Summary
Zane Monte Claro batikang milyonaryo pinuno ng galit ang puso sa panibagong pag-ibig ng kaniyang ina. Kailan man ay hindi nya nagustuhan ang ama-amahan. Para sa kanya ay gagamitin lang nito ang ina para kamkamin ang yaman na iniwan ng tunay na ama, gagawin nya ang lahat upang hindi iyon manyari. Matagal nang minamatiyagan ni Zane ang iniwang anak ng ama-amahan at gagamitin nya ito para pasakitin ang ama. Umayon sa kanya ang panahon dahil ang mismong tadhana na ang nag lapit sa kanila ng dalaga. Inosente si Jin, hindi alam ang nanyayari at motibo ng lalaki akala nya pag-ibig ang natagpuan nya ngunit isang panibagong pasakit.
Chapter 1: Introduction
Nag silabasan ang mga kapitbahay dahil sa ingay na kanilang naririnig nakita nila kung paano nag liparan ang mga damit palabas ng bahay habang hinihila ng isang babae ang dalaga palabas.
"Lumayas ka! Lumayas ka! Puro kamalasan nalang ang ibinigay mo sa amin lumayas ka!”Todo kapit ang dalaga sa matandang babae na kaniya palang tiyahin.
"Tiya! wala na po akong ibang mapupuntahan parang-awa nyo na po huwag nyong gawin sa akin ito,parang awa nyo na"
Naka luhod syang umiiyak dahil sa pagtulak sa kanya ng tiyahin. Pinag dadampot niya ang mga nadumihang damit dahil sa pinag hahagis ito ng tiyuhin sa labas. Lumabas sa loob ng bahay nila ang isang binata na ang tingin sa kanya ay isang walang kwentang babae.
"Ngayong wala na ang nanay mo pwede ka ng umalis dito simula ng ipinanganak ka nag kandaletcheletche ang buhay namin! Namatay ang kapatid ko ng dahil sayo! Walang hiya ka,hindi ko alam kung bakit binuhay ka pa ng pok pok mong ina!" Sigaw sa kanya ng binata na si Neo ang kaniyang pinsan hindi parin nito nalilimutan ang pag kamatay ng kapatid. Hindi naman niya nais na mamatay ito. Iniligtas sya nito sa pagtangkang pang gagahasa sa kaniya ng kanilang kapitbahay ngunit nasaksak ito sa likod ng ambang aalis na sana sila hindi niya lubos maisip na sa ganoon hahantong ang kaniyang pinakamamahal na pinsan,si Kuya Ruther. Utang na loob niya sa pinsan ang pananatili niyang birhen hanggang ngayon.
Sa bawat pagsubok may kaakibat na kapalit.
"Hindi ka na rarapat dito Jin walang may gusto sayo dito!" Padabog na isinara ng kaniyang tiyuhin ang pinto
Wala syang nagawa kundi ang pulutin ang mga damit at umiyak ng umiyak. Saan na sya tutuloy gayong wala na syang iba pang kilalang kamag anak at kung meron man baka hindi sya tanggapin dahil malas lang ang dala niya sa buhay.
Ang ibang kapitbahay ay nag si uwian na. Wala ni isa sa kanila ang nag tangkang tumulong sa kanya. Kung sanay buhay pa ang kaniyang ina at nasa tabi lang niya ang kaniyang ama. Kung hindi sana iniwan sila ng kaniyang ama para sa ibang babae eh di sana hindi nag pakamatay ang kaniyang ina sa sobrang sakit na nararamdaman. Minsan iniisip niya siguro nga hindi sila minahal ng kaniyang ama mukhang hindi, paano ba naman kasi hindi nila ito madalas makasama sa kanilang bahay.
Inilagay niya ang kaniyang mga damit sa lumang maleta na iniwan sa kaniya ng yumaong ina.
Ma bakit kasi iniwan mo ako...wala na nga si tatay pati ba naman ikaw iniwan din ako. Hindi nya tuloy mapigilang isipin.Nag lakad sya hila hila ang maleta.Wala syang pera, kahit singkong duling ay wala. Saan na sya pupulutin ngayong wala syang ibang mapupuntahan. Kumukulo ang kaniyang tiyan gabi na at hindi pa siya kumakain. Nag lalakad siya sa gilid ng kalsada malayo layo narin ang kaniyqng narating.
Sa hindi inaasahan biglang bumuhos ang malakas na ulan.Tumakbo siya at nag hanap ng masisilungan. Nakakita naman siya ng waiting shed. Sumilong sya duon,basang basa na sya ng ulan. Umupo sya duon at itinaas ang mga paa at iniyak niya ang sarili nararamdaman na niya ang sobrang lamig.
"Nay!Nay! Balik na po kayo sa akin,Nay bumalik na kayo sa akin" nilamon ng malkas na ulan ang kaniyang panaghoy. Para siyang batang umiiyak duon habang tinatawag ang ina.
"Nanay kunin nyo narin ako. Sana isinama nyo nalang ako sa inyong pag alis, nanay mahal na mahal ko po ikaw."