Library
English
Chapters
Settings

Chapter 7: Montelvaro

Mukhang hindi na kailangang magkwento ni Jeanna tungkol sa mga nangyari kaninang umaga lang. Kitang-kita naman kasing talagang ine-expect ito ng kuya niya. Kiera is all smiles and good vibes. Mukhang kilalang-kilala na nito ang kuya niya. Bagay na hindi malabong mangyari dahil kaibigan nga ng kuya niya ang mga Montelvaro

"Nandito ako, hija, para ipaalam na mamanhikan na kami."

Muntikan na siyang malaglag sa kinauupuan niyang kitchen stool. "P-Po?!"

Ngumiti nito na para bang sobrang normal lang mamanhikan agad-agad. "Oo, hija. Mamamanhikan nga. Hindi man ngayon pero sana kung kailan ka na pwede. Napag-usapan na namin ng kuya mo ang tungkol dito kanina lang, kaya naman sagot mo na lang ang kailangan at pupunta na kami dito anytime."

Napatingin siya sa kuya niya at sa bestfriend niya ngayong akala mo ready na ready na siyang ibenta. Mabuti na lang at nag-excuse muna ang mga ito para bigyan sila ng privacy.

Literal na sobrang bilis ng mga nangyayari dahil nandoon lang siya sa mansion ng ginang kanina at ngayon naman ay gusto na nitong mamanhikan!

"Ma'am Kiera..." Napalunok siya at ibinaba ang hawak na baso. Gusto niyang matawa sa mga nangyayari pero alam na alam niyang hindi isang malaking joke ang lahat ng ito. "...hindi ko po maintindihan. Bakit naman po kayo mamamanhikan? Hindi nga po talaga kami close ng anak niyo. Pasensya na po talaga sa mga nangyari. Lasing po ako at alam kong hindi excuse 'yun. Magso-sorry na lang po ako. Kung kailangan po ng public apology para malinis ang pangalan ni Kieth sa mga issue, gagawin ko po. Sorry po talaga."

Laking gulat niya nang hawakan ng ginang ang kamay niya. "Miss de Lara, I know this is too early but I want you for my son. Tutal at sabi na rin sa mga dyaryo na ikaw ang rumored girlfriend ng anak ko, mabuting totohanin na natin. I love your guts, Jeanna. I really do. Knowing you fully wouldn't be a problem at all because I already know your kuya."

Hihimatayin yata talaga siya bilis at dami ng mga nangyayari.

* * * * * * * * * * *

"Ako po ang manager. May problema po ba?" Mahinahong awat ni Jeanna sa isang customer na sinisigawan ang waitress niya.

Nagsimula na ang mga bulong-bulungan sa paligid at alam niyang nakuha na niya ang atensyon ng lahat.

Matapos ang mga araw na pamamahinga at pagkukulong sa kwarto niya ay pumasok na siya ngayong araw. Hindi niya pwedeng iwan ng matagal ng trabaho niya at ayaw naman niyang mabulok na lang. Ayaw din sana niya ng stress hangga't maari pero heto na nga at bumungad na sa kanya ang nagwawalang customer nila.

Tinignan siya ng masama ng babae. "Ikaw ang manager? Aba naman! Napakatanga naman staff mo! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang dress kong 'to? Ano na lang ang ginawa ng tangang staff mo? Tinapunan niya lang naman juice!"

Nanginginig na ang staff niya. Bago lang ito kaya naman understandable ang nangyari para sa kanya kesehoda kung sino man talaga ang may kasalanan. Tinignan niya ang iba pa niyang mga staff na gusto nang pigilan ang babaeng nasa harapan niya. Napangiti siya. Kilalang-kilala na talaga siya ng mga staff niya.

"Miss, saan mo ba 'to gustong pag-usapan? Mas makabubuti na yatang sa opisina ko na lang at nakakaistorbo na yata tayo ng ibang pang kumakain." Mahinahon pa rin niyang turan.

"Aba, wala akong pake! Mas mabuti nang alam nila kung anong mga staff ang mga nandito. Ang tatanga!" Hirit pa rin ng babae na nagpaiyak na sa waitress niya.

Doon na nagpanting ang tenga niya. Oh, it will be so good to slap this woman. Wala itong karapatang sabihan ang staff niya ng ganoon. Lahat ng mga staff niya ay nagtrabaho sa kanyang tao at hindi siya papayag na may tumrato sa kanila na para bang mga hayop. Sasabog na sana talaga siya nang—

"Hi miss!"

Lahat ay napatingin sa lalaking nagsalita. Pati ang bulong-bulungan ay nawala at napatahimik ang lahat. Isa itong matangkad na lalaki na may pagka-chinito, at nakasuot ng gray na suit. Nakapa-good vibes nito na pati siya ay nawala ang asar sa babaeng nasa harapan niya ngayon.

