Chapter 8: Escape
Kahit kailan ay hindi naisip ni Jeanna na magiging big deal ang halik sa kanya. She wasn't born yesterday—she liked skinship as much as other people enjoy it. Hindi niya lang talaga inaasahang magiging malaki ang epekto nito sa kanya gaya ngayon.
She already know the taste of Kieth's sensual kiss and now this...
Napasinghap siya nang tapusin na ng binata ang halik. Doon niya lang napagtantong nakakapit na siya sa balikat nito at nakahawak na ang mga mainit nitong kamay sa kanyang beywang. She's shivering despite how warm he is against her.
"You have the softest lips..." Bulong nito na kagaya niya ay malalim rin ang paghinga.
Ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng puso niya. Nasa katinuan siya ngayon. Hindi siya lasing at wala siyang ibang maidahilan sa sarili niya.
Walang excuses na kailangang ibigay. Alam niyang gusto niya ang halik ng binata.
Gumuhit ang isang pamaglarong ngiti sa mga labi ng binata. "Hindi ko alam na mauuwi ang lahat sa ganito. You slapped me dor no apparent reason, got me to pretend I was your guy in front of another man, got us in the news..." Napahalakhak ito. Bakas sa mga mata nito ang pagkaaliw. "Too many things have already happened, Jeanna, and yet we haven't got the chance to really know each other first."
Huminga siya nang malalim. May punto ito. "I'm Jeanna de Lara, 24, single—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil lalo niya lang napatawa ang binata. "Damn! That wasn't what I meant but that's..."
Doon na rin siya napangiti. Binibiro lang naman talaga niya ito. "Alam ko." Bahagya niyang itinulak ang binata. Iba na ang init nito lalo at sobrang lapit nila sa isa't isa. Ngumiti siya at pinunasan ang labi ng binata. "My lipstick stained your lips, mister."
Sa totoo lang ay hindi nga ba alam ni Jeanna kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, ang lalaking ito ang laging kasama niya sa kamalasan, kung kamalasan nga ba ang maitatawag sa mga nangyayaro sa kanila.
Ngayon ay naaalala na niya kung bakit pamilyar ang lahat sa kanya. Ang mga binatang kasama niya kanina ay mga pinsan nito. Bakit nga ba hindi niya agad ito naalala? Ang tanging sagot lang naman pala ng lahat ay ang Kuya Jeno niya. Matagal na niyang kilala ang mga Montelvaro at ngayon niya nga lang ito naalala. Mula pa lang noong nasa high school si Jeno ay ang mga kabarkada na nito ay ang mga binatang Montelvaro. She even remembers that those men used to go and stay at their house.
Siya lang naman itong hindi interesado sa kung sino man ang kasama ng kuya niya, kahit na nga ba mga Montelvaro pa ang mga ito. Kaya naman kahit kilala na niya ang mga Montelvaro ay hindi na niya maalala.
Now, she's facing one of those Montelvaros and she couldn't say she isn't interested anymore.
"Alam mong kapatid ako ni Kuya Jeno, 'di ba?" Tanong niya.
Umiling ang binata at tumayo na nang maayos. "I didn't know at first. Kung alam ko lang sana naipaalam ko na agad kay Jeno ang lahat, pero si mommy na pala ang gumawa ng pwede ko pang gawin." Napangisi ang binata. "Mamamanhikan daw kami."
May kung ano sa binata na para bang kakaiba. Bagay na kahit kailan ay hindi man lang niya napansin sa kahit sinong lalaki. Doon din niya gustong matawa. This man is the only man who ever got this close to her again. He has this dangerous look that should keep her away from him but she's not even afraid.
Hindi siya natatakot pero kinakabahan siya.
Trust him.
She will and she's willing to do just that.
"Do you want to go somewhere else?" Nakangiting tanong ni Kieth at nagpamulsa. "They kidnapped you, brought you here to my parents' anniversary... Will you come with me?"
Hindi na naman siya nakasagot dahil hinila na lang na naman siya nito. Aba't nahihilig na lang manghila ang binata pero hindi na niya iyon pinang-asar. Nagpunta sa garahe kung saan tumambad sa kanya ang iba't ibang sasakyan. Tuluyan na siyang napailing. Talaga nga namang "boys will be boys, especially with their toys". Parang ang Kuya Jeno niyang puro sasakyan din.
Ang akala niya ay magkokotse sila pero hindi na rin siya nagulat na motor ang inilabas ng binata.
"Here." Hindi na inabot ng binata sa kanya ang helmet at ito na mismo ang nagsuot sa kanya. He also covers her up with his coat. "We wouldn't want you cold now, would we?"
