Library
English
Chapters
Settings

2. Book Signing

SINIPAT-sipat ni Kareene ang daliri nang maubos ang mga taong pumila para makilala at makapagpapirma sa kanya. May dalawampu rin na readers ang na-entertain niya at may higit sigurong limampu na libro ang napirmahan niya. Naging conscious siya sa inaalagaang kuko. Kakapa-manicure at pa-nail art niya lamang noon. Gusto niyang tignan kung nagkaroon ng kahit anong lamat sa pinakamamahal na kuko. Aminado siyang vain pero sa lahat ng bahagi ng katawan niya, sa kuko siya pinaka.

May dahilan naman si Kareene para maging vain talaga sa kanyang kuko. Writer siya. Palagi niyang ginagamit ang kamay niya para sa trabaho. Nakikita niya palagi ang kuko sa ginagawa. At hindi ba at kapag nakakita ng maganda habang nagtatrabaho ay mas lalo na nakaka-inspire? Pinapatili niyang palaging nasa ayos ang kanyang kuko.

Kasama si Kareene sa sampung writers ng LRP na may book signing ngayon. Nakakapagod rin pumirma at nakakaapekto iyon sa kuko. Kaya naman ang lalim ng buntong-hininga niya nang makitang wala namang damage sa kanyang kuko. Napangiti rin siya. Pero nawala rin kaagad iyon nang lapitan siya ni Miss Bridgette---ang publisher nila.

"Tapos na kaagad, NK?" nakataas ang isang kilay na wika nito.

Tumingin si Kareene sa paligid. Abalang-abala ang mga co-writers niya sa pag-entertain ng mga readers.

Nagkibit-balikat si Kareene. Bigla siyang nahiya. Pero hindi siya nagsalita.

"Mukhang hindi ka benta ngayon, ah."

"Two months ago pa po nang huli ako na magkaroon ng release,"

"Sa tingin ko ay hindi iyon ang problema. Tignan mo nga si MA," tumingin ang boss sa katabi at best buddy niya sa pagsusulat na si Abyang---ang nickname niya rito at ng isa pa nilang kaibigan na si Chang. Chang kung tawagin nila si Ice pero Candice ang pen name nito. Mara Abilene ang pen name ni MA pero madalas na sa initials tinatawag ito ni Miss Bridgette dahil nahahabaan sa pen name. Ganoon rin siya kaya NK ang unang tinawag sa kanya. Nina Kareene naman ang pen name niya pero para sa dalawang kaibigan, mas kilala siyang Kang.

"Sa taon ngayon, isa pa lang ang release ni MA. Pero kilala at pila pa rin ang maraming tao sa kanya. Ano sa tingin mo ang problema, NK?"

Gustong mapatiim ng bagang ni Kareene. Gusto niyang sagutin ang boss. Pinigilan lang niya ang sarili.

Hindi na lang nagsalita si Kareene. Masama ang loob niya. Alam niya na minsan ay may pagkamatabas rin ang dila ng boss. Pero boss niya nga ito. Kailangan niya na maging professional. Siya ang nagpapasuweldo sa 'yo!

Nahalata naman ni Miss Bridgette na hindi maganda ang pagtanggap niya sa sinabi nito. Umalis na rin ito sa harap niya maya-maya. But with a glance of saying that she needed to be aware.

Aware of what? Naiinis si Kareene. Hindi niya gustong makipagkompetensya sa mga co-writers niya. Pero ewan ba niya kung ano ang mayroon sa boss niya. Halata naman kasi na gusto nitong mangyari iyon sa kanila ng mga co-writers. Hindi lang iyon sa kanya ginawa ni Miss Bridgette. Ganoon rin sa kaibigan na si Ice. Pinilit nito na lumabas sa kahon nito bilang wholesome writer ang kaibigan.

