4.
"YOU'VE got to be kidding me." Sagot ni Seymor nang sabihin niya rito ang isa sa mga rason kung bakit hinanap niya ito.
Umarko ang kilay ni Luna. "I am not. It's not in my character to kid or joke around."
"At paano mo naman papatunayan iyon? Ngayon lang kita nakilala."
"Fine." Luna snorted. "It seems like you want to know me. My name is Luna and I am the CEO of Macrotronics."
Kumunot ang noo ni Seymor. "Is that the huge IT company based in BGC?"
"Yes."
"At paano ko naman paniniwalaan na ikaw nga iyon? You can't even tell me your surname."
"You can google it, whatever you want. Telling my first name and my company's name is enough to get a lot of information about me."
"Hindi pa rin sapat ang pagpapakilala mo sa akin para makilala ko talaga ang character mo."
"We spent a night together!" Giit niya. "Isn't that enough?"
"I'm sorry. Pero wala talaga akong matandaan."
Tinitigan ni Luna ang lalaki. Sincerity is all over his face. And she felt pathetic.
Pero hindi siya nagsayang ng oras na pumunta rito para lang ibasura.
Tumingin siya sa ngayon ay nakahawak pa rin na kamay ni Seymor sa tiyan niya. "Don't you even feel anything?"
"Ha? Gumagalaw na ba ang baby?" Parang nataranta ang lalaki.
Napangiti naman si Luna. She doesn't know why but she found his confusion cute. "Of course not. Three weeks pa nga lang simula nang gawin natin ito. 'Wag kang excited."
"Pero wala nga akong kaalam-alam sa sinasabi mo." Tinitigan siya nito saka huminga nang malalim. "Miss, you are beautiful. At kung gugustuhin mo man na pumikot ng lalaki, I'm sure na maraming papatol sa 'yo---"
"At ikaw ang gusto kong pumatol sa akin." Putol niya rito.
Napalunok ang lalaki. "Ako? Bakit ako?"
"Dahil ikaw nga ang ama nitong dinadala ko!"
"Pero hindi ko alam na may nangyari nga sa atin. Heck, ni hindi ko nga alam na marunong---"
Napakunot noo si Luna dahil hindi niya naintindihan ang sumunod na sinabi ni Seymor. "Pardon?"
"Nothing." Huminga ulit ito nang malalim. "Miss, I am busy today. And as much as I want to also get married and settle down, hindi sana sa ganitong paraan. Baka kasi nagkakamali ka lang sa ibinibintang mo sa akin at ayaw kong masaktan na naman ulit."
"Do I really look that bad that you are telling me that I am capable of hurting you?" Luna sounded like she was hurt. Pero ang totoo ay hindi naman talaga siya ganoong nasaktan. She had heard a lot of hurtful things in the past---monster, witch, evil and so on. Tuso raw kasi siya pagdating sa business. At kung ganoon man ang gustong isipin ng lalaking ito sa kanya ay wala siyang pakialam. Sanay na siya roon.
"Of course not! Uhmm... I just had a bad experience with love a few weeks ago."
"An ex?"
Pagak na natawa ito. "Buti nga sana kung nakaabot man lang kami sa ganoon. Pero hindi, eh. Ako lang ang umasa."
"Hmmm... Fine. I don't care about your past because I am your present and your future." Confident siya dahil kailangan siyang panagutan ng lalaki. Alam niya na may laban siya. At kung hindi niya ito madadala sa konting pakiusap, dadaanin niya ito sa konting kaharasan. "At kung hindi mo talaga maalala ang mga nangyari, let me do something in able for you to remember it."
"Paano?"
She tiptoed to reach his ear. "By showing you." Halos bulong niya at hinapit ang baywang ng lalaki at walang pagkiling na hinalikan ito.