Alam niyang may kasalanan pa rin siya sa binata. A scandal wouldn't get fixed with a simple sorry but it looks like he wasn't interested in that anymore. Hindi niya alam kung dapat niya bang ipagpasalamat iyon o ikakaba.
Pero bahala na.
Bahala na.
Isasantabi na muna niya ang lahat ng pangamba. Hell, she would be lying to herself if she says she doesn't want this. Gusto niya ito. Gusto niyang makasama ang binata ito. Yes to reckless nights and careless decisions.
Kahit ngayon lang. Kahit isang gabi lang.
Unang sumakay ang binata at pinaandar ang motor. Hindi niya pa alam kung paano siya sasakay pero nakaya naman niya. Thanks to her gown's slit she was able to do so.
Adrenaline and excitement filled her being.
"Ready?" Kieth asks.
Breathing in deeply, she answers. "Ready."
* * * * * * * * * *
Nakakapit ng maigi si Jeanna sa katawan ni Kieth. Hindi niya mapigilang mapasigaw dahil sa excitement, adrenaline at sa bilis ng binatang magpatakbo ng motor. Kasabay ng mga sigaw at tawa niya ay ang halakhak din binata. She had to distract herself from getting attracted to his laugh. Tawa lang iyon pero para bang sobrang saya kasi nitong tumawa!
Sa tapat sila ng isang building huminto. The Montelvaro Inc.
"One of my family's building. I inherited this one actually." Panimula ng binata nang pareho na silang papasok sa building.
Nakaramdam na naman siya ng guilt. "'Y-Yung sa nangyari..."
Kieth chuckles, sending chills down to her spine. Halakhak na nga lang ng binata ay may epekto na talaga sa kanya. "Everyone knows that you are my girlfriend now. Well, rumored. Ang solusyon na naiisip ng mga lawyer ko ay gawin na nating totoo at palabasing misunderstanding na lang ang lahat. So far, I'm the biggest laughing issue in the business world because of what happened."
Doon siya napahinto. Ganoon kalaki ang nagawa niya sa binata? Hell! "S-Sorry."
Nginitian lang siya nito at kinuha ang kamay niya. "I told you, no sorries. Just trust me."
Pumasok na sila sa elevator at sa top floor sila pupunta. Pagkarating nila doon ay bumungad sa kanya ang napakalaking opisina ng binata. She assumes it is his office, ang sabi nito ay pagmamay-ari nito ang building. Maliban din sa dahilang top-floor ang opisina ng mga big boss, the whole room smells exactly like him. Hindi nakasara ang mga kurtina para sa glass wall nito kaya naman tanaw na tanaw niya ang napakagandang city lights sa kanilang baba. Literal na napasinghap siya sa ganda.
"Such a pity no one sees this during the day."
Napatingin siya sa binata na ngayon ay nakapamulsa at nakatitig sa labas.
She swallows. No. Hindi naman na niya kailangang sabihing gwapo ang binata. She saw how good their family's genes are and it's a norm to them for being this good-looking. Isa pa, hindi talaga sapat ang salitang gwapo para dito.
Now that everything is sinking into her, she was slapped by the fact Kieth is indeed a high-profile person. Paano niya iyon na-miss ng matagal? Montelvaro men slash clan are dominating their respective worlds. Laman sila ng lahat. Mula tsismis, dyaryo, balita, at hanggang topic sa mga social media.
They are businessmen and yet they still domibate the showbiz world for their godly looks and celebrity flings. It isn't even new anymore if it's the women who threw themselves at these men and ends up creating scandals.
Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil hindi man sa parehong dahilan, nakagawa na rin siya ng scandal at sa pinaka hindi pa eskandalosong Montelvaro.
Nagnakaw ulit siya ng sinpleng tingin kay Kieth pero agad ding binawi iyon.
Lumakas bigla ang tibok ng puso niya. Hindi mahirap magkaroon ng crush dito.
Wow, Jeanna! Nagkakaroon ka na ulit crush! Para kang bata!
"Ilan na ba kaming dinala mo dito?" Wala sa sariling tanong na lang niya. Napayuko siya at naglakad na lang papalapit sa glass wall.
Galing, self, galing sumira ng mood!
"Ikaw lang."
Ibinalik na naman niya ang tingin sa binata, nakita niyang seryoso ang ekspresyon nito kaya naman ang hirap sabihing joke time ang binata sa kanya.
