1
THIS is a mistake.
Gustong mapabuntong-hininga ni Mikhail nang mag-umpisang pumasok ang mga negative thoughts sa isip niya. Pero gaano man niya kailangan ng release sa isang pagkakamali na tingin niya ay naggawa ay kailangan rin niya iyong pigilan. Hindi niya gustong gumalaw. Hindi niya gustong maggising si Sari at mawala ang masarap na damdamin na dala ng pagkakalapit nila sa isa't isa.
Hindi ito pagkakamali, pagkumbinsi ni Mikhail sa sarili. Bakit siya matatakot? Bakit siya magsisisi? Parehong ginusto nilang dalawa ito ni Sari. She's even the one who asks for it. But then...nasa impluwensiya ito ng alak. Magulo ang damdamin nito. Hindi siya ang gusto nito. Pero dahil siya ang nasa tabi nito, siya ang pinagtiyagaan at kinausap nito.
Panakip butas lang siya. Kung may mali na dapat maramdaman si Mikhail, iyon ay dahil sa katotohanan na iyon. Nagustuhan niya ang nangyari kagabi. The feel of Sari's exquisite skin in his body gave him an exquisite and overwhelming feeling. Her moans are music to his ears. Damn, why is he being romantic?
Hindi dapat ganoon. Paano ba siya nakakaisip ng magaganda at romantic na bagay kay Sari? Ginamit lang siya nito para sa panandaliang aliw. Hindi naman talaga siya nito gusto. May iba itong mahal. So he shouldn't be feeling any romance for her. Lust lang dapat. Kagaya ng karamihan sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya.
Pero nang tumingin si Mikhail sa mukha ng natutulog na hubad na katawan ni Sari ay iba kaysa sa pangkaraniwan ang nararamdaman. Common na sa kanya na mapangisi kapag nakuha niya ang isang babae. He was proud with his ability to just simply take a girl into the bed because of his charms. Hindi na rin kasi bago iyon sa kanya. Aminado siya na playboy siya. And one night stand like this is usual and normal to him...
Kaya ano itong feeling na hindi lang ito basta-basta one night stand para sa kanya? Kung libog lamang ang lahat, bakit sa simpleng pagtingin niya kay Sari ay may sumusundot sa kanyang puso? Nakakaramdam siya ng panlalambot at parang natutunaw ang puso niya. Gusto rin niyang mapaiyak, pero lahat ng iyon ay dahiil sa saya. He had a feeling of completeness and contentment just by looking at her and remembering what happened between them. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya lubos na kilala si Sari. She was just a mere broken hearted stranger he saw tonight at a bar. Dinamayan lamang niya ito.
Maganda at parang tama ang lahat kahit alam ni Mikhail na mali. They were drunk. She was lost. Dala lang ng alak at gulo ng damdamin kaya ibinigay ni Sari ang sarili sa kanya. He shouldn't be feeling this good. Hindi rin niya dapat na nararamdaman na gusto niya pang makasama muli si Sari. Alam niyang hindi na mangyayari iyon kapag bumalik na ang isip nito sa dati. Kaya ang tanging magagawa na lamang niya ay ang namnamin ang kakaibang pakiramdam niya habang nakayakap sa kanya si Sari at nakatitig siya sa mukha nito.
Napagbigyan si Mikhail. Mga kalahating oras siyang gising at pinagmamasdan lang at natutulog na si Sari. Nang maggising ito, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon. At alam niyang hinding-hindi na muli.
"Oh no, oh my God!" nanlalaki ang mata ni Sari. Bumalikwas ito sa kama. Kinuha nito ang kumot. Itinakip nito iyon sa hubad na katawan. "W-what have you done? What have I done?"
Bago kay Mikhail ang eksena na ito. Pero inaasahan na niya iyon. Sa maikling panahon ay nakilala na niya si Sari. Inosente ito. Alam niya iyon dahil kinuha niya iyon.
"Calm down, Sari. Isipin mo ang mga ginawa mo kanina..."
Tinitigan siya ni Sari. "I've met you in a bar. Nagpakilala ka sa akin. Y-you are Mikhail Leskov. You are a pilot. You are a playboy..."
Ngumisi si Mikhail. "Glad that you remembered..."
"I-I was depressed. Nagpakalasing ako. Tinabihan mo ako. Nakinig ka sa mga kuwento ko. A-and I kissed you---" namula si Sari. Natampal nito ang mukha. "I'm sorry! This is not me!"
"I know. Prosti." Humingi ng patawad si Mikhail. "Bumigay ako. I shouldn't have stolen your innocence."
