Library
English
Chapters
Settings

1

"KAILAN ka ba lalaki?" Nakasimangot si Addy habang nakahawak sa kanyang dibdib. Nalulungkot siya. Bukod sa pinapakiramdaman ang sarili, nakikita rin niya ang repleksyon niya sa salamin habang nakasuot ng two-piece swimsuit. Para siyang sinasampal ng masakit na katotohanan.

Ilang push up bra pa ba ang iaalok sa kanya? Ilang beses pa rin ba siyang maloloko ng mga sales agent? Sa sampung iba't ibang klase ng push up bra na binili niya, ni isang beses nang isuot niya iyon ay walang nakahalata na lumalaki ang dibdib niya. Her breast and butt are both flat.

Ubos na ang alam na mga paraan ni Addy para mapalaki ang dibdib. Naggawa na yata niya ang lahat ng alternatives, maliban sa breast implants. Bukod sa mahal, pagod na siya sa fake. Kota na siya sa push-up bra na wala naman palang silbi sa kanya. Mali rin naman daw na umasa siya roon. Bakit siya gagamit ng push up-bra eh ni katiting na ipu-push ay wala? Kapag naman may menstruation siya na tanging pagkakataon kung saan bahagyang lumalaki ang dibdib niya ay mainit ang ulo niya. Hindi siya nagpapakita sa madla. Wala rin na silbi.

Iisa na lang ang hindi pa nagagawa ni Addy na alternative na sa tingin niya ay puwede----ang magpabuntis. Hindi lang nabasa o tsismis ni Addy ang katotohanan na lumalaki raw ang boobs ng babae kapag buntis. Kitang-kita niya ang katotohanan sa matalik na kaibigan niyang si Jhorella. Voluptous naman talaga ang kaibigan. Pero nang magpakasal at mabuntis five months ago ay nakita niya ang malaking pagbabago rito. Gumanda ito at mas na-insecure pa siya dahil mas lumaki ang dati ng malaking dibdib nito. Isa raw epekto ng pagbubuntis ang paglaki ng dibdib.

Pero ang tanong, kung willing ba siyang mabuntis para lang lumaki ang dibdib sa loob ng siyam na buwan, may willing rin ba na bumuntis sa kanya? She is a beauty...but not really. Hindi ang ganda niya ang pagnanasaan ng isang lalaki dahil flat nga siya.

"Tumigil ka nga sa kalokohan mo, Adrienne," natatawang sabi naman ng Kuya Abel niya nang makita ang itsura niya. Gusto niya tuloy mapairap. Bukod kasi sa ginamit nito ang buong pangalan niya ay walang paalam rin ito na pumasok sa kuwarto kung saan siya na-assign. Nilapitan siya nito at tinanggal ang kamay sa flat na dibdib.

Sa huli ay napabuntong-hininga si Addy. "Nahihiya ako sa party na ito. Baka mamaya, lokohin ako at bigyan ng banat diyan," Humalukipkip si Addy. "Anyong lupa ka ba? Kapatagan ka kasi. Ilang beses ko na iyong narinig sa mga kaibigan ko kapag nakikita akong naka-swimsuit."

Natawa na talaga ang Kuya niya. "May kanya-kanyang ganda ang isang tao. Sabihin na lang natin na ang ganda mo ay hindi pang-cover ng FHM Magazine."

"So ano? Pang-Candy Magazine?" Napangiwi si Addy. Twenty four years old na siya. Pero baby-faced pa raw siya. May ilan nga na napapagkamalan na nasa high school lang siya. Cute siyang tignan sa maikling buhok, may pagka-tsinitang mata, pointed nose at makipot rin na labi. Bukod roon, may kaliitan rin ang height at katawan niya. Nahawa rin doon ang maseselan na bahagi ng katawan niya kagaya ng dibdib at puwetan niya.

"Not really. Puwede ka sa Top Gear."

Ngumisi si Addy. "Dahil papasa ako bilang grid girl?"

Mapaglaro ang ngiti sa labi ng kapatid nang tumugon. "Puwede kasing model ang dibdib mo roon. Gulong...pero flat,"

"Kainis ka, Kuya." Inirapan niya ito. "I hate being cute. I rather be voluptuous like Jhorella. May love life na siya kasi ganoon siya. How will guys like me if my body is not a fantasy?"

