Chapter 9 9
Innocent Hudes.
Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam. Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ng makitang katabi siya.
Mahigpit itong nakayakap sa akin at nakasubsob ang mga muka sa aking leeg.
Hinaplos ko ang kanyang buhok at iniharap siya sa akin. Mapait akong napangiti.
"Mahal na mahal kita Zion…" Naluluha kong pinagmasdan ang kanyang payapang muka.
"Mahal kita sobra sobra… Pero ang sakit sakit na. Ang hirap hirap na, gusto na kitang sukuan pero hindi ko magawa eh. Mahal kita… sobra kitang mahal Zion… sana tumagal pa ako… Hindi kita kayang iwan p-pero pero- No! Ayokong iwan ka pero anong magagawa ko? Ang hirap Zion… hirap na hirap na ako pero kinakaya ko para sayo… I love you so much Zion." Humigpit ang yakap nito sa akin. Pumikit ako at hinalikan ko ang labi niya bago sinubsob ang muka sa dibdib niya. Muli akong nilamon ng antok at nakatulog.
**
Nagising ako ng wala na siya, nanghihinang bumangon ako. Isa't kalahating buwan na pala ako dito. Malapit na pala. Kaya pala habang tumatagal lalo akong nang hihina. Malapit na pala…
Bumaba ako at pumuntang kusina, naabutan ko siyang nag kakape doon.
Napatingin ito sa akin at agad ring nag iwas ng tingin.
Tahimik akong nag sandok ng kanin at pilit na kumain pero hindi ko malunok dahil sa sakit ng lalamunan.
Napangiwi ako at hindi na tinapos ang pag kain. Tahimik ko nalang itong hinugasan. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.
Hindi muna ako papasok ngayon kaya pagkatapos maligo nahiga ako at pinikit ang mata.
Nanghihina talaga ako at napansin ko rin na dumadami ang mga pasa ko sa katawan.
Naiyak nalang ako. Bakit ba kasi ako pa? Sa dinamirami ng mga tao sa mundo eh, ako pa?
Natigil lang ako sa pag iisip ng mag ring ang cellphone ko.
Agad kong sinagot ito ng makitang si Ivan ito.
"Ivan…"
Kamusta ka? Maayos lang ba ang lagay mo diyan? Hindi kaba niya sinaktan?
"Ang dami mo namang tanong, syempre ayos lang ako dito."
Hindi kami panatag ni Daddy Innocent, bumalik nalang tayo ng US parang awa mo na dun natin ituloy ang pag papag-
"No! I dont want to go there anymore! Ayoko ng ipilit pa Ivan! Ayoko na kung wala naman na talagang pag asa. Mas mabuti na nandito ako sa tabi niya atleast kapag mawawala nako masaya ako kasi siya ang kasama ko." Pinunasan ko ang luha ko.
Innocent kung iyan talaga ang gusto mo hindi ka na namin pipigilan pero make sure na pumupunta ka sa doctor mo at maayos at walang palya kang nag papa-therapy.
Hindi ko sinagot ang sinabi niya. "Basta mag iingat din kayo ni Daddy diyan. I love you Ivan at si Daddy, I love the both of you." Pinatay ko na ang tawag at muling pumikit.
I'm sorry Ivan…