Umiling si Sari. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. It was my entire fault. Nalasing ako pero alam ko pa rin naman ang ginagawa ko. It's just that, hindi ko nakontrol ang sarili ko. I'm so sorry..."
Yumuko si Sari pagkatapos. Narinig niyang humikbi ito. Natunaw na naman ang puso niya. Hindi naman miminsan na nakarinig si Mikhail ng mga babaeng umiiyak. Marami na siyang napaiyak na babae dahil sa pagiging babaero niya. Pero ngayon lang siya naapektuhan ng ganito.
"Sari..."
"I-I'm okay. I'm, no---! I'm not okay. Pero huwag mong isipin na kasalanan mo. Sarili ko ang sinisisi ko rito." may tumutulong luha sa mata nito.
Mikhail tried to reach out. Nilapitan niya ito. Papakalmahin sana niya ito sa pamamagitan ng yakap. Pero tumanggi ito. Inilayo nito ang sarili. "D-don't touch me. Please."
"Okay, okay. Prosti. I mean, I'm sorry." Bumuntong-hininga si Mikhail. "Pero you can tell everything to me, Sari. Kailangan mong ilabas ang sama ng loob mo para gumaan ang loob mo. Remember what you've done last night?"
Umiling ito. "And see what happened, right?"
"You are not in the spirit of alcohol now..."
Katahimikan. Matagal rin na namayani iyon sa pagitan nilang dalawa ni Sari. Pero si Sari rin ang pumutol noon nang bumuntong-hininga ito. Tumingala ito. Sinalubong nito ang kanyang mga mata.
"Fine, kailangan ko sigurong sabihin rin ang nararamdaman ko tungkol sa nangyari na ito. Let me confess my feelings to you."
Itinaas lang ni Mikhail ang isang kilay bilang sagot.
"I'm sorry. I considered what happened as a mistake. Iniisip ko ang mga nangyayari at iyon lang ang nararamdaman ko. Pagkakamali lamang ito."
What? But you enjoyed it. It shouldn't be a mistake! May isang bahagi ng isip ni Mikhail na gustong isagot iyon. Gusto rin niyang mapapikit. Naglalaro sa utak niya kung paano nag-respond si Sari sa kanya kagabi. Ang mga ungol nito na alam niyang nagugustuhan ang mga nangyari sa pagitan nila.
Pero nasa impluwensiya nga siya ng alak, Mikhail! Lahat ng nangyari ay pagkakamali dahil alak ang involved! Hindi ka niya gusto! May iba siyang mahal! Pilit na isinisiksik ni Mikhail sa utak niya iyon.
Ikinuwento ni Sari sa kanya ang dahilan kung bakit nagpunta ito sa bar. She was engaged to be married to the man of her dreams. Pero isang buwan bago ang kasal ay bigla na lamang kumalas sa engagement ang fiancé nito. She was broken hearted and depressed. Iyon ang dahilan kung bakit ito naglasing sa bar kung saan sila unang nagkita.
Tumango-tango si Mikhail. "It's okay. Naiintindihan ko."
Lumayo na siya kay Sari. Tumayo siya ng kama. Sa tingin kasi niya ay nagsisinungaling siya at hindi niya gustong makita iyon ni Sari. Hindi niya naiintindihan ang lahat. Hindi niya gusto dahil gusto niyang i-discover itong kakaibang nararamdaman niya sa babae.
Mali iyon. Sa una pa lamang, alam niyang complication na ang lagay ng babae. Yet, hindi niya napigilan na patulan ito. Marami naman na babae pero sadyang may kakaibang epekto sa kanya si Sari. Hindi niya gustong pabayaan ito. Pero hindi rin niya gustong pabayaan ang sarili kung pinigilan niya ang pagnanasang naramdaman niya rito.
Sa pagtayo ni Mikhail, doon niya masasabi na komplikado talaga ang babae at ang nangyari sa kanilang dalawa. Nakita niya ang ginamit na condom sa sahig ng hotel room kung saan sila nakarating pagkatapos sa bar. Dinampot niya iyon at saka niya napagtanto na tama ang hinala niya.
"I-its broke.."
"Mikhail?" untag ni Sari sa kanya. "Anong sinasabi mo?"
Tumikhim si Mikhail. Sinalubong niya ang nagtatakang mata ni Sari. "I have a confession too, Sari."
Kumunot ang noo ni Sari bilang sagot.
"Hindi ako naging maingat." Wika niya at ipinaliwanag ang ibig sabihin nang nakita niya. Naging matindi ang pamumutla ni Sari.
One and a half month later...
+639074551256
Confession Number Three: I'm pregnant. You're going to be a father...