Library
English
Chapters
Settings

1

PAGKABABA ng sasakyan ay halos takbuhin ni Rashid ang lugar kung nasaan ang asawa na si Yaminah. Hindi na niya hinintay ang mga body guard niya na regular na sumusunod sa kanya kapag nasa Saranaya---ang bansa kung saan siya madalas na tumira simula noong bata pa siya. Atat na siyang makita ang asawa.

Napakalakas ng tibok ng puso ni Rashid kahit hindi na dapat. Kahit tumakbo siya ay wala na siyang magagawa. Huli na rin siya. Wala na siyang magagawa para sa mag-ina niya. Alam na niya ang lahat. He lost his first baby.

Nakaligtas man ang asawa na si Yaminah pero nag-aalala pa rin siya. Wala man lang siya sa tabi ng asawa sa madilim na oras na iyon.

Maraming tao na nagbabantay sa labas ng kuwarto ng asawa nang makarating siya. Lahat ng mga iyon ay yumuko sa kanya. Tinanguan lang niya ang mga ito pagkatapos ay pumasok na sa kuwarto. Bukod kay Yaminah na nakahiga sa kama, ang pinakamamahal na ama lang nito ang matatagpuan sa loob.

"Rashid," wika ng Hari ng Saranaya. Malungkot ang mga mata nito nang tignan siya at ang natutulog na si Yaminah.

"H-how was she?"

"Worst," bumuntong-hininga si Haring Rafiq. "She's almost hysterical. She was also sedated to calm down when she was informed that she lost it..."

Lalong nakonsensya si Rashid. Yumuko siya. "I should have been there."

Lumapit ang hari kay Rashid. "The Doctor's did their best but it's still a failure. You can't do anything about it. It's all fate."

Napaka-intindihin ng ama ni Yaminah. Nahiling ni Rashid na sana ay ganoon rin siya. Hindi kasi niya maintindihan ang sitwasyon. Hindi niya matanggap.

Lahat ay sabik na sa pagdating ng anak nila ni Yaminah. Nakadagdag pa sa saya nila na lalaki iyon. May pagka-konserbatibo pa rin na bansa ang Saranaya. Mas pinapaboran ang isang anak na lalaki, lalo na sa mga maharlikang pamilya dahil mas malakas ito. Naniniwala ang mga tao roon na mas may kakayahan ang mga ito na mamahala ng mga ari-arian---mga bagay na marami ang pamilya nila, lalo na nina Yaminah.

Napakaraming what-if sa isip ni Rashid. Isa iyon sa dahilan kung bakit nakokonsensya at lubos na nasasaktan siya. Halos dalawang linggo na silang hindi nagkakasama ng asawa. Umuwi siya sa Pilipinas dahil nagkaproblema ang negosyo nila ng kapatid na si Rocco. Hindi niya isinama ang asawa dahil maselan ang pagbubuntis nito. Hindi ito puwedeng magbiyahe nang matagal.

Ilang beses naman na nagkausap sila ni Yaminah. Sa mga pagkakataong iyon, madalas na pinapahiwatig nito sa kanya na nami-miss na siya nito. Malungkot rin ang boses nito. Pero nanatili si Rashid sa Pilipinas. Bukod kasi sa pagtulong, gusto rin muna niyang umiwas sa Saranaya. Nagkaroon rin kasi sila ng hindi pagkaka-unawaan ng kanyang ama sa mga negosyo nila sa Saranaya. Naiinis rin siya sa ilang beses nitong pagbalik-balik sa palasyo.

Kahit na sa magkaibang bahay na naman sila nakatira simula nang maging asawa niya si Yaminah ay hindi pa rin siya nakakaalis sa galamay ng ama. Mas lumala pa nga ang pakikialam nito sa kanyang buhay simula nang maging asawa niya si Yaminah. Marrying Yaminah give him the title of a Crown Prince because his wife was the crown Princess. Ito lang ang nag-iisang anak ng hari at magiging tagapag-mana nito ng trono kapag namatay ito. While Rashid's father is just a son of a Sheikh---a ruler of a state in Saranaya. Royal family rin sila na tinuturing pero mas mataas pa rin ang pamilya ni Yaminah.

Yaminah's family was the ruling royal family of the country. Her father was the ruler of Saranaya. Gusto ng ama ni Rashid ang fame at title na iyon. Gusto nitong makihati. Palagi itong pumupunta sa palasyo, lalo na kapag naroroon siya. Wala naman siyang maggawa para pigilan ito.

Pero ang pride ni Rashid ang lalong nagpagulo sa buhay niya. Kung nasa Saranaya lang sana siya ay baka naingatan niya si Yaminah. Hindi siguro namatay ang anak nila. Ayon sa balita niya, nadulas daw si Yaminah kaya dinugo ito. Nakaligtas man si Yaminah, hindi naman ang anak nila. Nang mailabas ito ay wala na itong heart beat. Still birth ito.

"Hindi mo ito kasalanan, Rashid. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi natin gusto ang trahedya na ito. We could not have all the luck in the world, can we? Everything that happened is just a bad day, but it doesn't mean it is a bad life..." Napaka-positibo pa na sabi ng hari sa wikang Arabian.

Nahiling ni Rashid na mahawa siya sa positiveness ng father-in-law niya.

Maya-maya pa ay pumasok sa kuwarto ang personal assistant ng hari. May kailangan raw itong asikasuhin. Bilang naroroon na naman siya para bantayan si Yaminah ay nagpaalam na ang hari para umalis. Binantayan niya ang hindi naman nagtagal ay nagising rin na asawa.

"Rashid..." Kumukurap-kurap pa na wika ni Yaminah nang magising.

Ginagap ni Rashid ang kamay ng asawa. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Kahit ipinanganak at parehong Saranarian ang magulang ay marunong ng wikang Filipino ang babae. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit naging madali na nagkasundo sila noon.

Namumutla ang mukha ni Yaminah. Pero nang magtagal ang tingin nito sa kanya ay nagdilim iyon.

Kumunot ang noo ni Rashid. "Habibti, is there something wrong?"

Tinanggal ni Rashid ang kamay sa nanlalamig na kamay ni Yaminah. Lumapit siya rito. Akmang hahaplusin niya ang pisngi nito pero inunahan siya nito.

Sinampal ni Yaminah si Rashid.

Tila dumagundong ang mundo ni Rashid. Hindi ito ang Yaminah na kilala niya...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.