan
"Nakuha nya un dahil sa dugo ni Luan na dumadaloy na ngayon saknyang katawan, a purebloods' blood. Pero isa pa rn syang half-blood" - Rosh
"May itatanong ka pa ba?"
"Wala na. Pupunta na ko sa aking silid gusto ko ng magpahinga"
Ako at saka ko sila tinalikuran
Tama na muna ang mga nalaman ko sa ngayon
Adreana POV
That bitch!! Tatlong araw ng hindi kumakain si Luan! He didn't even drink blood for f*cking sake!
Buong akala ko ay di na muling mauuhaw sa dugo si Luan ngayong naandito na ang itinakdang babae para sakanya
Mate is really important not only for wolves but also to us, vampires
Pag naramdamn na namin ang bond ng aming mate ay kailangan na naming uminom sakanila ng dugo para mas lumakas
Pero sa kaso ni Luan.. hindi basta basta ang uhaw na nararanasan nya. Isa syang itinakda! Maging ang babaeng iyon! Itinakda sila mismo ng propesiya!
Kaya mas matindi ang uhaw na naranasan noon ni Luan ng maamoy nya ang dugo ng sanggol na iyon. Ang sanggol na kanya dapat papatayin
Kamatayan ang pwedeng maging resulta kapag hindi sya makainom ng dugo ng kanyang mate. Maaari itong palitan ng dugo ng ibang bampira pero sobrang kulang iyon sapat lang para pababain ang pangangailangn nya sa dugo ng kanyang kahati.
Iyon ang naging dahilan kung bakit halos kalahati ng populasyon ng Dark Empire ang napatay noon ni Luan. Nagawa nya lang iyon para mabuhay.
Ngayon nauulit na naman, ang pagkauhaw nya sa babaeng iyon ay bumabalik na naman. Pero sa pagkakataong ito ayaw nya ng uminom ng dugo mula sa iba. Mukhang mas tumindi pa ang pag kauhaw nya sa dugo ng taong iyon.
But the heck! Ayaw nga syang palapitin ng taong iyon! Napaka walang kwentang mate! Ang mga tao talaga ay napaka makasarili!
Mamamatay ang magaling kong kapatid!
Kailangan ko ng gawan ito ng paraan!
Kazarina POV
"Luan nanghihina ka na. Papaano mo pa hahanapin si Haden kung di ka iinom ng dugo?"
Kanina ko pa sya inaalok ng aking dugo. Pero tinatanggihan nya lamang ako, tulad noon.
"Kazarina iwan mo muna ako"
"Hndi, hindi ko kayang iwan ka kamahalan sa lagay mong iyan"
Kinasusuklaman ko ang babaeng iyon! Hndi nya ginagawa ang kanyang tungkulin
Kung ako na lang sana. Kung ako na lang, hindi sana sya naghihirap ng ganito
Agad kong sinugatan ang aking kamay malapit sa palapulsuhan at saka mas lumapit sakanya
I can't bear to see him like this
Namula ang kanyang mata at ngsisimula na ring lumabas ang kanyang pangil
Pero pinigilan nya ito
"Leave Kazarina, hindi ako iinom ng dugo ng iba maliban sakanya. Now leave" - malamig na sabi nya bago ako tinalikuran
Alam ko na ito dati pa. Pero ipinagpatuloy ko pa rin. At hanggang ngayon ay napakasakit pa din niyon
Hearing those words ay parang naramdamn ko na rin ang aking sariling kapangyarihan
Freya POV
Tatlong araw na akong hindi lumalabas ng kwarto. Wala ako sa kwarto ni Luan hiniling kong ayoko mamalagi doon kaya dito nila ako dinala, katabi lang naman ito ng kwarto ni Luan pero mabuti nalang at hindi sya nagagawi dito.
Dinadalhan lamang ako ng pagkain ng mga katulong at madalas naman ay pumupunta dito sila Travis at Rosh.