Lumapit ang binata sa kanila—doon niya napagtantong kulay green ang mga mata nito—at inakbayan ang babae. "Pasensya ka na. Hindi naman sinasadya ni ate na matapunan ka ng juice. Please don't anger the manager anymore because she could really buy you whole. Kaya please, kung ayaw mong may iba pang magwala dito, magwo-walk out ka na lang."

How could this man sweet talk and yet warn the woman like that?

Parang tangang sumunod ang babae at umalis ng masama ang tingin sa kanya. Umalis ito nang ganon-ganon na lang. Ang lahat ay bumalik na sa kanilang sari-sariling mundo, pero dahil karamihan ng mga customer nila ay babae, nakatingin pa rin ang mga ito sa lalaking ngayon ay naiwan sa harapan niya.

"Thank—"

"Don't thank me yet." Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng binata. "Come with me."

Wala na siyang ibang nagawa kundi sundan ang binata dahil naglakad na ito papalabas ng restaurant. Tinapik niya na lang ang balikat nang umiiyak niyang waitress at sinenyasan ang iba pa na mag-ayos na.

Mabilis siyang sumunod sa binata at muntikan nang malaglag ang panga niya ng humalo nito sa grupo ng mga kalalakihang naka-suit dito sa parking lot niya. Kung hindi nakatayo ay ang ilan naman ay nakasandal sa kani-kanilang kotse. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang napamura sa isip niya at napahinto sa paglalakad.

Anong balak ng mga nilalang na ito na sa kanya?

Nang makalapit ang lalaki at kinausap ang mga kasama nito ay sabay-sabay pa ang mga itong tumingin sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

It should be illegal to let all good-looking men out in the open.

"Please, come here, miss." Tawag ng lalaking tumulong sa kanya.

Hindi niya alam kung paanong lakad ang ginawa niya. Mukhang mga kagalang-galang naman ang ito. Bigla niyang namukhaan ang mga kalalakihan. Hindi niya sigurado pero parang nakita na niya ang mga ito.

"This is Jeanna de Lara."

Kung nakamamatay lang ang mapanuring tingin ay kanina pa siya na-decompose. Iba tumingin ang mga kalalakihang nasa harapan niya ngayon na para bang hinahalukay nito ang pagkatao niya. Kahit pa nga ba nakangiti ang mga ito ay mukha silang mga gwapong demonyo.

"I'm Genesis." Sa wakas ay pakilala na ng binatang tumulong sa kanya. "And these are Gabrielle, Zachary, Dylan, Francis, Giovann and Frey. Kami ang mga magiging escort mo."

Bago niya pa matanong kung bakit escort o ano pa man ay bigla siyang nakaramdam ng hilo... parang gumagalaw na naman ang paligid niya. Ano na nga bang nakain niya kanina?

Rinig na lang siya ang halakhak ng mga kalalakihan at mula sa isang kotse sa hindi kalayuan ay may isa ring binatang lumabas. Gaya ng mga kasama niya ngayon ay naka-suit rin ito.

Kieth.

Tuluyan na naman siyang nahimatay.

* * * * * * * * * *

Maingay na bulungan ang unang narinig niya nang magising siya. Wala namang kahit anong masakit sa kanya at naaalala niyang nahimatay siya sa harap ng mga lalaking tambay sa parking lot ng restaurant niya. Pinakiramdaman niya kung nasaan siya at sigurado na siyang nasa malambot na kama siya.

Lord, hindi naman po siguro sila mga gwapong kidnapper, 'di po ba? Wala naman po sigurong mga kidnapper na naka-Audi.

Pagmulat niya pa lang ng mga mata niya ay agad na natahimik ang paligid.

"Oh my gosh! Finally!" Exaggerated na bati ng isang dalaga sa kanya. "Hi! I'm Kayelle, by the way. I hope you're really, really okay na."

Isang binata—na ang alam niya ay Zachary ang pangalan—ang lumapit sa kanya at tinulungan siyang umupo. Nakakahawa ang ngiti ng binata kaya naman napangiti na rin siya. "May nararamdaman ka ba? Nahihilo ka ba?"

Umiling na lang siya dahil ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan niya. Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay inabutan naman siya ni Genesis—ang binatang tumulong sa kanya—ng isang basong tubig. "Drink up. Aalis na rin muna kami at iiwan ka na namin kay Kayelle."

Lumabas na ang mga lalaki at naiwan na siya kasama si Kayelle. Mukha itong dyosa sa suot nitong red evening gown. Kung tatayo siguro siya ay baka kasing height niya ito minus 'yung heels ng dalaga. Agad niyang ininom ang tubig sa uhaw niya.

"Pasensya ka na sa mga kuya ko, Miss Jeanna. They all think that they are the gods kaya naman gagawin talaga nila ang kahit anong i-please nila. Oh! Kailangan pa kitang ayusan ate." Naupo ang dalaga sa upuang kaninang okupado ni Zachary. "I hope your size is 36-26-38."

