Library
English
Chapters
Settings

9. First Kiss

NALAMAN ni Nina na isinuot niya ang revealing na damit na iniregalo nito sa kanya dati kaya naman binigyan siya nito ng mga bago. Disente naman ang mga pinadala nito, tama sa mga sizes at length ng damit na pinapanukala ng kompanya. Pero lahat ng mga iyon ay hapit at kumukurba ng matindi sa katawan niya. Lahat rin ay nasa uso. Sinubukan muli ni Ice na magsuot ng ganoong klase ng damit. May iba pa rin na nagulat pero marami na ang nakita niyang paghanga.

Isang linggo na ginawa ni Ice ang ganoon sa sarili at nawala na rin ang pagkagulat ng mga tao. Nasanay na ang mga ito. Ang iba rin ay sinimulan na siyang bigyan ng papuri. May tinatago raw naman pala talaga siyang ganda. Kaunting ayos pa raw sa kanyang mukha ay magiging isa na siya sa mga babaeng head turners ng Limitations.

"Pumayag ka na kasi sa total make-over!" giit sa kanya ni Nina nang minsang katagpuin niya ito pagkatapos ng trabaho niya sa opisina.

"Gastos pa iyon."

"Ako ang gagastos! Ikaw na mismo ang nagsabi na kaya mo ginawa ito ay gusto mo na maramdaman na maganda ka 'di ba? I-spoil mo naman ang sarili mo paminsan-minsan."

Napangiwi si Ice. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang dahilan kung bakit nagkakaganito. I wanted to see myself beautiful."

"Its the sex, darling!" malakas na deklara ni Nina. "Nagkakaroon tayo ng urge na maging maganda dahil sa sex. That's the effect of it! We feel that we are beautiful and we truly want to feel it!"

Tinakpan ni Ice ang bibig ng kaibigan. "Maghulis-dili ka nga, Nina. Nasa public place tayo." Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop.

"So what? I'm just stating facts. O siya, ha? Papadalhan na lamang kita ng ilang comestics ko na hindi ko pa nagagamit. Ise-send ko rin 'yung mga link sa youtube ng mga tutorials about make-up. Matalino ka. Matutunan mo rin ang pag-aayos from there."

Sinubukan ni Ice na gawin ang mga payo ni Nina. Nang kuhanan niya ng larawan ang sarili sa ginawa at ipadala kay Nina ay aprubado nito ang gawa niya. Ganoon rin naman ang mga tao sa opisina. Naging malaki ang pagbabago sa buhay ni Ice simula nang matutunan niyang mag-ayos sa uso.

Tuluyan ng naging head turner si Ice sa Limitations. Ang mga dating lalaki na nginingiwian lamang siya kapag nakikita siya ay napakaganda ng ngiti kapag nakikita siya. Palagi siyang binabati ng mga ito at may isa pa nga na inantay pa siya sa entrance ng building para lamang makasabay siya sa pagpasok. Dalawang beses na rin na may nagbigay sa kanya ng stemmed roses. At ngayong araw, ang isa sa mga iyon ay kinukulit siya na makipag-date rito sa Linggo. Kahit oras ng trabaho ay talagang pinuntahan pa siya nito sa table niya.

"Hindi talaga kita mapapagbigyan, Dennis. Hindi ko puwedeng i-cancel ang lakad ko..." wala naman talagang pupuntahan si Ice. Ang totoo ay magsusulat lamang siya sa weekends. Kahapon ay nag-send sa kanya si Miss Bridgette ng possible plot para sa gusto nitong ipaggawa sa kanya na libro. Nagustuhan niya ang suggestion nito at pumayag na siya na magsulat para sa erotic imprint ng LRP. Nararamdaman na niya ang kahandaan niya. Sa totoo lamang ay kahit hindi niya pa sana gustong simulan ay nakapagtapos na siya ng isang chapter kagabi. Kung hindi nga lamang siya masyadong abala sa trabaho ngayon na kailangan pang kainin noon ang lunch time niya na free time sana niya para makapagsulat, malamang ay nakatapos na siya ng isa. Sumisigaw ang mga salita sa utak niya.

Napapalatak si Dennis. "How about Friday night?"

"Hindi rin puwede."

"Come on, Ice. Lets go bar hopping. I'll make sure you'll have fun."

Umiling pa rin si Ice.

"You're just like your name. Ice." Inis na sabi na ni Dennis.

Hindi nagustuhan ni Ice ang sinabi ng lalaki. Sasagutin niya sana ito nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Will. Nang makita nito si Dennis ay naningkit ang mga mata nito. Itinuro rin nito ang relo at tumingin sa lalaki.