Hinawakan ng paboritong kapatid ang baywang ni Addy. Hinapit siya nito palapit rito. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. "I like you, okay?"

"You are my brother."

"And I am a guy," Ginulo ng kapatid ang buhok niya. "You're beautiful in your own way. Makakahanap ka rin ng Prince Charming mo. Iyong lalaking hindi ka muna titignan sa figure mo. O hindi kaya, pagnanasaan ka pa rin sa kabila ng kakulangan mo. As for your friend, 'wag ka ng mainsecure. Isipin mo na mas masuwerte ka kaysa sa kanya dahil sarili mo lang ang iniintindi at pinagkakagastusan mo."

"Mas masaya yata kung may taong iintindi sa akin,"

Napahawak sa baba ang kapatid. "May point. But just be happy. Nasa Cebu man kami nakabase at pinili mo na dito sa Maynila ay alam mo na willing ka naman namin na bisitahin sabihin mo lang. Ako naman ay linggo-linggo rin na lumuluwas dahil sa business at pati na rin kay Lara. Bukod roon, may bago ka pang kapatid sa pamamagitan ni Lara."

Ang tinutukoy na Lara ng Kuya Abel ni Addy ay ang fiancée nito. Player ang kapatid niya pero napatino ito ni Lara. Pero isa lang si Lara sa mga dahilan kung bakit insecure pa rin siya. Kagaya ng mga kaibigan, may ipagmamalaki ang katawan ng babae. Madalas na pumapasok sa isip niya, makakapagpatino rin ba siya ng lalaki kung karamihan sa mga ito ay magandang katawan ang hanap sa isang babae na walang-wala siya?

Birthday ni Lara ngayon na ginanap sa isang beach resort sa La Union. Beach party ang theme ng birthday nito kaya naka-two piece swimsuit siya. Isa iyon sa dahilan kung bakit masyado siyang conscious sa itsura niya. Kanina pa rin siya bihis pero hindi siya makalabas. May takot siya na baka maging kahiya-hiya siya. Wala siyang ipapakita kundi ang makinis at maputi niyang balat. Hindi maganda ang fitting ng swimsuit niya---hindi kailanman naging maganda. Bahagya na niyang maayos ang lapat ng bra top ng swimsuit niya para hindi malaglag.

Tinitigan ni Addy ang kapatid. "Ireto mo na lang ako sa kaibigan mo, Kuya."

Nawala ang ngiti ng kapatid. "Alam mo na isa lang ang tinuturing kong kaibigan, Addy. Tigilan mo na si Alex."

"Xander," aniya sa nickname niya sa best friend ng Kuya Abel at ganoon rin ang kakambal nitong Kuya Adam niya na si Alexander Markos. Alex ang bansag rito ng nakakarami.

"Yes, Xander for you. At kagaya ng nagsisimulang letter ng bansag mo sa kanya, let him be like that to you. A simple "X"."

"I'm like Math, Kuya. Palagi akong interesado na mahanap si X. Kaya tell me, imbitado ba siya sa party? Anong oras siya darating?" Naglambitin si Addy sa leeg ng kapatid.

"He is. Pero hindi darating ang araw na magiging interesado ulit sa 'yo ang ulol na 'yun!"

"Minsan na pinatulan niya ako---"

"At hindi na iyon mangyayari ulit. Iniwan ka na niya. Walang mahal na iniiwan,"

Sumimangot si Addy. "For all I know, iniwan niya ako kasi natakot siya sa inyo ni Kuya Adam."

Hindi nagsalita ang kapatid. Tinanggal nito ang kamay niyang nakapulupot pa rin sa leeg nito. Tumalikod ito sa kanya.

"Magsisimula na ang party. Just behave,"

Tell that to my heart when Xander is around, nasa isip-isip ni Addy. Pero hindi na niya sinabi iyon. Paniguradong mapapag-initan na naman ng kapatid kung ibubukang bibig pa niya si Alex. Kapag alam nito na determinado pa rin siya na mapa-ibig ang first love niya, babantayan siya nito. Palalayuin siya nito sa lalaki...