But, of course, her big mouth wouldn't admit defeat. "Sa itsura mong may pagka-womanizer, sa tingin mo maniniwala ako dyan?"
Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa mga labi ng binata. "Womanizer?"
"Oo. Mukha ka namang ganoon. Parang 'yung mga pinsan mo. Kahit na hindi ko na maalala kung kailan kayo pinakilala ni kuya sa'kin, nakakasiguro naman akong babaero kayo. Casanovas. 'Di ba lagi namang ganyan? Mga gwapo, mga mayayaman, habulin ng mga babae... Imposibleng hindi mo sasamantalahin 'yun." Dire-diretso niyang turan bago pa niya mapigil ang bibig niya! Nakakaloka!
Jeanna, pati lupa aayawan ka ng kunin sa kahihiyan!
Ibinalik niya na lang tingin sa labas at naupo sa sahig. Tinanggal na rin niya ang suot niyang heels. Wearing a gown wouldn't really stop her from anything. Except for her shameless mouth.
Ramdam niya ang mga yabag ng binata papalapit sa kanya. Hindi nga lang ito umupo gaya niya. "Bakit ba kung makapagsalita ang mga babae parang ikakamatay nila na hindi pang-lahatan ang pagde-describe nila sa mga lalaki? Women and their hasty generalizations."
"Karamihan naman kasi sa inyo ganoon. Mga babaero at walang ibang ginawa kundi manakit ng babae, 'di ba? Even reality can surpass dramas with that fact!"
Tawa lang ang sagot ng binata.
"'Wag mo akong tawanan dahil alam mo namang ganoon kayo. Por que gwapo kayo at mayaman, paglalaruan at sasaktan niyo lang ang mga babae. Kapag nakuha na ang lahat, aalis na lang." Someone should really stop her. Hindi siya lasing pero ang lakas ng pinaghuhugutan niya.
Doon na tumabi ang binata sa kanya. He doesn't look like the type who's slump on the floor but he did. "I won't ask where you're coming from but you shouldn't generalize everything. Not all men are like that."
Ngayon ay pinagsisisihan na niya kung bakit niya hinayaang bumuka ang bibig niya nang ganoon. Daig niya pa ngayon ang pumasok sa isang debate na alam niyang matatalo siya.
Rinig niya ang munting tawa ng binata. "Hindi ko alam na may galit ka pala sa mga lalaki."
Niyakap na lang niya ang mga binti niya. "Hindi naman... medyo lang."
The night is great.
She wouldn't allow herself to think about anything that will ruin it for her.
* * * * * * * * * *
"We look like fools." Natatawang bulong ni Kieth.
Si Jeanna naman ay nagpipigil rin ng tawa. Pagkatapos kasi nila sa office nito ay nag-aya siya sa isang fast food joint malapit lang sa building kung nasaan sila. Kahit malalim na ang gabi ay may mga tao pa rin doon, at ang mga taong iyon, pinagtitinginan sila.
"Good evening, ma'am, sir, what's your order?" Tanong ng crew.
Tinignan niya ang binata. "Ano?"
"Paanong ano?" Nakakunot ang noo nito.
"Anong order natin?" Nakangising tanong niya. Mukhang tatama pa ang hula niya tungkol sa binata.
Lalo namang kumunot ang noo nito. "Paanong order nga? How would I know what to order? Where's the menu?"
Doon na siya tumawa nang malakas at hindi na niya alintanang tinignan siya lalo ng mga tao. "H-Hindi ka pa nakakapunta dito, ano?" Tinignan siya nang masama ng binata kaya naman pinigilan na lang naman niyang matawa nang mas malakas. "Sige, sige. Ako na ang o-order. Punta ka na kung saan tayo."
Wala namang nagawa ang binata kundi ang i-abot ang wallet nito sa kanya at umalis na. Nagpunas siya ng tears of joy dahil sa pagpipigil niya ng tawa at sinabi na niya ang kanilang order.
Pagkatapos niyang um-order ay sinimulan na niyang hanapin kung saan nagsuot ang binata. Marami namang bakanteng lamesa pero nakita niya ang binata sa laruan ng mga bata. Nandoon ito na nakatanggal talaga ang sapatos habang nakaluhod sa harap ng isang bata. Hindi niya mapagilang mapangiti. Hindi niya inaasahang ang isang mukhang seryosong-seryosong binata ay lumalambot at makakagawa ng mga bagay na hindi niya inaasahan sa harap ng mga bata. Naupo na lang siya sa malapit na upuan at pinanood ang mga ito.
"Ma'am, heto na po." Sabi ng isang lalaking crew at ibinaba ang mga order niya.
