Library
English
Chapters
Settings

3. The Sweetest Punishment

"I WANT YOU to cum."

Bahagyang nanlaki pa ang mata ni Kareene nang mabasa ang message na iyon ni Violet. Dahil matagal ng kilala ay kilalang-kilala na niya ang paboritong reader. May pagka-perfectionist si Violet. Maliit lang ang posibilidad na magkamali ito ng type sa salitang "come" at "cum". But then... isn't she trying to be like her? Aminado na liberated at bold siya. But then, not to a point like this. Palagi naman niyang pinapalalahanan si Violet na mayroong limitasyon ang ugali niya. Isa pa, napakabata pa rin nito. Alam ba ng bata ang pinagsasabi nito?

Ipinilig ni Kareene ang ulo. Nagkamali lang si Violet. Ni-reply-an niya ito.

"Where? I missed you!" naging napakalapit ni Violet kay Kareene. Napaka-supportive kasi na fan nito. Lahat ng book signing event na kasali siya, palagi itong naroroon. Sa kasamaan na palad nga lamang, hindi ito nagpunta noong nakaraan. May tatlong araw na rin na wala siyang balita rito. Araw-araw pa man rin ito nagme-message sa kanya kaya na-miss niya ito.

"On me." Sagot ni Violet. Muntik ng mapaubo si Kareene. Ano bang nakain ng batang ito?

Alam naman ni Kareene na may problema si Violet. Ilang beses siyang kinonsulta ng babae tungkol sa "forbidden love" kuno nito sa best friend ng Kuya Red nito. Pero sapat na ba ang problema na iyon para mangalas ang turnilyo sa utak ni Violet?

"May problema ka pa rin. I think I'm going to come over there. Nasa condo ka ba?"

"Yes."

Ilang beses ng nakarating si Kareene sa condominium unit ni Violet. Nang maka-graduate ito ng high school ay niregaluhan ito ng Kuya Red nito ng pangsarili. May kalayuan kasi ang bahay ng mga ito sa university kung saan ito natanggap. Sa tuwina ay niyaya siya ni Violet na pumunta roon.

"I'm coming." Nag-reply si Kareene pagkatapos mag-ayos ng sarili. Kakatapos lamang niya ng isang manuscript kaya hindi malaking bagay na puntahan niya ang dalaga. Naging napakalapit na niya rito. Hindi naman niya ito gustong pabayaan.

"Wild and fast." Sagot na naman ni Violet. Napalunok si Kareene. Iba ang naiisip niya sa pinagsasabi ni Violet. Pero siguro nga ay masyado ng mabigat ang dinadala ng bata. Nagmadali na siya para makapunta sa condominium unit nito.

Kulang treinta minutos ay nakarating si Kareene sa condominium unit ni Violet. Hindi naman nakakandado ang pinto kaya hindi na siya kumatok. Hinanap niya si Violet sa loob. Pero nalibot na niya ang sala, kusina, dining room, comfort room at maski ang terrace ng unit nito ay hindi niya ito makita. Ilang beses na rin niyang tinawag ang pangalan nito pero walang response. Isa na lang ang hindi niya napupuntahan---ang bed room. Alinlangan siyang pumunta dahil private iyon. Ganoon pa man, kinabahan siya. Bakit hindi ito sumasagot sa tawag niya? Naisip niya ang mga kakaibang kilos nito.

Napakalakas ng tibok ni Kareene nang magdesisyon na buksan ang huling destinasyon. Napahawak rin siya sa dibdib. Masasabi niyang tama lang naman iyon nang makita ang nasa loob. Halos malaglag ang pusa niya nang makita ang nasa kama. Napakurap-kurap pa siya. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya inaasahan ang sitwasyon.

Mabilis na tumulo ang pawis sa mukha ni Kareene. Napahawak rin siya sa kanyang bibig para pagtakpan iyon. Magiging kahiya-hiya kung hindi niya gagawin. Nararamdaman niyang may tutulo rin roon na laway ilang saglit lamang.

Hindi ang masamang iniisip ni Kareene kay Violet ang kanyang natagpuan. Yet, it still feels dangerous. Paanong hindi gayong nakita niya ang sweetest sin niya sa kama at nang-aakit rin na nakatingin sa kanya? Pero hindi lang iyon. Hindi lang ang nang-aakit na tingin ang nagbigay ngatog sa tuhod niya. Iyon rin ang tila inukit ng napakagaling na iskulptor na katawan nito. Medyo nasasayangan nga lamang siya na nakatago ang ibabang bahagi. Pero ang itaas ay isang perpektong tanawin na rin.

Kahit nakakahiya, hindi napigilan ni Kareene na busugin ang kanyang mata. He looks so amazingly gorgeous. He's so masculine and fabulously fit. Nauubusan si Kareene ng adjectives sa pagtingin lamang rito. Kahit naka-aircon sa kuwarto ay uminit ang kanyang paligid. Unti-unti rin niyang naramdaman na hindi lamang ang mukha at likod niya ang nagsisimulang pagpawisan. She was now feeling the hot, moist swirled of heat that is now suddenly travelling between her legs.

