Library
English
Chapters
Settings

9

HINDI makakasama ni Yaminah si Rashid sa pagbalik niya ng Saranaya. Dumating kasi ang kapatid nitong si Rocco mula sa Sicily. Madalas na humihingi ng business advice ang sumunod na kapatid ni Rashid sa ina kaya nagpa-iwan ito. Tinulungan nito ang kapatid. Bukod pa roon ay nagbabalak raw na magpatayo ng negosyo si Rocco at balak na sumosyoso roon ni Rashid.

Hindi naman iyon big deal kay Yaminah. Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya. Isa pa, hindi naman talaga siya nag-iisa sa pag-uwi niya sa Saranaya. Kasabay rin niya ang body guard niya. Kailangan na rin kasi niyang umuwi sa Saranaya. Isang linggo mula ngayon ay gaganapin ang twenty second birthday niya. Malaking party ang ibinigay sa kanya ng ama. Kasali rin siya sa paghahanda.

May private jet ang pamilya pero gamit iyon ng kanyang ama na nasa ibang bansa rin ngayon. Isang public plane ang sinakyan niya pabalik. Hindi naman siya maselan kaya pumayag siya. After all, she loved to experience an ordinary person's life. Ganoon rin kasi si Rashid.

Kahit parte rin ng royal family at mayaman rin naman ang buhay sa Pilipinas ay simple lang ang pamumuhay ni Rashid. Wala itong body guard. Pumupunta ito sa mga lugar na madalas ay pinupuntahan rin ng mga ordinaryong tao. Hindi ito natatakot. He is not luxurious. At gusto niya iyon. Pagkatapos ng lahat, nakakasawa na rin naman ang buhay na napakarangya. Wala ng thrill. While being with Rashid, experiencing an ordinary life is adventure. It was fun. Malaki rin ang tiwala sa kanya ng ama kaya hindi naman ito natatakot.

Habang naghihintay ng boarding ay nagbasa muna si Yaminah ng local magazine sa magazine rack na nakita niya sa airport. Matagal-tagal pa kasi ang paghihintay niya. Ayaw naman niyang mainip. Nakakaintindi naman siya ng wikang Filipino kaya hindi problema ang magbasa ng local magazine.

Pero sa halip na maaliw sa pagbabasa ay sumama ang pakiramdam ni Yaminah nang makita ang unang pahina ng magazine na napili niyang mabuklat.

Meet the International Playboys...

Nakita ni Yaminah ang larawan ng mga kapatid ni Rashid at ganoon rin ang lalaki. Na-curious siya kaya binasa niya iyon.

Half-Foreign, Half-Filipino's...and all Playboys? They say it runs in the blood! The mother, Janna Marqueses-Harris, was also tagged as playgirl as how can you assess a woman with six sons to different foreign fathers? Aside from that, the famous half-brothers are mostly spotted into bars, flirting, drinking and partying all night!

Lumakas ang tibok ng puso ni Yaminah. May kanya-kanyang profile ang magkakapatid. Kahit si Rashid ay mayroon rin roon. May mga larawan rin doon na kuha ng magkakapatid sa bar. May kuha rin si Rashid roon na napapalibutan ng mga babae.

Tinignan ni Yaminah ang magazine. Umasa siya na baka dati pa naman ang magazine. Na ang mga larawan na iyon ay kuha pa bago niya nakilala si Rashid. But the magazine was published just a month ago. Nabitawan niya iyon.

I'm not the only one... Walang pakialam si Yaminah kung mas malala pa ang ibang larawan ng kapatid ni Rashid. Ang hindi niya matanggap ay playboy pala ang lalaki. Naniniwala siya na mabuti ito. Naniniwala rin siya na espesyal siya sa lalaki kahit noong hindi pa naman nito sinasabi iyon sa kanya. Pero kung espesyal talaga siya, bakit may ibang babae pa rin sa buhay nito?

Polygamy is legal in Saranaya. But not all men practiced it. Isa na roon ang kanyang ama. Gusto niya na kapag nagkaroon rin siya ng asawa ay kagaya rin ng Papa niya. Gusto niyang siya lang ang babae sa buhay ng lalaking minamahal niya. She looked up with what her parents have. She wanted the same thing, the same love. Romantic siya.

Pero ito pala ang totoong mundo. Hindi dahil isa siyang prinsesa ay kontrolado niya ang lahat ng bagay. Hindi dahil gusto niya, makukuha niya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.