Marami ang makakapagsabi na maganda naman ang kinalabasan ng pamimilit. Nakapagsulat na nga ng erotica si Ice nag-hit iyon at bonus pa ang magka-love life. Sa kanilang tatlo na magkakaibigan, parang hindi kapani-paniwala iyon. Mas malaki pa raw ang expectation sa kanya. Liberated kasi siyang babae. Marami rin ang nakikipag-date sa kanya, hindi kagaya dati ni Ice. Masyadong manang si Ice. Kaya sino ang mag-aakala na papatulan ito ng isa sa pinaka-hot na bachelor sa Pilipinas? At kamakailan lang ay nagpakasal na ang dalawa.

Unfair nga siguro ang buhay, naisip ni Kareene. Masaya naman siya para sa kaibigan. Aminado rin siya na maganda si Ice, natatakpan lang ng pagiging konserbatibo nito ang kagandahan. Nasasaktan lang siguro siya na mas nauna pa ito sa kanya samantalang mas maraming lalaki ang nagbibigay interes sa kanya. Isa pa, hindi lang ito nakahanap ng hot na lalaki. Nahanap nito ang tunay na pag-ibig---ang bagay na mailap para kay Kareene.

Dinadalaw ng insecurities si Kareene. Hindi normal iyon sa kanya. Confident siya sa sarili niya. Siguro ay iyon nga ang pinakaproblema niya. Napaka-confident niya sa maraming bagay. Confident siya na hindi lalangawin ang kanyang book signing. Alam niya ay marami siyang fans. Nag-boom pa iyon ng maisulat niya ang The Rough Ride---ang pinakaunang erotic book niya. Pero anyare ngayon?

Sandaling nawala ng sama ng loob ni Kareene nang lapitan siya ng isang babae. Nakangiti iyon sa kanya.

"Hello po! Kaibigan niyo po si Miss Candice 'di ba?"

Tumango si Kareene. "I'm sorry pero hindi siya um-attend ng book signing," mahiyain ang kaibigan niya.

Nalungkot ang babae. "Ay sayang naman po. Dala ko pa naman ang bagong libro niya," inilabas nito ang kopya ng Suits And Heels by I.M. Cumming. "Nabuking ko po na si Miss Candice ang author nito."

Pinanatili ni Kareene na blangko ang kanyang mukha. Tama ang babae. Si I.M. Cumming at si Candice ay iisa. Iyon nga lang, katulong ni Candice ang ngayon ay asawa na nito na si William Gasan kaya hindi rin ito nag-take ng credit. Sa halip ay nag-isip ng bagong pen name ang magkarelasyon. Hindi rin gustong ipagsabi ni Ice na kasali ito sa nagsulat noon kaya kailangan niyang itago. Hindi lang naman ang babae ang nagtanong ng ganoon sa kanya.

Itinaas ni Kareene ang kamay. "Wala po akong alam tungkol diyan."

"Ganoon po ba?" pumalatak ang babae. "Sayang. Ang ganda-ganda pa naman po nitong Suits and Heels. Mas malaki ang iginanda kaysa sa The Rough Ride."

Malapit ng mag-form sa simangot ang labi ni Kareene. Hindi ba naisip ng babae na maging sensitive? Naka-display sa harap niya ang libro niyang The Rough Ride. Ganoon ang ginagawa sa mga book signings nila. Naka-display sa kanilang harap ang kung hindi man latest release ay ang naging popular nila na libro. Halata naman siguro ng babaae na siya ang author noon.

"Don't get me wrong, Ma'am, ha. Maganda naman po ang gawa niyo," pagbawi ng babae. "Kaya lang, parang may kulang. Hindi ko alam kung ako lang po ang may problema. Pero parang hindi ko ganoon ka-feel ang mga love scenes. Hindi kagaya dito sa Suits and Heels na feeling ko sa akin mismo ginagawa ng hero ang sex. Both are hot but yours are just better. Suits and Heels is the best!" halos isigaw pa ng babae ang dalawang huling pangungusap. Nag-umpisa na rin kasi na makahatak ng atensyon ang pag-uusap nila.