"Alex is a player! Tama lang na makipaghiwalay siya sa 'yo," hindi makakalimutan ni Addy ang mga salitang iyon ng Kuya Abel niya, kasama ang kakambal na Kuya Adam niya noong labing anim na taong gulang siya. Nalaman ng mga ito na nagkaroon sila ng relasyon ng matalik na kaibigan ng mga ito.

"Mahal ko si Xander, Kuya!"

"Magkaiba ang crush sa mahal. Sixteen years old ka pa lang, Addy. Twenty one years old na kaming tatlo. Ni sa edad kong ito, hindi ko alam ang mahal-mahal na 'yan. Ano ka pa? Tigilan mo ang kalokohan na ito. Nahumaling lang sandali sa 'yo si Alex. Hindi ikaw ang tipo niya. Napakabata mo pa. Lolokohin ka lang niya," pangaral ng Kuya Adam niya.

"Birds of the same feather, flock together. Alam mo naman na player kaming kapatid mo. At dahil matalik na kaibigan namin si Alex, ganoon rin siya. Alam namin ang baho ng isa't isa." Dagdag pa ng Kuya Abel niya.

Hinagod ng Kuya Adam niya ang likod niya. "'Wag mong masamain ang ginagawa namin. This is for you, too. We are just saving you from heartbreak. Ikaw ang nag-iisa naming kapatid na babae. Bunso pa. Hindi ka namin hahayaan na masaktan."

Walong taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin masaya si Addy. Pakiramdam niya ay lalo lang na sinugatan ng kapatid ang kanyang puso sa pagpapalayo ng mga ito sa kanya kay Xander. Hanggang ngayon, ang lalaki pa rin ang gusto at pinapangarap niya. Hindi siya maka-move on rito.

Mali ang nararamdaman ni Addy. Umaasa pa rin siya samantalang tama naman ang kambal niyang Kuya. Laro lang para kay Xander ang nangyari sa kanila noon. Dahil kung seryoso ito, papayag ba ito sa gusto ng mga kapatid na layuan siya? Ang masaklap pa, pinagpalit kaagad siya nito sa ibang babae pagkatapos noon. Sa loob ng walong taon ay triple pa sa bilang ng taon ang naging kapalit niya sa buhay nito.

Xander is a player yet Addy can't help her heart played in love whenever he is around. Pero hindi naman siya masisisi. Bakit ba kasi nagiging player ang isang tao? Dahil may ipagmamalaki at charms ito 'di ba? Gising na gising si Xander nang magpaulan ang Diyos ng kaguwapuhan. Nasalo nito ang lahat. May dahilan ito kung bakit ito malaro. Ang palay na mismo ang lumalapit sa manok.

Pero mapili ang manok sa kabila ng maraming klase ng palay na lumalapit rito. Ang pinipili lang nito ay ang mga babaeng gising naman nang magpaulan ang Diyos ng malalaking dibdib, bote ng coke ang katawan at maumbok na likod. Wala siya sa category. Pero sa kabila ng lahat, iniisip na rin niya na masuwerte pa rin siya. Kahit isang linggo lang ang naging para laro nila ni Xander noon, naranasan naman niya na maging girlfriend nito. Naipagmamalaki niya na napatulan siya ng isang pinagkakaguluhang bachelor sa Pilipinas.

Kilalang tao si Xander. Ganoon rin ang kanyang mga kapatid. Nagmamay-ari ng chain of bar and restaurants ang tatlo sa Cebu at ganoon rin sa Maynila. Pero mas marami ang sa Cebu kaya mas hands-on roon ang kambal na kapatid. Si Xander naman ang nagma-manage sa dalawang branch sa Maynila. Bukod kasi sa bar owner, modelo rin ito. Sa Maynila naka-base ang modelling agency nito. Tinutulong-tulungan lang ito ng Kuya Abel niya na siyang madalas na lumuluwas mula sa Cebu hanggang Maynila dahil sa fiancée na nakabase roon.

