Library
English
Chapters
Settings

Chapter 7 The One Who Owns the Black Diamond Gem

Naglalakad ako ngayon papuntang kabilang building

Pinapatawag kasi ako ng School Head

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok

"Good morning Ms. Valen" - ngiting bati ko

Pero ni hindi nya man lang ako tinignan bagkus ay pinalapit nya ako sakanya

"Your right hand"

Kahit naguguluhan ay inilapit ko sakanya ang kanang kamay ko

At may ikinabit sya sa palapulsuhan ko

Isang bracelet

"That signifies who you are belongs to. Papatawag ka nya kung kailan kayo mag-uusap about your trainings. You may go back to your class Ms. Marqueza" - Ms. Valen at saka may binuklat na makapal na libro sakanyang harapan

Paglabas ko ng opisina nya ay tinitigan ko ang bracelet na nasa right wrist ko

Kung ganoon ay Class A ang hahawak saakin

Pero

Kanino ang simbolong itim na bato?

Pagbalik ko sa classroom ay tulad ng unang pasok ko noon ang eksena. Nakatingin saakin ang mga lalaki. Kahit na nagtuturo yung teacher namin sa Guides and Rules. At ang ilang babae naman ay nakataas lang ang mga kilay

Pero may bago ngayon. Pagkakita nila sa kanang kamay ko ay nanlaki ang kanilang mga mata at namutla pa nga ang iba at ang iba naman ay kaagad na nagbulong bulungan

Maging ang teacher namin ay napatingin din at nanlalaki rin ang kanyang mata na tila ba hindi ito makapaniwala sa nakikita

Kahit kaninang naglalakad ako pabalik dito sa room ay iniiwasan din ako ng mga estudyante habang nakatingin sa kanang kamay ko

"M-ms. Marqueza, y-you may sit down now" - Ms. Ramirez ang teacher namin

I saw pity on her eyes while looking at me

Ano bang nangyayari

Ng makaupo na ko ay tinignan ko si Chanel na nakatitig rin sa kamay ko

"Chanel okay ka lang?" - tanong ko dito

I waive my hand in front of her face kasi tulala sya

"H-ha o-oo naman. Ah, Dana ki-kilala mo na ba ang owner mo?"

Owner? Bakit ganung salita ang ginagamit nila?

Trainor. Yun lang yun

"Ahh di ko pa nga alam kung sino eh. Ikaw? Alam mo ba kung sino ang may-ari ng batong to? Matagal kana dito dba?" - tanong ko habang ipinapakita ang bracelet ko

"M-mas mabuting m-mamaya na natin yn pag-usapan Dana" - Chanel

may problema ba?

•~•~•~•~•~•

"My God Dana! My poor Dana! What to do now?" - Shea habang tinatakpan ang bracelet ko ng kaliwa nyang kamay at ang kanan nya namang kamay ay bahagyang nakatakip sa bibig nya sa pagkagulat

Nasa canteen kami ngayon. Dating mesa tulad kahapon

Pinagtitinginan din kami ng mga estudyante

"Bakit sya pa? Akala ko ba ay nadala na sila matapos ng mga nangyari noon? Bakit binigyan pa rin sya ngayon ng Trainee?" - Shea

"Yan nga din ang iniisip ko kanina pa Shea" - Chanel na mangiyak ngiyak na

"Uhh? Guys? Ayos lang ba kayo?" - tanong ko

Sabay naman silang napatingin saakin

"Kami okay lang pero ikaw hindi!" - Shea.

"Ha? Okay lang naman ako Shea ahh"

Naihilamos naman ni Shea ang kamay nya sa kanyang mukha

"Kilala mo na ba ang may batong ganito?" - Shea

Umiling nmn ako. Kanina ko pa nga yan gustong malaman

"Dana, ang may-ari ng black diamond ay walang iba kundi si.... Master Ken Montegory" - mahinang sabi nya sa pangalang iyon

Ken? Ung lalaking nakakadena sa loob ng pulang pinto

"Ganun ba?" - ako

Npangaga naman sila sa isinagot ko

"Dana! Nanganganib ang buhay mo!" - Chanel

Nangunot naman ang noo ko

"Hindi maaaring humawak ng trainee si Master Ken" - Shea

"Bakit naman? Nasa Class A naman sya"

"Dana, ang mga nahawakan nya dati ay lahat namatay!" - Chanel

Kita ko sa mukha nila ang takot at pag-aalala

Namatay?

"Remember his cursed power? Dana di nya makontrol ang sarili nya. And He's Cruel!" - may diing sambit ni Shea

Cruel? That guy with an angelic face is cruel?

