Library
English
Chapters
Settings

2

GAANO man pilitin ni Addy na mag-isip ng positibo ay nawala rin iyon nang ma-overheard na sa mismong gabi ay aalis rin si Xander. Nakakahiya man, pinatunayan na rin niya ang sinasabi sa kanya ng mga higad na babae. She became a stalker. Pero kiber na. Gusto niyang lubusin ang oras na makikita niya si Xander. Bonus pa ngayon ang hot na itsura nito.

Hindi naman nagkamali si Addy sa desisyon. Mukhang kailangan talaga niyang lubusin ang pagsunod-sunod sa lalaking halata pa rin ang pag-iwas sa kanya. Sa pag-stalk, nakarinig siya ng isang nakakalungkot na usapan...

"I'll be leaving early tonight, Pare. Kailangang nasa Maynila ako ng alas sais ng umaga. I have a flight tomorrow morning to Greece," kausap ni Xander ang kapatid.

"Greece? You'll visit your father?"

Hindi nagsalita si Xander. Pero kahit si Addy ay ganoon rin naman ang konklusyon. May lahing Greek si Xander. Half-Greek ang ama nito at nakabase sa Greece. Ito na lang ang pamilya ni Xander. Namatay ang ina ni Xander noong twenty years old pa lang ito. He lives on his own since then. Nag-iisang anak lang ito. Wala na rin natitirang kamag-anak ito sa ina.

"Gaano ka katagal roon?"

"I'm not quite sure..." sa sagot ni Xander, kinabahan si Addy.

Hindi sikreto kay Addy ang katotohanan na matagal ng pinapag-stay for good ng ama ni Xander ang lalaki sa Greece. Minsan na iyon naikuwento sa kanya ng Kuya niya. Pero sa pagtataka ng kapatid at lalo na siya ay hindi pinili ni Xander ang option na iyon. His father was his only family. Kung ipagkukumpara, mas maayos ang buhay sa Greece sa Pilipinas.

Paano kung naghihintay lang si Xander ng tamang panahon para mag-settle down sa Greece? Dati, kapag umaalis ito papunta ng ibang bansa ay may specific duration. Hindi rin nagtatagal ng isang linggo ang pagbabakasyon nito. Bakit wala ngayon? May pakiramdam si Addy na magtatagal ito roon. Hindi niya gusto iyon. Hindi puwede.

Mas lalo na mawawalan ng pag-asa si Addy kay Xander kung aalis ito ng bansa.

Addy has to do something. Hindi na siya bumabata. Hindi niya gusto ang pakiramdam gaano man siya kumbinsihin ng mga kapatid na masuwerte pa rin siya na single siya. At si Xander, kahit minsanan na lang sila na magkita ay mahirap at masakit na mas lalong miminsan iyon.

Kailangan niyang makausap si Xander. By hook or by crook, she has to make him feel that she was still not over him. Gusto rin niyang palawakin pa ang bagong discover na katawan.

Dahil napapansin na ni Kuya Abel ang pagsunod-sunod niya kay Xander, hindi na nito hiniwalayan ang lalaki. Alam na niyang ang ginagawa nito ay para sa kanya. Kung kasama nito si Xander, hindi siya makakagawa ng kalokohan. Kaya tumigil na rin si Addy sa pagsunod. Naging steady na lang siya in a way na sigurado siyang makakausap talaga niya si Xander.

Pumunta si Addy sa kotse ni Xander. Hindi ito puwedeng makawala. Malayo ang parking lot sa beach proper at wala rin na tao roon. Walang makakapagsumbong na naroroon siya. Napangisi naman si Addy nang makitang bukas ang likuran na pinto ng kotse ni Xander. Pumasok siya roon at nagdesisyon na doon na maghintay.

Nang makapasok ay bumulaga kay Addy ang magulong back seat ni Xander. Kung sa ibang pagkakataon ay mapapangiwi siya. Hindi niya gusto ng messy na paligid. But then it was Xander's things....

Kailan mo ba ako bibigyan muli ng pagkakataon para pakialaman ang gamit mo? Most especially, ang buong buhay mo? nasa isip-isip ni Addy.

Pero hindi na hiningi ni Addy ang pagkakataon na bigyan siya ng permiso ni Xander. Inayos niya ang mga nagkalat na gamit. Karamihan roon ay mga damit. Ang iba ay gamit na at may ibang malinis pa. Pero mas nagustuhan pa ni Addy na tagalan ang pag-aayos ng mga naisuot ng damit nito. Inamoy-amoy pa niya iyon. Wala siyang maamoy na mabaho. All she could smell was his scent. She wanted to inhale his inviting scent.

Napapikit si Addy habang nagmo-moment. She wanted his scent to linger on her nose. Gusto niyang mapalapit at kung papalarin ay mapadikit ang buong katawan niya rito.

She wanted both of them to be together...become one.

Addy felt an ache knowing that it wouldn't happen. Pero napamulat rin siya nang maalala kung ano ang nasa isip niya. Become one? Ibig sabihin ay iniisip niya na---

Hindi maituloy ni Addy ang naiisip. Namula siya. She felt a bit rattled with the thought. What the hell? Masyado ng lumalawak ang imahinasyon niya. But then, she still feels good with the thought. Hindi niya mapipaliwanag kung bakit.

Pagkatapos iayos ni Addy ang gamit ay kinalma niya ang sarili. Kahit may saya ay mali pa rin siya. Hindi niya dapat iniisip ang iba pang makamundong bagay kasama si Xander. Lagot siya sa Kuya niya. Ganoon rin siguro ang lalaki. Isa sa mga dahilan na kahit gustuhin man niya, alam niya na hindi rin siya papatulan ni Xander.

A man like Xander have needs. Mahirap para sa kanya na ibigay iyon rito ng walang kahit anong pangako.

Humiga si Addy sa back seat ng kotse. Lumalalim na ang gabi at wala pa rin si Xander. Naiinip rin at bahagyang inaantok na rin siya. Ipinikit niya ang mata. Nahiga si Addy sa kotse. Nasa isip niya na makikita naman siya ni Xander roon kung paalis nga ito ngayong gabi. Magigising na siya roon at makakapag-usap sila bago ito umalis.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.