Sa Maynila rin nakabase si Addy bilang isang graphic designer. Madalas naman na sa bahay lang ang trabaho niya pero ipinilit niya na manirahan pa rin sa Maynila. Doon kasi ang main office nila at may mga araw na kailangan siyang magreport personally doon. Bukod pa sa mas gusto niya ang environment sa Maynila. Wala kasi roon ang pamilya niya. Mahal man kasi niya ang pamilya niya ay may mga oras na nasasakal na siya sa pagiging overprotective ng mga ito. Masaya na siya sa Maynila dahil hindi nababantayan ng mga ito palagi ang mga galaw niya. May bahay rin naman sila sa Maynila at doon siya nakatira. Doon rin tumitira ang pamilya niya kapag nasa Maynila, pero paminsan-minsan lang ng mga ito roon kaya okay lang.

Pero kahit nasa parehong lugar, so near yet so far pa rin ang drama ni Addy kay Xander. Malaki ang Maynila. Bukod pa sa iniiwasan siya ni Xander. Madalas rin siyang tawagan ng mga kapatid niya. Monitor ng mga ito ang galaw niya kaya kahit gusto man niyang i-stalk ang lalaki ay malabo na magtagumpay siya.

Lumabas na ng kuwarto si Kuya Abel. Sa pagbukas ng pinto ay narinig ni Addy na lumalakas na ang ingay. Nagsasalita na rin ang host. Oras na nga para lumabas siya. Pinag-isipan niya kung magsusuot siya ng malong para pagtakpan ang hindi kagandahang figure. Pero naisip naman niya na magiging kahiya-hiya lalo kung tatakpan niya ang katawan. Liberated ang mga kaibigan at pamilya ni Lara. Baka magmukha siyang manang o conservative sa gagawin niya.

Pagkatapos ng one last look sa salamin, lumabas na rin si Addy. Kiber kung wala siyang maipagmamalaki. Sabi naman ng Kuya niya, maganda pa rin siya. Gusto niyang maniwala roon. Isa pa, isa lang naman talaga ang gusto niyang makuhanan ng papuri---si Xander. At hindi naman nagtagal ay pinagtagpo ulit sila.

Nakita ni Addy na tumatawa si Xander. Hearing his laugh made her feel tense. Pero nakaramdam rin siya ng kaunting kirot sa puso na makita itong nakikipag-usap at masaya sa piling ng iba. Napapalibutan ito ng mga babae. Hindi pa rin siya nasasanay. Pero tinalo pa rin ng saya ng pagkakita niya rito ang selos. Her heart beats erratically at the sight of him.

Pinilit ni Addy na ngumiti. Susubukan niyang lapitan si Xander sa kabila ng mga haliparot na lumalandi rito. Missed na niya ito. Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang huli niya itong makita---sa anniversary ng parents niya. Pero isa rin iyon sa mga okasyon na makita man niya si Xander ay hindi pa rin siya kontento. Iniiwasan siya nito.

"Hi, Xander!" wika ni Addy nang makalapit sa lalaki. She gave her best smile. Sinubukan rin niya na maging kasing landi iyon ng ngiti ng mga babaeng nasa paligid nito.

A guy like Xander just go for lust, At alam naman natin na hindi ka kanasa-nasa, Addy, naalala ni Addy na sabi ng Kuya Adam niya nang magreklamo siya rito kung bakit hindi na siya pinapansin ni Xander.

Bahagyang itinulak pa ni Addy ang babaeng pinakamalapit kay Xander para tuluyan siyang makalapit rito. Inilambitin niya pa ang kamay sa leeg nito.

Lumabas ang tibok ng puso ni Addy. Natuliro siya. Pero masisisi ba siya? Hindi niya ugaling lumandi. In fact, all her life, si Xander lang ang naging boyfriend niya. Kaya naman medyo alinlangan siya sa ginagawa. Hindi siya ganito, bago ang lahat sa kanya. Yes, she is sweet and all. Kaya niyang maglambitin sa mga kapatid na lalaki. Pero iba si Xander. He is not a family.

Pero gusto niya itong maging pamilya.

Sinubukang kalmahin ni Addy ang sarili niya. Malaki na siya. Pakiramdam nga niya ay napapag-iwanan na siya. Magkakapamilya na ang best friend niya at siya ay puwede pa na i-categorize na NBSB dahil sa sandali lang naman nila na relasyon na naging boyfriend dati. Ano ba naman kung lalandi siya 'di ba? After all, Xander is not just an ordinary guy. He is the love of her life...

