Library
English
Chapters
Settings

Chapter 4: Beast

Gabi na pero heto sya nag lilinis parin. Sobrang lawak naman kasi nitong bahay niya paano niya ito matatapos linisin ng isang araw lang.Nasa office sya ni Zane nag lilinis ito ng table niya ng mapatigil siya.

Jelson Grande.

Bakit nakadikit ang pangalan ng hayop na iyon sa folder na ito? Lalo lamang sya nag kakaroon ng hinala at pangamba sa lalaking kasakasama nya sa bahay na ito.Sobra siyang nag tataka kung bakit ang pangalan ng hayop niyang ama ay nakalakip sa folder na ito.Ano ba talaga ang koneksyon nya sa lalak?

Nakarinig siya ng mga yabag.

"Jin?"

NArinig nya ang marahan na pag bukas ng pinto. Hindi nya alam kung lalayo ba sya sa lamesa na iyon o hindi. Abot abot ang bilis ng tibok ng puso nya ng makita si Zane sa pintuan at nakatingin sa kanya, binigyan nya ito ng nagtatanong na mga tingin. Lakas loob niyang hinarap ang lalaki para mag tanong.

"Zane, bakit nakalagay sa folder na ito ang pangalan ng-"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng naglakad ng mabilis si Zane papunta sa kaniya sabay marahas na hinigit sa kaniya ang folder na hawak. Namumula din ito marahil sa galit. Para saan? Sa folder?

"Why are you here? I told you to clean the house hindi mangi-alam ng gamit ko!"

Galit na galit ito ewan ni Jin pero bakit naman ito magagalit eh hindi naman niya binasa ang nasa folder nakita niya lang ang pangalan ng hayop na ama. Saka ganoon ba iyon kahalaga para ikagalit nya? Mas lalo lamang sya nito binibigyan ng dahilan na umlis sa bahay na ito at iwasan sya.

"H-hindi ko naman nais n-na mangi alam e-eh, S-sir" gayon man dama nya ang panginginig ng kamay at tuhod sa nanlilisik na mga mata nito. Aminado naman sya na natatakot sya sa inaasal ng binata.

"SA SUSUNOD HINDI MO NA KAILANGANG PUMASOK DITO.AYOKO NA MAKIKITA KITANG PUMASOK DITO OR ELSE." nakasigaw na ito at iyon ang senyales kay Jin para umalis sa opisinang iyon.

Saka nya lamang nalaman na kanina pa pala sya nag pipigil ng hininga ng makalabas sya sa kwarto na iyon. Sobrang kaba ang inabot nya sa loob. Dinama nya ang mabilis na pagtibok ng puso, aakalain mo na nakipag karera sya sa mga motor. parang mas napagod sya sa nanyari kesa sa ginagawang trabaho. Masama ba na mag tanong kung bakit nandon ang pangalan ng ama. Simula ng iwan sila ng ama hindi na niya ginamit ang pangalan nito itinuring niyang patay na ang hayop na iyon. Dahil sa ginawa nito nawala tuloy ang kaniyang ina.

Umalis na duon si Jin pumasok na sya sa maids room mag isa lang sya duon hindi nya pa nakikita ang katulong na sinasabi sa kaniya ni Zane nung unang araw nya sa bahay nito.Mag aalas dose na ng gabi nag shower na sya para makapag ready sa pag tulog.Sana lang makatulog siya ng maayos.Sana hindi niya mapanaginipan ang galit na mukha ng binata.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.