Library
English
Chapters
Settings

2

"HELLO, Daddy..."

Pinilit ni Yaminah na pasiyahin ang tinig nang batiin ang amang hari. Pagod siya. It was also been a long day. Bilang crown princess ay marami siyang gawain, lalo na ngayong mahina ang kanyang ama. Halos isang buwan na ang nakakaraan simula nang mai-stroke ito. Na-paralyze ang kalahati ng katawan nito. Dahil may katandaan na, ayon sa mga Doctor ay mahihirapan para rito na maka-recover.

Ganoon rin ang nakikita ni Yaminah sa lagay ng ama. Alam niyang mali iyon. Mahal niya ang ama at gusto niyang mabuhay ito. Dapat ay maging positibo siya na gagaling pa rin ito. Pero nanghihina ang loob niya sa nakikita na lagay ng ama. Halos gulay na ang katawan nito. Wala na rin ang sigla at saya sa mukha nito na akala niya noon ay hindi na maalis rito. Ang ama niya ang pinaka-masiyahin at positibong tao na nakilala niya.

"Habibti," Kahit ang boses ng ama ay mahina rin. "How was your day?"

"It's okay," sagot ni Yaminah kahit malayo iyon sa katotohanan. Paano siya magiging okay samantalang masama ang lagay ng kanyang ama? Bukod pa sa mabigat ang trabaho niya. Nasa Pilipinas pa ngayon ang asawang si Rashid kaya mas mahirap. Wala siyang makatulong sa pamamahala sa palasyo at sa buong Saranaya.

Kahit may sakit ang ama ay nanatili pa rin ito na hari ng Saranaya---isang bansa na matatagpuan sa Middle East at kabilang sa Arabian Peninsula. Matagal ng namumuno ang pamilya nila roon. Ngayong may sakit ang ama, napunta sa kanya at sa asawa na si Rashid ang pamamahala ng bansa. Maliit lang naman na bansa ang Saranaya. Pero sa lagay niya ngayon, mahirap para sa kanya ang magtrabaho. Hindi pa man patay ang kanyang ama ay parang nagluluksa na siya sa lungkot.

Halos ang ama lang ang nakilalang magulang ni Yaminah kaya napakasakit para sa kanya na makita na hindi na ito kagaya ng dati. Dalawang taong gulang pa lang siya nang mamatay ang kanyang ina sa sakit sa puso. Hindi na nag-asawa ang kanyang ama. Ibinuhos na lang nito ang atensyon sa Saranaya at pati na rin sa kanya. Mahal na mahal siya ng kanyang ama at ganoon rin siya rito. Ramdam na ramdam niya ang titulo niyang "prinsesa" sa piling nito. Napakabait rin nito sa lahat.

"How about you? Is everything all right to you, Papa? I missed you..." wika ni Yaminah nang makalapit sa ama. Yumakap siya rito. Pinigilan niya ang kanyang mga luha sa isipin na baka kakaunti na ang mga sandali na mayayakap niya ang ama. The stroke hit him bad.

Hindi siya sinagot ng ama. Sa halip ay itinaas nito ang kanang kamay na kahit nakakagalaw ay halatang humina rin dahil sa stroke. It was shaking. "You are sad, Habibti,"

"I am going to be fine. Just like you, my darling Papa..."

Matagal na tinitigan siya ng ama. Huminga ito nang malalim pagkatapos. "How's Rashid? Did he come back already?"

"I—" natigilan si Yaminah. Inalala niya ang petsa ngayon. Ngayon ang sinabi sa kanya na pagbabalik ng asawa. Pero hindi niya pa ito nakikita. Hindi rin naman niya gustong makita ito kaya hindi niya iniisip.

"I-I guess so. I'll try call him later." For your sake.

Tumango ang ama. Nagsalita ang ama sa wikang Arabic na siyang pina-lenggwahe nila sa Saranaya. "Gusto ko siyang makausap kapag nakabalik na siya. Kayong dalawa."

