3.
Three Weeks Later...
"SIR, may bisita po kayo."
Tumingin si Seymor sa sekretarya na si Cynthia. "Wala akong inaasahan na bisita, Cynthia. Baka hindi sa akin 'yan." Tumingin rin siya sa papeles na binabasa niya. Kasalukuyan siyang may nirereview na kontrata para sa business expansion nila next month. "Saka busy ako ngayon. Alam mo naman 'yun kaya hindi ka na dapat nagsabi sa akin. Sabihin mo ay bumalik na lang siya sa ibang araw."
Napakamot si Cynthia. "Busy rin daw siyang tao kaya kailangan na harapin niyo raw siya."
Tumaas ang isang kilay niya. "I never knew anyone who will force themselves in coming when they were told I am busy." Sandaling naningkit ang mata niya. "Teka, isa ba 'yan kayna Dash---"
Umiling si Cynthia. "Hindi niyo po siya kaibigan. Hindi ko nga po sigurado kung kilala niyo, eh."
"What's her name?"
"Luna daw po."
"Luna, what?"
"Hindi ko po alam kung ano ang apelyido, Sir. Ayaw niya po na sabihin." Ngumiwi si Cynthia. "Ahmm... Sir, baka po puwede niyong pagbigyan sa pakikipag-usap. Mukhang hindi siya papipigil. Mukha naman siyang disente kaya ayaw ko sanang tumawag ng security."
Tumingin si Seymor sa relo niya. It's almost time for his small break. "Fine. Sana lang ay mabilis lang siya."
Tumango si Cynthia at lumabas na ng pinto. Inaayos niya ang mga papel na binabasa nang pumasok na ang kanyang bisita.
At hindi niya ito kilala.
"Who are you?" tanong niya sa babae habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa. She is wearing a red dress and red stilettos. Long legged at may kakinisan rin ito, lalo na ang binti nito na exposed at emphasized may three inches above the knee yata ang dulo ng dress nito. Hapit rin sa katawan iyon kaya makikita maganda rin nitong hubog. Dahil may pagka-plunging rin ang neckline ng dress ay visible ang cleavage ng may kalakihan rin nitong dibdib. And surprisingly, Seymor felt an ache just by looking.
Lumapit sa kanya ang babae. There was a confident smile on her face. Inilagay pa nito ang itim na hermes bag sa ibabaw ng lamesa niya.
"Seriously? It's just been three weeks and you forgot about me?"
"Three weeks?" Kumunot ang noo niya. "I'm sure I didn't even know you in my whole lifetime."
Tinaasan siya ng babae ng kilay. "Are you really so drunk that time?"
"Drunk?" Seymor tried to remember what happened three weeks ago. Ah, ang pagtanggi sa kanya ni Kaia at ang kauna-unahan rin na pag-inom niya na mag-isa sa bar.
And he got wasted.
"Teka, nakilala ba kita noong time na 'yun? Sorry dahil masyado akong nalango sa alak."
"Sorry?" Inirapan siya ng babae. "Hindi ko tatanggapin 'yun."
Lumakas ang tibok ng puso ni Seymor. "May naggawa ba akong masama sa 'yo?"
"No. I considered what happened to be very beautiful." Wika nito at humawak sa tiyan. Mala-anghel na ngumiti rin ito.
Natulala si Seymor. Sa unang tingin ay parang mangangain ang babae dahil sa angking confidence ng kilos nito. Pero ngayon ay parang nagbigay ito ng ibang side na nakapagpalambot sa kanya.
Pinili naman niya na huwag magpaapekto. Pagkatapos ng lahat, nang huli siyang magpaapekto sa isang babae ay nasaktan lang siya. Hindi pa siya handang masaktan ulit.
Kumunot ang noo ni Seymor. "What was that?"
Tumingin ito sa kanya. "It is something related to you---to us."
"Ha?"
Tinanggal ng babae ang kamay nito sa tiyan. Tuluyan na itong lumapit sa kanya. Naamoy naman niya ang mabango at mukhang mamahalin nitong pabango. It lingered in his nose and the soft touch of her hand creates magic on his skin. Parang nakaramdam siya ng panginginig.
Kinuha ng babae ang kamay niya at nilagay iyon sa tiyan nito. "We are going to have a baby..."
Bumagsak yata ang panga ni Seymor. Ano daw?!