Si Rosh ay napaka ingay! Palagi nya na lang ikinikwento ang mga nahuhumaling sakanyang mga babae.
Samantalang si Travis naman ay napunta lang dito para matulog! Ang bampirang antukin..
Napalingon ako sa pinto ng marahas iyong bumukas at iniluwa noon ang galit na galit na si Adreana
"You! I already told you! Bigyan mo sya ng pagkakataong patunayan ang kanyang sarili! Na kilalanin mo muna sya! Alam mo bang gustung gusto na kitang patayin noong tinawag mo syang mamamatay sa mismong harapan nya?! Kung di niya ako pinigilan ay baka wala ka na ngyon!"
Nakaramdam ako ng takot dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay papatayin ako ni Adreana sa galit nito. Pero tinatagan ko ang aking sarili
"Ba't ko pa sya kikilalanin? Kilala ko na sya! Sya ang naging dahilan ng pagkabagsak ng kaharian ng pamilya ko. Dahilan kung bakit ni isang beses hindi ko naramdamn ang pagmamahal ng mga mgulang ko. At ako? Balak nya pa akong patayin noon"
"Sa tingin mo ba ay ginusto nya iyon? Hindi nya gusto ang naganap na digmaan. Hindi namin iyon ginusto. Pero wala kaming ibang nagawa dahil utos iyon ni ama. Hindi namin kayang suwayin si ama. Hindi namin kaya si ama"
"At iyong sa plano nyang pagpatay sayo noon? Utos din iyon ni ama. Pero alam mo ba? Noong nakauwi na sya dito sa palasyo? Hindi na sya mapakali! Para na syang nababaliw ng dahil sa dugo mo! Akala nya ay patay kana talaga. Nasabi nyang may biglang sumulpot na bampira noon ng papatayin kana nya. At dahil hindi nya kaya na patayin ka ay iniwan ka nya sa bampirang un na hindi niya kilala! Hindi nya pa alam kung ano ang pakiramdam ng bond ng isang mate kaya hindi nya agad iyon napansin. Pero, pero hinanap ka nya! alam mo bang ilang taong nagyelo ang buong emperyo dahil hindi ka nya mahanap? At ngayon ito ka ngayon at ganyan ka kung makaasta!"
Si Kyran kaya ang tinutukoy nyang bampirang pinag iwanan saakin ni Luan?
"Papaano mo ipapaliwanag ang mga pinatay nya? Marami syang pinatay na kauri nyo! He's cruel! Di pa ba iyon sapat para sabihing mamamatay bampira sya? At hindi lang iyon! Maging ang aking mga kalahi ay pinaslang niya!" - tanong ko
"Mamamatay? Sa tingin mo kung naandto ka ng mga panahon na iyon ay papatay sya ng ganun? Matindi ang pagka uhaw nya sa iyong dugo! Mamamatay sya kung di sya makakainom ng dugo mo! Nagpasya na din sya noon na ikadena sya upang di na sya makapatay pa. Pero, sya naman ang mamamatay pag di sya nakainom ng dugo"
Natigilan ako. Hndi ko alam ang paghihirap nya noon
"At ngayon! Ngyon na naandito kana?! Akala ko ay ikaw talaga ang mgbibigay sakanya ng bagong buhay. Pero nagkamali ako. Ikaw pala ang muling magdadala ng kanyang kamatayan!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hu? See? Ni hindi mo nga alam! Simula ng nagkulong ka dito ay tinatanggihan nya na ang mga dugo na ibinibigay namin sakanya! mas tumindi ang pagkauhaw nya sayo pero hindi mo sya tinutulungan! Mamamatay sya pag hindi sya nakainom sayo. Halata na din ang panghihina nya. Mamamatay sya! Mamatay sya!" - Isinigaw nya saakin ang mga katagang iyon habang may tumutulong mga luha sa kanyang mga mata
"Asan sya? Nasaan sya?"
--------------
#RKD
~1813