CHAPTER 9: I'VE BEEN WAITING FOR YOU
~ Englebert
"San ba kayo galing?" Tanong ko kay jorge pagdating nya pero hindi nya kasama si ice.
"Huy! San daw kayo galing?" Segunda ni macky. Pano ba naman kasi, tong si jorge parang ang lalim ng iniisip.
"Ha? w-wala dyan lang sa labas." Sagot ng loko. Parang may kakaiba talaga sa kanya. Tapos inom lang ng inom. Tsk. Mamaya ka lang sakin.
_
2am na ng madaling araw at ngayon palang kami uuwi. Hindi ako masyadong nag inom ngayon dahil alam kong malalasing ang mga loko. Dakilang driver nga ako ng mga gago ngayon. Una kong hinatid si macky.
Nahuli kong hinatid si jorge. Si ice naman hindi na nakabalik kanina. Tumawag lang samin ang gago na mauuna na daw sya. Ano kayang problema nun. Kung ano man yun, alam kong alam yun nitong gagong katabi ko ngayon.
"Ano ba! Papakamatay ba tayo bro?!!" Sigaw ng loko.
"Ginising lang kita. Dito na tayo!!" Sabi ko sa kanya. Natatawa ako sa itsura ng nya. Asar na asar sya. ^___^
"Tsk! Ewan ko sayo---- Oh! Bat naka lock?!"
"Chill bro. May sasabihin kapa sakin." Sabi ko habang nakangisi sa kanya. Alam nya na ang ibig kong sabihin.
"Anong sasabihin??!" Tsk. Lasing pa nga ang gago.
"Sasabihin mo oh hanggang umaga tayo dito?" Sabi ko kaya napahilamos nalang sya.
"Sabihin mona. San sya nagpunta kagabi nung sinundan mo sya?"
"Tsk. Eto ah, hindi pako sigurado dito bro, pero si ice pare,.."
"Ano??!!" Tanong ko. Pabitin pa kasi tong gago eh.
"May nagugustuhan syang ibang babae. Para syang nababaliw dun sa babae! Ewan ko pero unang kita nya palang dun, wala na eh. Para syang tinamaan na hindi maintindihan. Nakita nya ulit yung babae kanina bro! at promise, maganda talaga! Kaso parang hindi naman sya gusto nun! Ayun! Ewan! Bahala sya. Bahala sila. Ikaw bro alam kong bestfriend mo si shirley kaya alam kong magagalit ka pero alamin muna natin bro."
Napakunot ako sa sinabi nya. Si ice magkakagusto sa iba? Malabo yata yun.
"Totoo ba yan?" Tanong ko. Di kasi talaga ako makapaniwala eh. Tsk. Isang malaking biro. Si shirley lang ang babae sa buhay nun.
"Tulad ng sinabi ko, I'm not sure bro. Pero kung ako ang tatanungin, type nya yung babae"
Napatingin ako sa harapan In-unlock kona ang pinto ng kotse. Tsk. Napapaisip tuloy ako badtrip. Ano bang trip nung isang yun?
"Bro, wag muna tayong mag conclude. Kilala natin si ice. Lalo kana, mas kilala mo sya. Saka hindi pa naman sigurado yun" sabi nya. Palabas na sana sya kaso may pahabol pa ang loko.
"Wag mo muna tong paalam sa kanya. Hayaan muna natin sya. At isa pa, kung sakaling totoo man yun, ibig sabihin lang nun wala na talaga syang pakealam kay shirley. At kung ganun nga, hindi ko masisisi ang kaibigan natin, iniwan sya ni shirley. At pare tandaan mo, hindi lang si shirley ang bestfriend mo, si ice, mas bestfriend mo sya. Kaibigan natin sya pare"
Hindi ako nagsalita hanggang sa makaalis at makalabas na sya ng kotse ko.
This is fucking bullshit...
. . . . . .
~ Stacy
"Dude, hindi mo ba talaga matandaan yung plate number nung puting kotse dati?" Tanong ni dude habang nakain kami ng breakfast.
"Hindi talaga dude. Kahit yung mga sumunod pang kotse na ilang beses nagtangka ng buhay ko, hindi ko nakita ang plaka nila dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Buhay ko nalang ang iniintindi ko that time dude." Ilang beses pa kasi akong muntik ng mamatay, pero yung ilang beses na yun, hindi na sya ang nagliligtas sakin kundi si tito adrian.
