1
"WE'RE GETTING you arranged to be married,"
Seryoso ang boses ng ama ni Siddharth or Sid kung tawagin ng nakararami. Nag-long distance call ito sa kanya mula pa sa Mumbai, India---ang bansa kung saan ito nakatira at isa pa niyang tahanan. Indian ang ama niya.
Tinawanan lang ni Sid ang ama. "I don't want to get married,"
"Kailangan mo. Tumatanda ka na, Sid. Maganda na rin naman ang lagay ng trabaho mo. And I received a lot of proposals already," wika ng ama sa wikang Hindi.
"Ayoko pa nga na magpakasal, Dad. Masaya pa ako sa buhay ko bilang playboy at---"
"Pero hindi na ako masaya. Ang tagal ko ng naghihintay ng apo,"
"Apo lang pala ang gusto," Iiling-iling si Sid. Pero maya-maya rin ay natawa siya. "Gusto niyo bang buntisin ko ang isa sa mga babae ko?"
"Gusto ko ay sa isang seryoso kang babae. Preferably, 'yung asawa mo na."
"Hindi na yata darating ang araw na 'yun, Dad."
"Well, pangungunahan na kita. Magsisimula na kaming mag-entertain ng mga proposals. You can't say no to this, Sid. Kapag pinahiya mo ako sa mga kapwa ko Indians, alam mong masisira na naman ang image natin sa society,"
"Dad, matagal ng sira ang image natin sa society. You know it because you are the one who did it first,"
More than thirty years ago ay na-in love ang Daddy niya sa Mommy niya na isang Filipina. It was a whirlwind romance and they got married instantly. Hindi naging alintana sa Daddy niya na lumaki sa isang conservative na environment ang status ng Mommy niya---a divorcee at may tatlo ng anak sa iba't ibang lalaki. What his Dad did is so bold and also considered as a taboo in the Indian Society. Bukod pa sa hindi rin tanggap ang love marriage, lalo na sa mga panahon na iyon.
Kinagalitan ng pamilya nito ang Daddy niya, halos itakwil. Kahihiyan ito kung ituring ng angkan. Dahil sa Daddy niya, bumaba ang tingin ng mga tao sa pamilya nito. At nang maghiwalay ito at ang Mommy niya ay mas nahirapan pa ito. Mabuti na nga lang at naggawa pa rin naman itong tanggapin ng pamilya nito. Hindi man naging madali dahil sa galit pero bumawi naman ang kanyang ama. Nang maayos nito ang malaking problema ng pamilya sa negosyo ay unti-unti rin na umayos ang pakikitungo ng Lolo at Lola niya sa ama niya. Napalaki at mas napaunlad pa ng Daddy niya ang negosyo kaya naging mahalaga na ulit ito sa pamilya.
"Kaya nga binabalaan na kita. I don't want you to suffer the same thing that happened to me,"
"Alam ko naman iyon, Dad. But it's already the twentieth century. Oo, marami pa rin ang against sa mga love marriage at lalo na sa kagaya ko sa India. But the generation is starting to think anew. Isa pa, hindi lang naman ako taga-India. Taga-Pilipinas rin ako,"
"Gusto kong sumunod ka sa kultura ko,"
It sucks. Gusto sanang sabihin ni Sid sa ama. Pero bukod sa matanda na at nirerespeto rin naman niya ito at ang paniniwala na nito ngayon, sinaloob na lang niya iyon. "I'm busy, Dad."
"I'm going to be busy too planning your marriage. I'm serious."
"Bahala na nga kayo, Dad. I'll call you when I am not busy. Take care,"
Ibinaba na ni Sid ang tawag. Naka-break lang siya kaya nasagot niya ang tawag nito. Nagpunta na siya sa canteen ng airline company na pinagtatrabahuhan niya para kumain ng merienda. Isa siyang Senior Aircraft Engineering sa Air Philippines---isa sa pinakamalaking airline company sa Pilipinas. Pinili niyang sa Pilipinas magtrabaho kaysa ang pamahalaan ang business ng ama sa India dahil mas gusto niyang gamitin ang pinag-aralan niya. Graduate siya ng kursong Aircraft Engineer.
Medyo gutom na si Sid pero nang makarating sa canteen. Pero pagdating roon ay iba ang naging dahilan ng gutom niya. Nagkakagulo kasi roon. Parang may lalaking umiiyak.
"Anong problema?" Hindi napigilan ni Sid na maki-usyoso at ma-intriga sa mga nangyayari.
"Na-basted, Sir." Sagot ng isa sa mga nagkukumpulang lalaki. Itinuro nito ang lalaking tulala at parang paiyak na.
"Ha?" Takang-taka si Sid. Hindi niya personal na kilala ang mga lalaki. Sa tingin niya ay mga steward ang mga ito ng eroplano dahil sa suot na uniporme. Pero guwapo ito at iilang beses na rin naman niya itong nakikita sa kompanya. He looks like a decent guy. Sino naman kaya ang nambasted rito?
Nagsalita ang isang nakahalukipkip na lalaki. "Sinabi ko na naman sa 'yo na 'wag ka ng magtangka sa office staff na iyon. Pang sampu ka na yata sa na-basted noon eh wala pa yung tatlong buwan dito sa kompanya,"
"Amazona 'yun," komento pa ng isa.
Umiling ang lalaking na-busted. "She is amazing,"
"You're love sick,"
"Mukha nga," Napa-komento rin si Sid. Mukha siyang tsismoso sa ginagawa pero natural na sa kanya ang pagiging curious. Isa pa, kakomen-komento naman talaga ang narinig niyang kuwento. The guy is unbelievable. Sinaktan na nga ito ng babae pero naggawa pa nito iyong purihin.
"Kapag nakita at nakilala niyo siya, sasabihin niyo rin na amazing siya,"
"Patingin nga ng picture niya,"
Hindi naman nagdalawang isip ang lalaki. Ibinigay nito ang cell phone sa kanya. Wallpaper nito ang babae.
Instantly, naintindihan ni Sid ang lalaki. The girl is so beautiful. Ilang beses pa siyang napakurap habang tinitigan ang kagandahan nito. Mukha itong beauty queen. Masasabi niyang may hawig rin ito kay Pia Wurtzback---minus the morena skin. May pagka-mestiza kasi ang babae. But the shape and brightness of the eyes, the high-bridge nose and sexy lips looks like the same as the woman who once considered the most beautiful in the entire universe. Makikita rin ang confidence sa mukha nito na siyang isa sa mga trademark ni Pia.
"Dito siya nagtatrabaho?" Tanong ni Sid nang maka-recover.
Ngumisi ang isang lalaki. "Sir, kilala kita. Kilala kang playboy hindi lang dito sa kompanya kundi pati na rin sa Pilipinas. Pero 'di kayo talo ng babaeng 'yan. She is the most coldest girl I've ever known,"
Nagkibit-balikat si Sid. Kahit kailan, wala pang babaeng tumanggi sa kanya. He is born good-looking and with a natural charm. At naniniwala siyang kahit ang babaeng iyon ay hindi rin makakatanggi sa kanya.
Nang makaalis si Sid sa grupo ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang itsura ng babae. He felt also excited. Nasa iisang kompanya lang sila na nagtatrabaho. Malaki ang chance na makita niya ito. And once seeing her made him look forward in meeting her despite of the negatives.
Challenge ang babae. And he doesn't mind to be up for one.