"Sige. Pero kumusta ka?" Sinagot rin naman ni Yaminah ang ama sa wikang Arabic. Fluent siya sa tatlong language---Arabic, English at saka Filipino. Natuto siyang magsalita ng Filipino dahil sa Pilipina na yaya niya noon. Mas naging bihasa rin siya dahil sa asawang si Rashid. Madalas silang nag-uusap sa wikang Filipino. Isa itong Half-Saranarian at Half-Filipino. Pilipina ang ina nito.

"Hindi ako sinungaling. Hindi ako okay. Pero kung malungkot ka, mas malungkot ako. It feels so lonely when you know you'll gonna leave this world soon..."

Ginagap ni Yaminah ang kamay ng ama. "You will not leave, okay? You have to be strong. We still have---"

"Bigyan mo ako ng dahilan para maging matapang."

"Dahil gusto ko. The Saranarian people needs you. Magaling kang hari."

"Mas magiging magaling si Rashid."

Kapag namatay ang ama, ang asawa niya ang susunod sa yapak nito. Isa rin sa mamumuno si Yaminah dahil asawa niya si Rashid. She will be the queen of Saranaya. Bilang reyna ay may responsibilidad rin siya. Pero mas malaki ang responsibilidad ni Rashid. Lalaki kasi ito. Naniniwala ang mga tao sa Saranaya na mas may kakayahan ang mga lalaki na mamuno dahil mas malakas ang mga ito kaysa sa kanilang mga babae. Bilang reyna, ang tanging kaya lang niyang gawin ay ang suportahan ang hari. Maliit na responsibilidad lang ang ibiigay sa kanya.

"But Papa..." Napaiyak na si Yaminah.

"Don't cry, habibti," Pinunasan ng ama ang luha niya. "You made me sadder when you cry..."

"Anong gusto mong gawin ko? Papa, ayokong makita kang ganito. Kailangan mong maging matapang!"

"Kung ganoon ay maging matapang ka rin, Yaminah." Titig na titig ang ama sa kanya nang sabihin iyon.

Naglihis ng tingin si Yaminah. Nailang siya bigla. Nahiya rin siya. Sabagay, ano nga ba naman ang karapatan niya na mag-demand sa ama na kailangan nitong magpakatatag at magpakalakas samantalang mahina rin siya? She was not strong enough to face the ghost of her past.

Matagal-tagal rin na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Napatingin lang ulit si Yaminah sa ama nang pisilin nito ang kamay niya.

"I have a wish, habibti..."

Tumaas ang isang kilay ni Yaminah. "Ano iyon?"

"Ipangako mo muna na ibibigay mo iyon sa akin."

"If it will make you happy, if it will make you live and fight for your life, I will promise to give it to you. Ayokong makitang nagkakaganito ka. Lumaban ka."

"Sige." Tumango ang kanyang ama. Isinunod nito ang pagsabi sa kasunduan nito na gusto niya.

Nanlaki ang mata ni Yaminah sa sunod na narinig. Tinanggal niya ang kamay na hawak-hawak ng ama. Nanghina siya. "Hindi mo magagawa ito sa akin."

"Nangako ka, Yaminah. You have to respect my decision."

"Y-yeah. But isn't it a popular saying that promises are meant to be broken?" Pagak na tumawa si Yaminah.

"You disappoint me." Nagdilim ang mukha ng ama. Inalis nito ang tingin sa kanya. He shifted his position away from her.

Kinain nang matinding lungkot si Yaminah. She loved, adored and respect his father. Kaya magagawa ba talaga niyang patagalin ang ngayon ay nagsisimulang pagtatampuhan nila? Hindi niya gustong i-disappoint ang kanyang ama. Pero kung gagawin niya ang utos nito, magiging sobra naman ang disappointment na mararamdaman niya sa sarili niya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.