"You seem to be cumming now, huh?" mapang-akit ang boses ni Red---ang kapatid ni Violet. Ito ang natagpuan niya sa kuwarto sa halip na si Violet. Bahagyang gumalaw ito sa kama. Natanggal ang kumot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Naka-boxers ang lalaki. He looked so sexy. Hindi niya napigilan na mapansin ang malaking bulge nito. Pero mukhang nadaya si Kareene. Nadismaya rin siya. Greedy na ba siyang maituturing? She wanted that ostrich to be in bold and flesh!

Damn her and her dirty mind. Nasa isip-isip ni Kareene. Hindi dapat ang pagkakahilig niya sa erotica ang pinangunguna niya.

"N-nasaan si Violet?"

"Hindi ba at dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan? Pagkatapos ng lahat, ikaw ang idolo ng kapatid ko. Kahit siguro anong sabihin mo sa kanya, gagawin niya." Kung gaano ka-hot ang lalaki, ganoon naman kalamig ang tinig nito.

"W-wala akong alam kung nasaan si Violet. In fact, I am not in contact with her for days now."

"At gusto mo na paniwalaan ko iyon?" Tumayo ito sa kama. Nagkaroon lalo siya ng tanawin sa magandang katawan nito. Gumalaw ang kamay nito, tila ba pinapakita sa kanya ang paggalaw ng tila pagkakalakas-lakas at maskuladong braso nito. His gaze became very dark and very hard.

"Wala talaga akong alam..." patuloy pa rin na pagtanggi ni Kareene. Gustuhin man niya na huwag nang magsalita ay kailangan niya. Or she was really going to be on big trouble. Hindi niya makontrol ang puso niya. Hindi niya iyon mapatigil o kahit ang mapahinahon man lang puso ay wala siyang maggawa. Lalo na at ipinagpatuloy pa rin ni Red ang nagbaga nitong tingin sa kanya.

The hold of Red's eyes on hers continues. Tila nawawalan na siya ng hininga sa ginagawa nito. Kareene felt an emotional heat that keeps on burning. Naglakbay iyon patungo sa kanyang spine. Nag-umpisa na rin na makaramdam ng emosyon ang kanyang tiyan. Kung sa mga crush niya ay nakakaramdam siya ng paru-parong nagwawala roon, mas higit ang kay Red. He unleased a derange demon of desire inside her.

"You had so much effect on Violet, you know. Ang mga pananamit mo..." tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. On his eyes was still the smouldering heat. Hindi na lang sa kanyang spine kumalat iyon---maski sa lahat ng parte na tinitignan ni Red. Kailangan pang lumunok ni Kareene dahil tila naging disyerto ang kanyang lalamunan. Lalo na nang unti-unting lumapit ang mapanganib na lalaki.

"Walang mali sa klase ng pananamit ko..."

"Nothing wrong?" inarko ni Red ang kilay. "You looked like you are going to a slut party just like you are yesterday."

Napaawang ang labi ni Kareene. Kung ganoon ay ito nga ang lalaki sa book signing. Mukhang sinadya talaga siya nito. Kahapon ay mukhang galit ito, ngayon naman ay mukhang galit nag alit na! Ewan nga lang niya kung bakit nakakaramdam pa siya ng kakaiba bukod sa galit. Iyon ba ay dahil sa iyon ang gusto niyang i-imagine? She wanted Red to be mad at her with desire. Ganoon ang nararamdaman niya rito. Paanong hindi gayong sabihan ba naman siya nito ng slut? Ni hindi nga siya nito lubusang kilala.

Marami ang pumupuna kay Kareene sa pagiging makabagong babae niya. Aminado naman siya na liberated at bold na babae siya. Bakit ba hindi? Iyon naman kasi talaga ang "in" thing ngayon. Nasa twenty first century na sila kaya bakit pa siya magpapaka-manang? And she wear sexy dresses because she wanted to flaunt her assets. Ganoon naman talaga 'di ba? Share your blessings. Sexy siya kaya ipinapakita niya iyon sa lahat.

Bahagyang natunaw tuloy ang pagnanasa ni Kareene. Ayaw niya sa mga taong pinapakialaman ang mga gusto niya sa buhay. May inis at galit na bumangon sa loob niya. Slut...she hated that word! Sino ba naman ang hindi samantalang hindi naman talaga siya ganoong babae?

Kung alam lang ng lalaking ito ang pinagsasabi nito.

"I should have known that you are bad for my sister. Sa una pa lang, dapat ay kinilatis na kita."

"Kasalanan mo iyon." Humalukipkip si Kareene.

"And you have a sharp tongue."

"Salamat sa compliment."

Ngumisi si Red. "Magiging ganyan rin ba 'yan katalim kapag pinarusahan ko na?"

Nalito si Kareene. "Ano?"

Hindi sumagot si Red. Sa halip, tinawid nito ang distanya nila at may ginawa nga sa labi niya. Kung parusa nga ba iyon kagaya ng sinasabi nito...well it seems to be the sweetest punishment of all.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.