Library
English
Chapters
Settings

8. Breaking Rules, Bolder Ice

BOLD and blatant. Ganoon maide-describe ni Ice ang tingin na nakuha niya simula nang bumaba siya sa taxi na naghatid sa kanya papasok sa building ng Limitations. Hindi talaga itinago ng mga ito ang pagkagulat at ang iba pa nga ay napatigil habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.

Sa kabila ng mga ginawa sa nakaraang araw, hindi madali na alisin ni Ice ang kanyang manang na ugali. Natural, nahiya siya. Pero malapit na siyang ma-late. Hindi na siya puwedeng bumalik muli sa bahay niya para palitan ang pulang bestida niya na pinatungan lamang niya ng itim na blazer.

The blazer makes the outfit conservative...sa itaas. Hindi iyon nakatulong sa ibaba dahil pang-itaas lamang naman ang layunin ng blazer na takluban. Nakikita pa rin kung paano kumurba sa katawan niya ang masikip na bestida.

"Black blazer. Tight red dress. Red stilettos. At wala na ang makapal na salamin. Naka-contact lens! World war three na ba? Si Miss Tapia nag-ayos!" narinig pa ni Ice na walang hiyang sabi ng isang empleyado pagkadaan niya. Namula si Ice pero pinili na lamang niyang huwag magpaapekto. Wala na naman siyang magagawa, eh.

Ginusto mo 'yan. Suffer the consequences. Bulong ng isang bahagi ng utak niya. Totoo naman iyon.

Sinuot ni Ice ang natatanging pulang bestida niya. It was shorter than her usual dresses. Regalo iyon ni Nina sa kanya may dalawang taon na ang nakakaraan. Iyon ang unang beses na sinuot niya iyon dahil...well, she just feel like it.

Pakiramdam ni Ice ay pinangungunahan pa rin siya ng kanyang inner goddess. Naririnig pa rin niya ang manang niyang pag-uugali pero mas malakas ang tawag ng bago niyang diskubre na sarili. Kahit naisip naman niya ang iisipin ng mga tao, hindi niya iyon pinakinggan. For once, she wanted to look beautiful. Iyon ang nakita niya sa sarili nang isuot niya ang pulang damit at napagdesisyunan na gamitin na niya ang contact lenses na hindi niya lang trip gamitin noon dahil medyo alalahanin. But more so, gusto niyang kahit papaano ay maramdaman niya sa totoong buhay ang ginawa nilang mundo ni Liam.

Lahat ay nagtaka sa naging transformation ni Ice. Pero hindi naman lahat ay pagkagulat ang naging reaksyon nang makita siya. Nang mapadaan siya sa table ni Celina ay napapalakpak pa ito.

"I knew it! Maganda ka naman talaga, eh. Kulang lang talaga sa ayos. Medyo kulang pa dahil hindi kompleto ang make-ups pero okay na 'yan. Its a start. You look smashing, Ice!"

"Thank you." Nginitian niya si Celina. Nagtuloy na siya sa table niya. Pero bago simulan ang araw sa opisina, hindi mapigilan na mapaisip ni Ice...o mas maganda yatang sabihin na mapaisip ng inner goddess niya.

Kagaya ba ni Celina ay masasabihan rin siya ng magagandang salita ni Sir Will? Pupurihin ba siya nito? Hindi kagaya ng ibang tao sa opisina, hindi naman siya nito pinupuna pagdating sa makaluma niyang pananamit. Minsan ay nakikita niyang sinusuri siya nito ng tingin at napapangiwi pero walang kahit anong salita siyang naririnig mula rito. Sa pagbabago niya ng anyo ngayon, may maririnig na kaya siya mula sa boss?

Hindi nagtagal ay nangyari ang inaantay na eksena ni Ice. Dumating na si Sir Will. Nakaugalian na niyang tumayo sa pagdating nito para batiin ito at pagbuksan ng pinto papunta sa may kalakihang opisina nito. Ginawa niya iyon ngayon dahilan para makita nito ng buo ang suot niya.

Hindi nakaligtas sa mata ni Ice ang nakita niyang panlalaki ng mga mata ni Sir Will. Matagal-tagal rin itong nasa ganoong anyo. Partikular na nakatingin ito sa legs niya.

Sir Will looked into her legs like he saw the food he was craving for so many days now. Naapektuhan si Ice sa simpleng titig lamang nito. Her heart palpitated, blood rushed through her veins. Nag-enjoy siya sa titig na iyon.

Minsan na niyang sinabi sa sarili na pakiramdam niya ay hindi na siya makakapag-asawa o makakapag-boyfriend man lamang. Alam naman kasi niya na hindi siya papansinin ng tanging lalaki na nagugustuhan niya---si Sir Will. But now, pakiramdam niya ay nagkakaroon siya ng pag-asa.

Tama talaga si Nina. Dapat ay iniwanan na niya ang mga makalumang paniniwala niya. Dapat ay nakiuso na siya, tinitignan kung ano ang In the now. Edi malamang ay dati pa siyang napansin ni Sir Will. Dapat ay dati niya pang na-enjoy ang mga damdamin na iyon. On that way he looked at her, she also felt hot and restless. May pakiramdam tuloy siya na gustong tanggalin ang kanyang mga damit. She felt suffocated in chain of armor. Gusto niyang magbuhad...at gusto niyang mapunta sa bisig nito.