Bata pa lang ay crush na ni Addy si Xander. Guwapo naman kasi talaga ito at parang lahat naman yata ay maakit sa unang tingin pa lang rito. Katangi-tangi naman kasi ang physical features nito----green eyes na minana nito sa Greek na ama, matangos na ilong at may kanipisan na labi. Matangkad at maganda rin ang pangangatawan nito.

Bukod roon, mabait rin kay Addy si Xander. High school siya nang maging determinado siya na magpapansin rito. Natuto siyang mag-make up at pumorma ng dahil rito. Ganoon kasi ang nakikita niya sa mga babaeng dine-date nito at ng mga kapatid niya. Pangarap niyang mai-date rin ng isang Alexander Markos. Matindi ang kilig niya nang pumayag ito. When she said the sweet words "I love you" at the age of sixteen, he smiled at her. Malambing na hinaplos nito ang pisngi niya. Hindi ito nagreklamo. Hinawakan rin nito ang kamay niya at pa-sway-sway pa iyon habang naglalakad sila sa mall kung saan siya nito niyaya na gumala at manood ng sine.

Addy knew that moment that she was his. Wala man na katugon ang "I love you" niya, nakikita niya iyon sa kilos nito. He cared for her. Pero isang linggo lang ang saya ni Addy. Nang malaman ng mga kapatid ang tungkol roon, naging estranghero na siya kay Xander.

Pero estranghero rin ang nagiging pakiramdam ni Addy sa paglipas ng mga taon. Habang nakalambitin kay Xander, heat consumed her body. Nakakaramdam siya ng init kapag nahahawakan niya si Xander noon. But this time, it was different. Parang nakakapaso iyon na kung hindi nga lang rin siya nakakaramdam ng kakaibang kasiyahan sa apoy na iyon, malamang ay matutupok siya.

Mas lalo tuloy nalito si Addy. What was happening? Dahil ba sa nanabik siya na makasama si Xander kaya may kakaiba at mas malala na naman siyang naramdaman rito? Sure, she saw him on some of their family occasions. Pero dahil iniiwasan siya nito bago pa man siya makalapit, ni hindi man lang niya nakakamayan ito. Sa tingin niya ay taon na ang nagdaan nang mahawakan niya ang kamay nito. Heck, ni ang makalapit siya ng ganoon kay Xander.

O siguro ay dala rin iyon ng pagdaan ng mga taon. Malaki na sila at hindi na dapat pang-bata ang nararamdaman niya. Adult feelings should be more sensual. Pero ang isipin na nakakaramdam na talaga siya ng sensuality ay nakapa-init lalo sa pakiramdam niya. Nase-sense niya na ganoon rin ang kanyang pisngi---mas malala pa. But she has to stop it. Blushing is only for teenagers. Ang dapat na ipahalata niya ay ang hindi niya maipaliwanag na init ng kanyang katawan.

May nginig sa kamay ni Xander nang alisin nito ang kamay niya sa leeg. "H-hey, Addy. It's nice to meet you."

Pinigilan na ngumuso ni Addy. Weh 'di nga? Iyon ang unang pumasok sa kanyang isip na sabihin. But she doesn't want to look like a teenager and cheap with the actions and the words. Hindi ganoon ang mga babaeng dine-date ni Xander. Mukhang malandi man ang mga ito pero may class. A lady. A modern woman.

"Its always nice to meet you, too, Xander. Alam mo naman iyon 'di ba?" nag-isip si Addy ng susunod na gagawin. Kailangan niya. Halatang hindi bukal sa loob ni Xander ang sinabi nito. Pero tama ba kung yayain niya ito ng drinks? Perhaps, ang magsayaw? Pero naisip niyang kung gusto niyang maging modernong babae, dapat ay ginagawa na rin niya ang mga modernong bagay. Hindi na siya dapat magpakipot. Adult na siya. Iyon lang ang mga babaeng pinapansin ni Xander.

Pero pinatili ni Xander ang pagiging gentleman sa kanya kahit hindi niya hinihingi iyon. Inunahan siya nito bago pa man siya makapagsalita ulit.