Napangiti siya at umiling. Nasa aura ng dalaga ang pagiging mabait nito kahit mukha itong bitch. "36-26-37."

Tumango ang dalaga at naglakad na papasok sa isang pinto ng kwarto. Ilang sandali niyang lang ito hinintay at nakita niyang may hawak na pulang gown ang dalaga.

"If you'd like to have a shower first, nandoon 'yung bathroom." Tinuro nito ang kulay asul na pinto.

Ganoon na nga ang ginawa niya. Matapos maligo ay tinulungan naman siya ni Kayelle na magbihis at mag-apply ng make-up. May hinala na siya kung sino ang mga taong ito. Kung maaalala niya ang huling lalaking dumating sa parking lot... Alam na niyang may kinalaman na naman ito. Pati ang heels na kanyang suot ay kasyang-kasya lang sa kanya. Lalo naman 'tong gown na akala mo ay sinukatan muna siya bago nito tahiin.

"Wow!" Napapatango pang sabi ng dalaga sa kanya. "No wonder! Kaya naman pala talaga..."

Hindi na siya nakasagot sa komentong iyon dahil may kumatok na pinto, sinasabing kailangan na nilang bumaba. Tumango na lang siya at sumunod sa dalaga.

Hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya kinakabahan kung nasaan man siya ngayon. Ang tanging alam niya lang ay naka-gown siya at may kung ano sa baba.

Nang makababa sila sa grand staircase ay rinig na rinig na niya ang masayang ingay sa labas. Hindi naman na siya nag-abalang magtanong dahil doon na rin naman sila pupunta.

Parang isang kasalan pala ang okasyon ngayon. Hindi niya kilala ang mga taong narito. Nang makarating lang sila sa table ay nakita na niya ang mga pamilyar na mukha. Si Genesis, Gabrielle, Zachary, Dylan, Francis, Giovann and Frey. May mga iba pang kasama na hindi na niya kilala.

"Hi, kuyas! This is the ever beautiful Ate Jeanna de Lara. Ate, I know you know those first seven, kaya naman heto pa sina Ren, Zeus, Poseidon, at Hades." Pakilala ni Kayelle sa kanila.

Binati rin siya ng mga kalalakihan at kahit hindi pa niya ganoong kakilala ang mga ito ay magaan na ang loob niya sa kanila. Akala mo kasi mga bata na kung makapagkaladyaan at magbiruan sa isa't isa.

Naglipatan rin ng table ng dumating ang mga ka-date nila. Naiwan siya, si Kayelle at ang date nito. Kung pwede lang ay magpapaalam na siyang umuwi pero bago niya pa magawa iyon ay may humawak ng braso niya.

"Come with me."

Hindi na naman siya nakasagot dahil hinila na lang siya nito nang makatayo siya. Naglakad sila papunta sa bandang likuran ng bahay na tanaw pa rin ang garden kung nasaan ang buong party. Doon niya lang din nakita si Kiera sa stage na kasama ang asawa nito. Sa bandang harap na table ay nandoon si Kyren, ang Kuya Jeno niya at ang girlfriend nito. Sa kabilang table ay nakikita niya ang pamilya ng mga Ashford.

Hinahabol niya pa rin ang hininga niya nang hawakan nito ang kanyang baba para maiharap ang mukha niya dito.

Parang babagsak na yata siya. Hindi dahil sa paglalakad nila papunta dito ngayon sa posisyon nila. Heck, she's not even catching breath because of it anymore. Lahat iyon ay dahil sa lakas ng epekto ng isang Kieth Montelvaro. His mere presence is enough to make her shiver. Ngayon pa kaya na sobrang lapit na niya dito at nakatitig na naman siya sa mga mata nito.

No, Jeanna, don't even dare look at his lips.

Ramdam niya ang init ng binata. Nakasandal na siya sa pader at nakapagitan ang ulo niya sa braso nitong nakatukod din sa pader. Lumalim ang paghinga niya. Ibang-iba ito ngayon kumpara sa binatang nakalaro niya kasama ang mga bata sa orphanage.

Guilt is starting to eat her up. Matapos ang mga ginawa niyang naging dahilan para mapunta ito sa balita, inaasahan na niyang galit ito sa kanya.

"S-Sorry..." Bulong niya.

Kieth only smiles but his eyes remain as dangerously dark as it is. "No sorries. Will you trust and let me?"

Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. Wala na siyang ibang marinig kundi ang lakas ng pagtibok ng sarili niyang puso.

This felt rebellious—like she's a teenager not wanting to be caught. Her adrenaline is overflowing.

Alam niya ang susunod na mangyayari at gusto niya iyon. Gusto niya iyon at hindi niya pipigilan ang binata.

Yumuko si Kieth at tumigil ang mundo niya. She tried her best not to close her eyes and stare at this man but she couldn't. Nalunod na naman siya sa sensyasyong dala ng mga makasalanan nitong labi at napapikit na lang siya.

Damn Montelvaro.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.