Open si Kareene sa mga comments. Para sa kanya, nakakatulong ang comments para sa improvement ng mga writer. Hindi naman miminsan na naka-receive siya ng negative comments. Hindi siya masyadong apektado. Pero masakit pala talaga kapag sa harapan mo narinig. Ang masama pa, ang pinakakinaaasaaran niya pa ang kanyang narinig.

Masaya si Kareene sa success ng kaibigan. Isa siya sa mga nag-push rito para sumubok sa yapak niya. Pero hindi rin pala maganda. People keep on comparing them. Paano ay kumakalat na ang tsismis na si Ice si I.M. Cumming. Nakakaramdam rin siya ng insecurities ngayong halos lahat ay sinasabing mas maganda ang naggawa ng kaibigan kaysa sa kanya.

"Salamat sa comment," nasabi na lang ni Kareene kahit masama ang loob niya. Hindi na nagkomento pa ang babae. Umalis na ito sa harap niya.

Naiwan si Kareene na nag-iisip at tahimik na pinapanood ang paligid. Ano ba kasing maganda na gawin ngayong wala ng lumalapit sa kanya para magpapirma? Mahigit isang oras pa bago matapos ang event. Protocol rin sa kanila na bawal umalis sa kinauupuan habang hindi pa tapos ang event.

Marami naman na puwedeng gawin si Kareene sa halip na tumunganga. Unang-una, ang makipagkuwentuhan sa katabi na si Mara Abilene. Pero halatang abala ang kaibigan. Hindi niya ka-close ang isang katabi at busy rin ito. Puwede rin naman na mag-ayos si Kareene ng sarili. Vain rin siya sa kanyang mukha. Gusto niya palagi na magmukhang maganda. Pero ngayon ay wala siyang gana. Masama ang loob niya. Maganda nga siya pero ano? Kakaunti ang readers niya. Kahit gaano pa man ngiti ang gawin niya, walang makakapagpaalis ng kanyang sama ng loob.

So ginawa ni Kareene ang ginagawa ng walang ginagawa: tumunganga. Inobserbahan na lang niya ang paligid. And it seems like a blessing in disguise.

Nakakita si Kareene ng lalaki. Well, hindi lang basta lalaki. Iyon ay ang tipo na gugustuhin na niyang hindi magtrabaho at tumunganga na lamang habang buhay para matitigan ito.

Gumalaw-galaw ang tainga ni Kareene. Para siyang isda, lumalabas ang kanyang hasang. But the guy was so gorgeous. Kinurap-kurap pa niya ang kanyang mata habang tinitignan ito. Para siyang namamalikmata. Malaking mall ang pinagdadausan ng book signing. Pero hindi naman mukhang naglalakad ang lalaki at nagsa-shopping. Parang may tinitignan ito na kung sino. Masuwerte si Kareene dahil siya iyon!

He was staring at her and Kareene felt bothered and hot. Sinubukan niya na salubungin ang tingin ng lalaki. Biglang gusto niyang malunod sa tingin at sa damdamin. Mainit dahil marami ang tao pero mas uminit pa iyon sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Iyon ba ay dahil napakabilis ng tibok ng puso niya sa isang titig lamang? Napagod at nainitan siya. The atmosphere became thick with sensual tension she never had experienced before. Or maybe, its just these hot man. The hotness in him made the entire place turned into a mini-desert. Naapektuhan si Kareene ng init na may malaking urge sa loob niya na gustong kumawala sa kanyang damit. Damn, gusto niyang maghubad sa lalaking ito. She wanted to be naked...but in his arms!

But then, it felt awkward, though. Ano bang klaseng tensyon itong nararamdaman niya? Ni hindi niya nga kilala ang lalaki. May familiarity siya na nararamdaman pero hindi niya maproseso sa kanyang utak kung sino. Kung nagkita na ba sila sa personal o hindi pa, hindi niya masabi. Pero siguro ay hindi pa. Ito kasi ang kauna-unahang beses na makaramdam siya ng ganoon na kasidhi na damdamin.