"Yeah, but I got to get going. See you around," wika nito at inilagay ang kamay sa baywang ng babaeng katabi nito. Inakay nito iyon palayo sa kanya at pati na rin sa iba pang grupo ng babae.

"You're a bitch!" malditang wika ng isang babaaeng nakapaligid kanina kay Xander. Asar ito dahil nawalan ito ng pagkakataon na makipaglandian sa lalaki. Hindi rin ito ang inakay.

Hindi pinansin ni Addy ang pagpuputok ng butse ng mga babaeng nawalan ng atensyon. Sa halip, itinuon niya pa rin iyon kay Xander. Dala yata ng init na naramdaman niya kung bakit bigla siyang nagkaroon ng urge na panoorin ang klase ng paggalaw nito at pati na rin ang perpektong katawan nito. She contented herself with the view of his tanned and magnificent body, and oh, that wonderful behind...

It was too hard to look away from his strong thighs and butt. Likod pa lang, ulam na. nasa isip-isip ni Addy.

Unknowingly, naitaas ni Addy ang kanyang mga kamay at ikinuyom iyon. She felt like squeezing something. Sandaling tinanggal niya ang tingin kay Xander at tumingin sa mga kamay. She could feel an unfamiliar sensation. A flirty sensation.

Napakurap si Addy. Kung titignan, hindi na naman siya inosente. Nagbabasa siya ng sexy novels. At ang mga nararamdaman niya na ito ang isa sa mga madalas na nararamdaman ng heroine sa hero ng mga ito---para siyang na-turn on.

There was a sexy urge from Addy to just hold, smack and squeeze that squeezable butt of Xander's. It wasn't just an exaggeration in the novels. It was real.

I really need Xander in my life!

Akala ni Addy ay kilala na niya ang lahat kay Xander. Pero dahil ngayon lang niya nakita ang lalaki sa ganoong anyo, may madidiskubre pa pala siya. Wholesome naman kasi ang pagiging modelo nito ng mga T-shirt at pantalon. Pero buti na lang at sila-sila pa lang na nasa party ang nakakadiskubre ng mala-Greek God na anyo nito.

Pagod na siyang magkaroon ng kaagaw. Pagod na siyang maghintay...

"Panira kang babae ka. Isa ka ba sa mga stalker ni Alex? Kairita!" Naputol ang pagmumuni-muni ni Addy nang magsalita na naman ang mga babae sa paligid. At dahil hindi na naman maabot ng tanaw niya si Xander ay ibinaling na niya ang tingin sa iba.

"I am her ex," para magtigil ay sinagot niya ang mga babae.

Sabay-sabayu na tumingin kay Add yang apat na babae mula ulo hanggang paa. Sabay rin na nagtaas ng isang kilay ang mga ito.

"Ex-stalker, you mean." Tudyo ng isa. Tumawa ang lahat. Walang naniniwala na pinatulan siya ni Xander.

"Ex-girlfriend!" giit ni Addy.

Nagkibit-balikat ang isa. "Well, ano bang pakialam natin 'di ba? She's an ex. A past...a mistake."

Tumatawang umalis ang mga babae. Nanginginig sa inis si Addy. Gusto niyang magmaktol at magpapadyak. She might not be Xander's type because she was not voluptuous. Pero bakit ang iba naman na mga model sa ibang bansa? Matangkad lang ang mga model kaysa sa kanya at mature kung titignan. Mukha lang siyang bata.

Pero hindi na bata si Addy. Hindi na rin siya mag-iinarte. May newly discovered feelings na siya---sexy and flirty. Pakiramdam niya ay babae na talaga siya. A modern woman....

Nag-isip si Addy ng positibo. Oo na, nakaraan na siya. Ex-girlfriend siya. Tatanggapin niya na ang posisyon na iyon. Dahil ang mga wife, nagiging ex-girlfriend naman talaga muna ng asawa ng mga ito.

Napangisi na lang si Addy sa isip. She felt crazy with the thought. Pero baliw na nga siguro siya kay Xander. Xander is danger. Yet, she had a feeling that she can risk everything just to have a dangerous pleasure...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.