Pero lahat ng pantasya ni Ice ay naglaho. Umismid lamang sa kanya si Sir Will at kapagkuwan ay pumasok na sa opisina nito. Ni hindi man lamang nito ibinalik ang pagbati niya rito ng magandang umaga.

Napabuntong-hininga si Ice. Pero ano ba ang aasahan niya kay Sir Will? Strictly na pinapatupad nito ang no office romance relationship. Kahit nga ito ay lubos na sinusunod iyon. Kung gusto niyang mapansin siya ni Sir Will, dapat ay gawin niya ang mga ganoong gawain sa labas. Isa pa, iisang beses naman niyang ginawa iyon. Malamang ay nagulat lamang ito sa pagbabago niya kaya ito napatitig.

Buwisit na inner goddess kasi 'yan!

Bago simulan ang trabaho, sinubukang tanggalin ni Ice ang butones ng kanyang blazer. Kailangan niyang maalis ang literal na pag-iinit ng kanyang katawan sa naging pagtitig sa kanya ni Sir Will. Pagkatapos ay ibinuhos na niya ang atensyon sa mga kailangang gawin ngayong araw. Binuksan niya ang kanyang office email---ang pinakaunang ginagawa niya sa opisina. Nasa pangalawang email pa lamang siya nang bumukas ang pinto sa opisina ni Sir Will. May dala itong ruler.

"Tumayo ka." Utos ni Sir Will kay Ice.

Nagtaka man at napakunot noo, ginawa ni Ice ang utos ni Sir Will. Tumayo siya. Lumapit ito sa kanya. Nahigit ni Ice ang hininga nang lumuhod ito sa harap niya. Inilagay nito ang ruler sa kanyang legs.

"S-Sir---"

"'Wag kang magsalita, Iceliana." Mukhang mainit ang ulo ni Sir Will. Tinatawag lamang nito ng buo ang second name niya na madalas niyang ginagamit kapag ganoon.

Hindi sigurado ni Ice kung nanginginig ba talaga ang kamay ni Sir Will habang inilalagay sa legs niya ang ruler at tila sinusukat iyon. Maaari kasing guni-guni niya lamang iyon dahil iyon ang gusto niyang maramdaman. Vibration. She didn't know a man's vibration into her skin can make her inner goddess shouting in pleasure. Naramdaman niya kaagad ang pagbigat ng kanyang dibdib.

"Three inches!" halos sumigaw na ito sa kanya. "You broke the rule!"

"A-ano pong rule?"

Naningkit ang mga mata nito. "Kung gaano ba dapat kahaba ang skirt o dress ng empleyado sa Limitations! It should just be knee length!"

"Oh..." Diyos ko, parusa pa pala ang makukuha ko sa ginawa kong pagpapakita ng kaunting kamunduhan sa opisina!

"Oh yourself." Nagngitngit ang ngipin ni Sir Will. Galit asana ito na para bang napaka-big deal ng ginawa niya.

"Ire-report niyo po ba ako, Sir?"

Madilim pa rin ang mukha nito kahit umiling na. "Hindi na muna. This is just first offense. Sa susunod na mangyari ito, alam mo na ang gagawin ko." Dala yata ng matinding inis ay wala sa sariling naibagsak ni Sir Will ang hawak na ruler.

Out of courtesy, si Ice na ang dumampot sa ruler. Pero ganoon rin ang ginawa ni Sir Will. Pareho silang napaupo para kuhanin iyon. Nang makita naman ni Ice ang mga kamay nitong nakahawak sa ruler, napatingin siya sa lalaki. Nakatingin rin ang boss sa kanya pero hindi kagaya ng kanyang tingin na nasa mukha lamang. She caught her staring at her cleavage...na ngayon ay nakita dahil sa tinanggal niyang butones ng blazer.

Oh God.

Tumiim ang bagang ni Sir Will nang mahuli niya ito sa ginagawa. Nagdilim muli ang mukha nito.

"And another one, palagi mong ibutones 'yang blazer mo kung gusto mong magsuot ng mga malalim ang neckline na damit!"

Kinuha ni Sir Will ang ruler.

"O-okay, Sir. I'm sorry..."

Tumalikod na si Sir Will kay Ice.

Naiwan muli si Ice sa table. She was so tempted to touch herself. Titig lamang ng lalaki sa mga dati ay itinatago niyang bahagi ng katawan ay mabilis na siyang naapektuhan. Na-dominate na yata talaga ni inner goddess ang mundo niya. Iyon na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang magbasa ng mga kung anu-ano at panatilihin ang dati niyang paniniwala sa pagiging konserbatibo. Sa mga ginagawa niya sa sarili, binibigyan niya ng mga kulay ang lahat ng bagay.

Pero hindi nga ba at makakatulong pa iyon para sa kanya? Kailangan niya iyon para sa gustong nobela. And what she was experiencing now...was erotic. Kagaya ng mga sinasabi ni Nina sa kanya. Experience is the best teacher raw. Magagawa na nga ba talaga niyang magsulat ng nobela sa mga nangyayari sa kanya ngayon?

Kung dati ay kahihiyan ang nararamdaman ni Ice, ngayon ay napalitan na iyon ng kasabikan.

.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.