Pinilit na inalis ni Kareene ang awkward na moment. Nagkaroon siya ng interes sa lalaki---kakaibang interes na humantong sa tipo na hindi niya yata makakaya kung mawawala ang damdamin. Kaya sinubukan niyang palakihin pa iyon. Ngumiti siya. Pero mukhang minasama nito iyon. Dumilim ang mukha nito.

"Anong problema noon?" naibulong ni Kareene sa sarili. Nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. Pinakatitigan rin niya ito. Sinalubong niya ang mata nito. Noon lang niya napansin na mukhang wala naman pala itong interes sa kanya. Sa halip, ang nakikita niya sa may kalakihang mata nito ay kalamigan.

Mas lumakas pa ang tibok ng puso ni Kareene. Kung dahil nagaguwapuhan siya sa lalaki o natatakot, hindi niya maipaliwanag. Pero masaya naman ang damdamin na dinadala sa kanya ng tibok noon. Siguro ay dahil nga sa unang dahilan. Tinitigan pa niya lalo ang lalaki. May kakaiba na naman siyang pakiramdam. She knew those cold big eyes, high cheekbones and it seems to be so strong jaw. He looked so darkly handsome, so powerful and hmmm...sensual.

Napatingin si Kareene sa libro niyang nasa harap---ang The Rough Ride. Naniniwala siya na kailangan ng isang writer ng inspirasyon para makapagsulat. Naisip niya bigla kung paano niya i-describe ang lalaking nasa harapan. Parang kagaya ng paglalarawan niya kay Reid---ang bidang lalaki sa unang erotic romance book niya. Black hair and eyes, smooth and hard bronze skin. Inspirasyon niya sa pagsusulat ng The Rough Ride ang kapatid ng pinakamalapit at paborito niyang reader na si Violet. But looking at the book, naalala na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang lalaki.

As Kareene realizes, a hot and cold shiver build inside her skin. Napalunok siya dahil biglang nanuyo rin ang kanyang lalamunan. Ang lalaki ay walang iba kundi si Red Carandang---ang kapatid ni Violet!

Kareene's breath caught in a helpless excitement. Ngayon ay makikilala na niya ito sa unang pagkakataon! Sa pictures, videos, kuwento ni Violet at google niya lang nakita at nakilala si Red Carandang. Pero walang-wala ang nararamdaman niya ngayon kaysa sa larawan lang. It doesn't give justice on what Red's presence in personal.

Hindi sila personal na magkakilala ni Red. Masyado raw abala ito sa buhay ayon kay Violet. Pero pagkakataon na niya ngayon. Gusto niyang makilala ang lalaki. Hinawakan rin niya ang libro niyang The Rough Ride. Tumayo siya. Hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng oras. Kinakati na siya, hindi lang sa kasabikan na nakita na niya ito sa wakas kundi na rin ang mahawakan ang matipunong katawan nito.

Shit, kahit isang himas lang. Nasa isip-isip ni Karenee. Her head felt a little whirled at the realization that the one standing and staring at her had been the man she fancied all along.

Pero bago pa man maggawa ni Kareene ang plano, binawi ni Red ang tingin. Inismidan siya nito saka nagmamadaling umalis.

Napatanga si Kareene. Anong problema noon? Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang ginagawang masama. Napakabait nga niya sa kapatid nitong si Violet.

Bahagyang nagkaroon ng sama ng loob si Kareene. Pero nang maalala ang nangyari kanina ay napangisi siya. Gusto rin niyang yakapin ang katawan niya na gawa ng init ng tingin nito. Umalis man ito, may naiwan rin naman at umaasa siya na mas magtatagal iyon kaysa sa pagtitinginan nila. Well, it was just a simple pleasure but she knew it was kind of a pleasure to remember.

Nailagay ni Kareene ang kuko sa daliri sa biglang pagnanasa na naramdaman. She felt sexy with the encounter it made her bite her lower lip. Pero nawala ang lahat ng init nang may naramdaman siyang nag-crack. Tinanggal niya ang daliri mula sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata niya. Naputol niya ang iniingatang kuko!

"No!" impit na napahagulgol siya. Pagkatapos talaga ng ligaya, naroroon ang lungkot.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.