Ngumiti siya at tinanguan ito. Burgers, sundaes at sandamakmak na fries ang in-order niya—ang favorite na favorite niyang ino-order lalo na kapag dinadala siya dito ng kuya niya.
Sumubo siya ng fries at tinawag na si Kieth. "Kain na tayo!"
Napalingon sa kanya ang binata at nakangising tumayo. Sinuot ulit nito ang sapatos at—sa gulat niya—ay binuhat nito ang bata.
"This is Janella." Natatawang sabi ng binata. "Anak pala siya ng isa sa mga empleyado dito. She said she wanted to play with me, so I did." Naupo na rin ito na kandong ang bata.
Napangiti na lang siya. "Hindi mo naman sinabi. Kulang yata 'to."
"Order pa tayo?"
"'Wag na. Hati na lang kami. Ikaw na lang ang kumain."
Hindi na nagsalita ang binata dahil ibinigay na niya ang burger niya sa bata. Ang fries na lang ang sinimula niyang kainin. Alam niyang nakatitig lang sa kanya ang binata pero nagsimula na rin itong kumain.
One thing she noticed, Kieth is very fond of children. Bagay na hindi mo iisipin lalo na sa aura ng binata. Pero nakita na niya kung paano ito mag-enjoy sa orphanage at ngayon nga ay may bata na itong kandong.
It's cute.
He's cute.
Matapos silang kumain ay nagpaalam na sila kay Janella. Hiyang-hiya pa ang mama nito pero si Kieth na ang nagpaliwanag at nagsabing wala lang iyon. That was really nice of him.
"Saan tayo?" Tanong ng binata at muling ibinalot ang coat sa kanya.
"Hindi ko alam. Ikaw? Saan tayo?" Balik tanong naman niya.
Hindi na nakasagot ang binata dahil ang magriring na ng cellphone nito ang pumutol sa usapan nila. Nag-excuse at sinagot ang tawag. Siya naman pumunta na sa motor at hinintay ang binata.
Tinitigan niya ito. Matikas tumayo ang binata. 'Yung tayo pa lang ay alam mo nang dominante ito. Sa pananamit nito, bagay na bagay ang tuxedo dito o kaya kahit anong formal attire. Kahit ano naman yata ang ipasuot mo sa binata ay mukhang madadala nito.
He's actually confusing her. May dating talaga ang binata na akala mo papatayin ka sa sobrang seryoso nito. His eyes added more to his dangerous aura. Pero alam naman niyang hindi ito masama o nakakatakot. The few moments before and the hours with him tonight can prove that.
Napabuntong-hininga na lang siya. Maliban sa pagsampal at ang pagbato niya ng stiletto sa binata, ano pa ba ang dahilan para paglaruan sila ng tadhana at para makilala niya ito?
No, Jeanna, stop it.
Ayaw niyang mag-isip ng kahit ano pa mang malalim na dahil sa kung bakit niya nakilala ang binata. She wanted so much to think that he can be the person who could help her... pero hindi niya iyon gagawin.
Hindi ako pwedeng umasa.
Pagbalik ng binata ay wala na ang magaan nitong aura. Para na talaga itong papatay. "I have to take you home."
Tumango naman siya at umangkas na lang. Mukhang nawala na nga sa mood ang binata.
"Hold on tight."
Tahimik at mabilis ang naging byahe nila. Wala pa yatang kalahating oras ay nasa tapat na siya ng bahay nila ng kuya niya. Tahimik lang ang bahay at mukhang tulog na ang mga tao roon. Patay pa rin ang mga ilaw at wala pa ang sasakyan ng kuya niya kaya sa malamang ay wala pa rin ito.
This silence can really kill her.
Pagkababa niya ay agad niyang hinubad ang helmet pati ang coat at inabot iyon sa binatang nakasandal na lang sa motor nito. Hindi niya alam kung ngingiti siya o ano.
Sungit naman kasi.
"B-Bye." Iyon lang ang naisipan niyang sabihin.
Nang hindi sumagot ang binata sa kanya ay napabuntong hininga na lang siya at tumalikod na.
Masungit talaga.
"Jeanna, wait!"
Paglingon niya ay nasaktong nasa harapan na niya ang binata. Hinawakan nito ang kanyang kanang braso. Their closeness again makes her speechless.
Napabuntong-hininga rin ito pero hindi nito hinihiwalay ang tingin sa kanya. "Good night. Tonight's my greatest escape."
Iyon na lang ang sinabi ng binata at tuluyan na siyang iniwan.
'Yung puso niya...