"Eh si tito adrian? Diba sya lagi ang nasa tabi mo nun? Hindi nya ba nakita? Bakit nahihirapan silang hanapin ang mga taong yun? Nahihirapan ba talaga sila oh hindi na talaga nila hinahanap? Nagtataka lang talaga ako,"
Natigilan ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. pero nakatingin lang sya sa ibang direksyon.
"Pinagdududahan mo ba si tito adrian?" Tanong ko sakanya.
"Hindi sakin nanggaling dude." Sabi nya pa. Kaasar. Bakit ba ang utak nya. Pero sabagay, bigla akong nagduda kay tito adrian. Bakit naman kaya hindi nya hahanapin? Oh kaya naman, bakit hindi nya sakin sasabihin???
"Oh baka naman nahanap na, pero hindi lang sinabi sayo. Kaya hindi sinabi sayo, dahil may dahilan sila" napaisip nanaman ako. Pero anong dahilan naman?? Saka hindi gagawa ng first move si tito adrian kung walang approval ni daddy.
"Naisip kona dati yan kaso lang, naisip ko din, may isang bagay ka pa palang pinapagawa sa kanya, diba pinapahanap mo din ang savior mo? Baka lang nahihirapan syang pagsabayin." dagdag nya pa.
Hindi eh. Imposible. Si tito adrian, hindi pa yun pumapalpak kahit na kailan. Kaya nyang pagsabayin ang limang misyon sa maikling panahon lang.
Pero bakit ba kasi ngayon ko lang naisip to??!
"Wag kana mag isip, kung ano man ang dahilan ni tito adrian, siguradong hindi naman masama yun. Baka mas makakabuti sayo, at sating lahat kung ganun nga ang nangyayari. Isipin mo, hindi gagawa ng kahit na anong hakbang si tito ng walang pahintulot ng daddy mo." Paliwanag ni dude sakin. Pero hindi pa din convincing eh.
"Makakabuti sakin? Oh para sa kanila? May tinatago kaya sila sakin dude? Bakit naman nila ililihim ang pagkatao ng mga gustong pumatay sakin at bakit naman hindi hahanapin ni tito adrian ang taong nagligtas sa buhay ko? Bakit naman gagawin yun nila daddy at mommy? Parang malabo dude." Sabi ko. Lalo lang naguluhan ang utak ko. Nakakainis.
"Dude, hindi ko masasagot lahat yan, kaya nga hayaan mo nalang muna sakin to. Kaya nga diba sabi ko sayo konting tiis nalang? Kaya nga kumuha din ako ng sarili kong tao diba? Just leave it to me. Basta ngayon, ang pinaka importante sa lahat, mag focus muna tayo sa studies. Naniniwala akong mahahanap mo din sya dude. Wag kang mag alala hmm?"
Napatango nalang ako sa kanya. Tama sya. Kailangan ko na munang mag focus sa pag aaral ko. Ito naman ang importante sakin eh. Ito ang kailangan ko.
"Wag kana muna mag isip dude. Enjoy nalang muna natin ang lahat. Ito naman ang gusto natin diba? Magiging maayos din ang lahat."
Ngumiti nalang ako sa kanya. Sabagay tama naman talaga sya. We need to focus on our studies. Saka ko nalang muna siguro sya hahanapin. At pang huling priority ko nalang ang paghahanap dun sa taong gustong pumatay sakin...
Oh God help me..
***********
~ One Month Later....
"Okay class, simula bukas ay kailangan nyo ng pumili kung saang sport's kayo nababagay. Para sa mga baguhan dito, kailangan nyong malaman na ang Edmonds University ay isa sa pinakamagagaling na varsity champions dito sa ating bansa. Hindi naman siguro lingid iyon sa mga kaalaman ninyo. Ang bawat isa ay kailangang lumahok sa kahit na anong klase ng sports meron ang EU. Mataas ang ibibigay kong grades dito para sa Physical Education. Ang sino mang hindi lumahok dito ay lalagyan ko ng zero ang grades sa PE. Nagkakaintindihan ba tayo class?"
"Yes maam!!!" Sabay sabay na sagot namin sa adviser namin.
