Library
English
Chapters
Settings

Chapter 2 Chapter 1

Bawat hakbang ko ay ang siyang pag sindiha ng mga siga (sulo) na nasa magkabilang pader nitong madilim na pasilyong aking tinatahak

Ng makarating ako sa dulo nitong pasilyo ay bumungad saakin ang may kalakihang pinto at laking gulat ko ng ito ay unti unting kusang bumubukas.

Pumasok ako sa kwartong iyon. Wala akong makita pagkat wala ni isang ilaw ang naririto

Aalis na sana ako sa kwartong iyon ng biglang sumara ang pinto na aking pinasukan at biglang nagsindihan ang mga kandilang nasa loob ng kwarto.

At ang unang nakakuha ng aking pansin ay ang malaking kama na nasa gitna nitong malawak na silid. Hindi dahil sa kama kung bakit dito natuon ang aking paningin kung hindi, ay dahil sa malaking bloke ng yelo na nasa ibabaw nito na pahaba.  Unti-unti akong naglakad papunta rito at nakita kong parang may kung ano ang nasa loob nito.

Pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay biglang nahawi ang kurtina na nasa gawing kanan ko at doon ay nakita ko ang malaking pinto na gawa sa salamin. Pintuan pala iyon papuntang veranda. Ito ay biglang bumukas kasabay ng pagpasok ng malakas na hangin sanhi upang mamatay ang mga kandila na nasa kwarto.

Bigla akong nilamig dulot ng kakaibang ihip ng hangin. Liwanag lamang mula sa buwan na nakasilip mula sa veranda ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid. At hugis crescent ang buwan ngayon

"Cassidy"

Bigla kong iginala ang aking mga mata ng may marinig akong isang bulong

Isang malamim at malamig na boses na parang bumabaon sa aking pagkatao

Mas niyakap ko pa ang aking sarili ng kasabay ng bulong na iyon ay ang muling pag-ihip ng malamig na hangin

Ilang segundo ang lumipas ng muli kong marinig ang aking pangalan

    

"Cassidy"

pero ngayon ay alam ko ng nasa likuran ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon

Lilingon na sana ako sa likod ng bigla nalang na may mga bisig ang yumakap sa aking bewang mula sa aking likuran

Ramdam ko ang hininga niya sa aking kanang leeg

"S-sino ka? B-bakit mo ko kilala? A-at a-anong kailangan mo sakin?" - sunod-sunod kong tanong sakanya

Akala ko ay hindi ako makakatanggap ng sagot mula sakanya dahil panay amoy lang siya sa aking leeg ng bigla syang magsalita na nakapagbigay saakin ng kakaibang takot

  

"I need your blood" - at bigla nalang may kung anong matulis na bagay ang bumaon sa aking leeg dahilan upang ako ay mapasigaw

Napabalikwas ako at pawisan na nagising mula sa pagkakatulog

"U-ung panaginip na naman na yun? P-pero para saan iyon??" - tanong ko sa aking sarili

Ilang araw na akong nananaginip ng ganito at sa parehong sitwasyon lang din ako nagigising

Naputol ang aking pag-iisip ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko

Pag tingin ko sa bintana ay umaga na pala

Napakunot naman ang noo ko ng makitang bukas iyon. Ngunit ang pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi

napatingin ulit ako sa pinto ng mas malakas na ang kalampag nito

"Ang aga aga may demolisyon agad insan?" - bungad ko pagkabukas ng pagkabukas ko ng pinto habang kinukusot ko ang aking mata

   

"Oo!! Ide-demolish ko na yang mukha mo pag di ka pa naligo at magbihis! Anong oras na Cass! mali-late na tayo!" - sigaw ni insan saakin

 

Nginitian ko lamang sya

"Aish!! Dalian mo na ha! wag mo kong subukan babae ka!" - sya saka padabog na bumaba ng hagdan

Grabe talaga yun kala mo naman may speaker sa lalamunan ehh?