Napalingon kami sa pintuan ng canteen ng bumukas iyon

Iniluwa noon ang apat na estudyante. Ang apat sa labingdalawang master

Nakatingin sila saakin lahat habang naglalakad papunta sa mesa nila sa dulo

Pero nagtatakang napatingin ako kay Master Klein na nagpaiwan sa tapat ng mesa namin

Tumayo naman agad si Shea

"Master Klein" - sya habang bahagyang nakayuko ang kanyang ulo

Pero nakatingin lang sakin si Master Klein

"Pwede ka bang maanyayahan saaming mesa..." - sya bago ibinaba ang tingin sa badge na nasa kaliwang dibdib ko

"Ms. Marqueza?" - pagpapatuloy niya

tumango naman ako habang sya ay nauna ng nagpunta sa mesa nila

"Dana" - Shea habang nakahawak sa kamay ko. Nag-aalala ring nakatingin saakin si Chanel

"Babalik ako kaagad" - ngiting sabi ko bago tumayo

Klein POV

Maganda sya. No scratch that, she is very beautiful. She has black color of hair and she has a beautiful amber eyes. And she looks simple and so innocent

Poor girl

"So your name is Dana Elaina Marqueza?" - tanong ko

"Yes" - nakangiti nyang sagot

Her smile is so bright. Hmm. Makakangiti pa kya sya ng ganyan after she suffer from Ken?

"Have a seat then"

Naupo naman sya sa tabi ni Naih..

"So you're the lucky trainee" - Naih

"Lucky trainee?"

Napaisip nmn sya bago sumagot

"Ahh oo ako ata" - she answered innocently

Sabay kaming nagpigil tawa ni Liam samantalang si Naih naman ay nakakunot noo habang bahagyang nakangangang nakatingin sa baguhang estudyante. At si Viviene naman ay nakataas na ang isang kilay

"Ohh? May mali po ba akong nasabi?" - she asked again with an innocent look on her face

Dang! How she can act this way?

"We're not joking here little girl" - Viviene

"Hmm? Sorry di naman po ako nagbibiro ah? Sinagot ko lang ang tanong nya" - she answered

"So do you really think that you are lucky when in fact Ken will be your master?" - Viviene

"Oo"

Then that's the time we stared at her na may di makapaniwalng ekpresyon sa aming mga mukha

"And how do you say that?" - Viviene

"Kasi nasabi sakin nila Shea na ngayon na naman lamang nabigyan ng trainee si Master Ken. At ako lang ang trainee nya. Eh di ibig sabhin matututukan nya ako sa pageensayo. At rinig ko rin na magaling sya. Kaya maswerte ako sakanya kasi marami akong matutunan" - she said while smiling

She's unbelievable!

Did Shea really told her ALL the details about Ken?

"Idiot" - Viviene

"I pity you" - Liam

"Wala ako masabi" - iiling iling na sabi ni Naih

I lean on my chair while staring at her

"Okay, thanks for your time Ms. Marqueza you may go back to your friends" - I said while smiling at her

"Ah ok po. Aalis na ko" - sya at saka tumayo

Pare-pareho kaming nakatingin sa babaeng yun na ngayon ay nakatalikod na saamin at naglalakad na papalayo

"Strange"

Napatingin kami kay Viviene

"Bakit?" - Naih

"Wala akong nakitang ibang emosyon. Wala ni takot, alinlangan, pagkabahala o kaba man lang ang babaeng yun. Wala akong naramdaman sakanya kundi ang pagiging positibo nya. Napakagaan ng pakiramdam nya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun" - Viviene

Saglit syang napa isip

"Kahapon ko pa sya nakita. Akala ko ay kahapon lng un. Pero kanina hanggang sa umalis sya. Ramdam ko. Iyon lamang ang emosyon nya" - dagdag nya

Napaka-aliwalas nga ng kanyang mukha. Napakainosente

I doubt if I can still see that face after the real training starts

"Akala ko ba ay handi na bibigyan ng trainee si Ken?" - Liam

"Akala ko din. Napakadelikado niyon" - Naih

Pagkarinig namin sa mga estudyante kanina na nakita nila ang batong iyon sa bagong estudyante ay muntik na kaming di maniwala

Delikadong bigyan ng trainee si Ken. Alam yun ng lahat ng estudyante at faculty dito

Napagdesisyunan na noon ng mga konseho na wag ng bigyan si Ken ng trainee. Dalawang taon na din syang walang nahahawakan

pero ba't ngayon binigyan sya ulit?

Napag-alamn din namin na si Headmaster mismo ang nag-assign noon

Di kaya galit pa rin ang Headmaster sa ginawa nyang pagsagot dito noon sakanya sa pulang pinto?

Paanong alam ko? Simple lang. Dahil ang pangyayaring iyon ay kalat na sa buong akademiya.

Ano naman kaya ang pinaplano ng Headmaster??

------------

#AchilleanAcademy

         

    ~1813

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.