3
"I DO not want to get married,"
Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Manny Abenilla. Nagyuko ito ng tingin, parang naiiyak. "Ngayon lang ako humiling nang malaki sa 'yo pero ayaw mo pa akong pagbigyan..."
Huminga nang malalim si Kaia. "Hindi naman po kasi basta-basta itong gusto niyo na gawin ko, Papa. Marriage is a big word..."
"Kung dati ka pa kasi nag-boyfriend, wala na sana tayong problema,"
Umungos si Kaia. "Never again,"
"I want you to forget the past, Kaia. Kaya nga pinagkasundo na kita, tutal mukhang hirap na hirap ka,"
"It won't work, Papa..."
"It will. If you just believe. Maayos ang pamilya ni Daniel---"
"Pero hindi ko pa rin siya kilala,"
Nagkibit-balikat ang matanda. "Kapag nagkakilala na kayo ay makikilala niyo na ang isa't isa..."
Sumimangot si Kaia. "Ano ba ang kailangan kong gawin para tigilan niyo na ang pangungulit sa akin?"
Tinitigan siya ng ama. "Twenty eight years old ka na, Kaia. It's the right time for you to get married. Sixty two years old na ako. Ito na rin ang tamang oras para magka-apo ako,"
"Mag-ampon na lang tayo."
"Ayaw ko. Mas gusto ko rin na may kasama ka sa mga susunod na taon. At mangyayari lang 'yun kapag nagka-asawa ka. Gusto kong makasigurado,"
"Nandiyan naman kayo. Hindi ako nag-iisa at---"
"Hindi na ako magtatagal, Kaia."
Natigilan si Kaia. Maya-maya ay napakurap siya at sinalubong ang tingin ng kinikilala ng ama. He looks so serious.
"A-ano ang ibig niyong sabihin, Papa?"
"I was diagnosed with stage two prostate cancer last month, Kaia..."
Napahawak si Kaia sa bibig niya sa sobrang gulat. "Oh no..."
Mapait ang ngiti sa labi ng matanda. "Sa tingin mo ba ay basta-basta na lang kita ilalagay sa ganitong pressure kung mababaw lang ang dahilan?"
"I'm sorry..." Naiiyak si Kaia. "Pero kailan niyo pa nalaman? Bakit hindi niyo kaagad sinabi?"
"Last month pa. Mas gusto kong sabihin sa 'yo ng personal," Yumuko ito. "Ang sabi ng Doctor ay baka ilang buwan o taon na lang ang itatagal ko. Matanda na ako. Hindi na magiging maganda ang resulta ng mga treatment sa akin. Kaya gusto ko sana ay habang may oras pa, sana ay makita ko at masigurado na may makakasama ka sa buhay. Bonus na lang sa akin ang magkaroon pa ako ng apo..."
"I-I do not know what to say..." Isang malaking gulat para kay Kaia ang mga nalaman. Malakas pa si Manny Abenilla. In fact, kahit marami ang nagsasabi na magretire na ito ay hindi pa rin nito ginagawa. At his age, he is still managing the company.
"Wala ka naman talagang kailangan na sabihin. Ang kailangan mo lang ay sumunod,"
Napalunok si Kaia. "D-don't do this to me, Papa..."
"I have to. Kailangan ko ng magmadali. Isa pa, para rin sa ikabubuti ito ng kompanya natin. Kapag naikasal ka sa anak ni Daniel ay siya ang mamahala ng kompanya natin. He will also merge it into their---"
"There is no need of that. Magaling na ako. Kaya ko ng pamahalaan ang kompanya. You just have to trust me,"
"Yes. But it will be better if we will merge it to them. After all, gusto natin na maging mas makapangyarihan 'di ba? We will better than Mark's company and family..."
Natigilan si Kaia. Hindi niya kilala ang sinasabing Daniel ng pamilya. Pero kung ito ang magiging susi para mas maging maganda ang kompanya nila at malagpasan ang success ng kompanya ng tao
Kahit na ba alam ni Kaia na magiging unfair sa lahat kung pumayag siya.
Hinawakan ni Manny ang balikat ni Kaia. "This is for the better future, Kaia. Makakabuti sa atin si Dashrielle,"
"Dashrielle?" The name rings a bell on Kaia's head. Parang nasabi na sa kanya ng ama ang pangalan ng lalaki. Pero parang may higit pa roon.
"Ang pangalan ng magiging asawa mo. Dashrielle Panganiban..."
Napakunot ang noo ni Kaia. The name was really familiar. At nang mapagtanto kung saan niya narinig ulit ang pangalan ay nanlaki ang mata niya. Hindi niya alam kung manlulumo ba o biglang ma-e-excite sa nalaman.
Ang arogante pero nag-uumapaw ang sex appeal na lalaki sa kaharap na hotel room ay ang taong pakakasalan niya!