~~

"Good morning tita! Good morning insan!" - masayang bati ko kila insan at tita na nasa hapag kainan na

"Ohh Freya napasarap ata tulog mo ah" - tita saka nilagyan ang plato ko ng itlog at kanin

"haha oo nga po ehh" - ako habang hinihila ang upuan at saka umupo

Kabaliktaran ata

Naalala ko na naman tuloy ang panaginip ko kanina

"Ehh ba't ba ang tagal mong buksan ung pinto kanina ha?!" - bulyaw na naman ni insan

"Ehh kasi pinsan kagigising ko lang nun. Tapos napanaginipan ko nanaman yong nakikwento ko sainyo ni tita" - ako sabay subo ng itlog at kanin

Nagkatinginan naman sila tita at insan

"A-ah Freya sa makalawang linggo na ang birthday mo ah. Ano plano mo?" - tita

"Iyong katulad lang po ng dati tita" - ako

"Pero insan! Debut mo un! Di ka man lang ba mag iimbita ng kaklase mo?" - insan

Umiling naman ako sakanya

"Mga sosyalin ung mga un insan! Baka gumastos pa tayo ng madami. Tayo tayo nalang ulit tapos si Kevin" - ako

"Oh sige kung yan ang gusto mo. Hala dalian niyo na jan at mali-late na kayo" - tita

~~

"Kevs!!!" - tawag ko sa lalaking nasa may gilid ng daan

 

"Ohh? Ba't ang tagal nyo?" - tanong nya ng makalapit na kami ni insan

"Ehh ito kasing babaeng to eh! ayaw na atang magising!" - insan sabay irap saakin

"di naman insan ah! Grabe ka!" - kontra ko naman

"Oh mamaya na yan mali-late na tayo" - Kevs

At nagpatuloy na kami sa paglalakad

Nga pala di pa pala ako nakakapagpakilala haha my bad!

Moshi Moshi ^^// my name is Freya Cassidy Hamilton. I am 17 years old turning 18 next next week. I am currently studying at St. Moore Academy. I am a Senior High School student.

Hmm ano pa ba?? Ahh mabait ako! At mabait ako! At mabait ako! Hahahaha

Sabi ni insan may pagka childish daw ako. Ehh? bakit? Masama bang mainlove sa mga minions??? Di naman diba? Diba???

Ulilang lubos na ako. Sabi ni tita namatay daw sa isang aksidente ang mga magulang ko nung sanggol pa lang daw ako. Kaya sila insan at tita nalang ang kasama ko.

Simple lang pamumuhay namin. Full scholar kami sa St. Moore kaya kami nakakapag-aral sa magarang school na un. Si tita naman nagtitinda ng mga kung anu-ano at kung anu ano pa pinapasukan niyang trabaho para lang may makain kami at may maitustos sa iba pa naming pangangailangan.

And the shout out girl over here is my cousin Zane Hamilton. Mahal na mahal ko yan kahit ganyan yan haha. Mahal na mahal nila ako ni tita. Overprotective at may pagkaparanoid nga lang sila -.-

And the guy over there, he is Kevin Rainer. Gwapo at cool yan!! Naging kaibigan namin sya ni insan simula nung nag aral kami sa St. Moore. Ni minsan di ko pa nakita pamilya nya ang sabi nya eh nasa ibang bansa daw pamilya nya. Yaman nuh?

"Ahh Kevin, insan, una na ko sainyo ha? bye!" - insan sabay takbo sa kabilang direksyon

Magkaklase kami ni Kevin. Si insan naman eh nasa ibang section

Naglakad naman na kami ni Kevin papunta sa room namin

~~

"Oh Kevs!" - tawag ko sa katabi kong si kevin na mukhang planong matulog nanaman. Wala pa ung guro namin ehh

"Ohh?" - tamad na sagot nito na di pa rin itinataas ang ulo nya

Inilapit ko naman ng konti ung upuan ko sa kanya saka bumulong

"Naniniwala kaba sa mga bampira?"

Bigla naman siyang napaayos ng upo. Muntik pa nyang masyapul ung baba ko!

"H-ha?? B-b-bakit m-mo naman n-natanong yan?" - sya na namumutla

"Ehh wala lang naisip ko lang are they really exist?" - tanong ko ulit habang nakatingin sa mata niyang di makatingin ng maayos saakin

"I-ikaw talaga! Ha ha ha ha! S-sa tingin mo t-they really exist? Haha di kana bata Frey!" - sya sabay gulo sa buhok ko

Napanguso naman ako sa ginawa niya

"Malay mo" - ako

"Yaan mo kahit totoo naman sila. Di ko hahayaan na saktan ka nila" - makahulugang sagot ni kevin na seryoso lang na nakatingin sa harapan

tinitigan ko lang sya ng ilang segundo bago iniusod ung upuan ko pabalik sa tamang linya

Hmm ako lang ba? O parang may ibig sabihin doon si Kevin?

                                       

----------

#RKD

                        ~1813      

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.