"Office hours, Mr. Legaspi. Ano ang ginagawa mo rito? Sa pagkakaalam ko ay hindi nakikipag-business matters ang mga purchasing assistant sa office of the president. Kung sakali man, dumadaan muna iyon sa pinaka-manager niyo 'di ba?"

Namutla si Dennis. "Ah, Sir. May itatanong lang po sana ako kay Miss Lubrica---"

"Personal matters? Then you should know na hindi dapat ginagawa iyon sa mga ganitong oras."

Yumuko si Dennis. "I'm sorry, Sir."

"Go now! Hanggang kaya ko pa na magtimpi na hindi ka i-report sa HR!"

Tumango si Dennis. Umalis na ito sa opisina. Nakahinga nang maluwag si Ice. Pero nagkaroon muli ng tinik sa kanyang damdamin nang sa kanya naman ibaling ni Sir Will ang inis nito.

"Is that man flirting with you, Iceliana?"

"Ahmm... I'm sorry, Sir. Hindi ko naman po ginusto na---"

Humalukipkip si Sir Will. "Did you know why you are getting attention, Iceliana?"

"Sir---"

"Dahil 'yan sa suot mo." Tila may apoy sa mga mata ni Sir Will. "Binabastos ka dahil diyan sa suot mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Ice. Noon lang siya nasigawan ng ganoon ni Sir Will. But then... she didn't feel sorry about it.

"As far as I know, Sir, hindi naman po bawal ang magsuot ng masisikip na damit sa office." Hindi napigilan ni Ice ang sarili na sagutin ang boss.

Natulala si Sir Will sa sinabi ni Ice. Nagulat. Kahit siya rin naman ay nagulat sa kanyang ginawa. Paano niya naggawa iyon? Hindi siya marunong magtaas ng boses, kung nagagawa man niya ay kayna Nina at Mara lamang iyon. But they were close friends. Si Sir Will ay boss niya pero tila nalimutan niya iyon.

Tumatapang na si Ice. Nararamdaman niya. Was it because of what she was doing to herself? Siguro. Dahil nararamdaman niya na maganda siya, nagkakaroon na siya ng confidence sa kanyang sarili. Nagagawa na niyang maiboses ang mga dati ay nasasabi lamang niya sa isip.

Pero mali pa rin iyon.

Dumilim ang mukha ni Sir Will. Halatang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.

Nataranta si Ice. "I-I'm sorry, Sir. Hindi ko naman po intensyon na sabihin iyon pero---"

"I'm just concerned about you, Iceliana. Pero minasama mo iyon."

"I don't see anything wrong naman po kasi, Sir." Huminga nang malalim si Ice. "I just want to be in the now."

"By flaunting your body like that? Alam mo ba ang ginagawa mo sa mga lalaki, Iceliana? You are making them mad. Yes, tama na sa considered length ang mga isinusuot mo but the size...its design. You are making them hungry and horny just by looking at you. You gave them luscious, mind-blowing thoughts that they are having a bad time concentrating on their job.

"Take Mister Legaspi for an example. Hindi siya makatiis na lapitan ka. He fancies you. He is in lust with you. Lust is powerful. It can make a man drive crazy and forget his ethics. He was thinking about having sex with you. Kiss you until you lose your breath. Got a squeeze from those luscious breasts in your front and your booty. Scoop you in the table or in the couch or whatever, wherever. Lay with you. Play with your inner parts and---"

Natigil sa pagsasalita si Sir Will. Napansin ni Ice na mula sa pagsalubong sa kanyang mga mata ay bumaba ang mata nito sa kanyang mga labi. Kumurap-kurap siya para lang siguraduhin na nakikita niya talaga na may kakaiba sa mga mata nito. She could feel the desire in it. Tila umaapoy rin iyon.

And just with that look, Ice feel that her whole body is starting to tremble and burn.

"G-ganoon rin po ba ang ginagawa ko sa inyo, Sir?"

Napalunok si Ice. Once again, her throat was in drought. Tila nangangati rin ang kanyang mga labi. Itching to have some lips to meet with it. But more prefably...the lips in front of her.

"Tease." Wika ni Sir Will. Hinawakan nito ang kanyang balikat at unti-unting inilapat ang kanyang likod papunta sa dingding ng opisina. He pinned her to the wall.

And the next thing Ice heard was the eratic beating of her heart...caused by the action she was just thinking a while ago.

A kiss she didn't know could feel this good.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.