"Okay. Very good. Dito natin malalaman kung saan kayo magaling, at kung sino sino dito ang magagaling at mga talented. Gusto kong sabihin sa inyo ngayon na sobrang proud ako, dahil hawak ko ngayon ang ilang basketball varsity players dito tulad nila Captain Ian, Englebert, at Macky na pambato ng EU. At sa volleyball naman, na sina shirley at genesis. I'm very proud dahil nasa klase ko ang ilan sa magagaling at hinahangaan ng buong campus at ng ibang kalabang mga university.. Palakpakan naman natin sila!"
(Palakpakan)....
"Keep it up guys at sana, ilan pa sa inyo ang magpakitang gilas at makapagbibigay ng karangalan sa ating university. Makakaasa ba ako class??" Nakangiting sabi ni teacher pogi samin.
"Yes sir!!!!" Sabay sabay ulit na sagot namin.
Sya kasi ang may hawak ng first and last subject namin. Parang bigla akong na excite sa announcement ni sir! ^__^
"Okay class dismiss" panghuling sabi nya samin. Kanya kanyang takbuhan na ang mga kaklase namin dahil yung iba, excited umuwi, at yung iba naman, excited gumala.
^_^
"Tara na friend! Diba gagala pa tayo mamaya???" Sabi ni maimai habang hinihila na ang braso ko. Pshh babaeng to talaga manang mana kay dude.. --__-
"Engle! Uwi kana?" Tawag ko kay seatmate dahil napansin kong tahimik syang naglalakad habang nakasunod dun sa mga kaibigan nya.
"Yup. Bakit? Yayayain mo bako magdate? Pwede ako mamaya" sabi nya sabay wink. Tsk kainis talaga ang lalaking to. Oo na gwapo sya at kinikilig ako sa kanya pero nakakainis pa din sya!. --__-
"Uyyyy....."
"Sige mang asar ka pa at aasarin din kita.." takot ko kay maimai. Pang asar kasi eh. Nginuso ko yung isang kaibigan nila seatmate na seatmate din nya. ^__^
"Tsk." Inirapan lang ako ng loka.
"Kala mo ah" pang aasar ko pa sa kanya.
"Oh ano na??! Date tayo?" Pag ulit nanaman neto ni seatmate! Asarr...!
"Hey! Bilisan mo may praktis pa tayo!" Napalingon kami sa sumigaw. Si monster. Pshh.. akala mo kung sinong gwapo makasigaw at makautos kay seatmate!
"Andyan na!!-- oh pano? Wait ko nalang text mo ah?" Sabi ni seatmate sakin at humabol pa ng isang kindat pa. Waaa.. nakakainis bat ba kinikilig ako pag ganyan sya sakin. Kainis.
"Wag mo ng pigilan. Kiligin kana. Wala na sila" at dadagdagan pa ng isang pang asar diba?
T____T
tabi tayo, may mga malalandi..
Tama ka dyan, layuan natin ang malalanding studyante ng EU.
Korek. The mean and ugly girls..
The freak..
Idagdag mo pa ang araw araw na na masakit sa tengang parinig ng mga bitch naming kaklase. Tsk. Sino ba sila sa akala nila para magsalita ng masama samin. Eh di hamak naman na mas malandi ang itsura nila samin.
"Tara na. Wag nating pansinin yang mga yan. sarili lang nila ang sinasabihan nila." Nakairap na sabi ni maimai sabay hila sakin.
Tsk. Akala mo naman mga kagandahan!
Mahiya kayo sa sarili nyo uy!
"Tama ka dyan. Sarili lang nila ang sinasabihan nila." Sabi ko din at nagtawanan nalang kami ni maimai ng parang mga baliw.
Ang isang buwan na pagtagal namin sa school nato ay sobrang achievement para sakin. Paligiran ka ba naman ng mga buwaya-- ay este mga bitch pala katulad nila shirley at ng mga kaibigan nya na laging asar na asar samin, lalo na sakin. Ewan ko ba kung bakit asar na asar sya sakin, siguro dahil hindi nya matanggap na may isang taong sumasagot sa kanya.
Si monster naman na boyfriend nya daw kuno na parang hindi naman ay talaga namang nakakainis. Ang galing mang lait sakin at mang bully sa iba, ang yabang at napaka jerk nya bwiset anak lang naman sya ng may ari ng school nato!
nothing special about him!
_
~ Englebert
"Bro naman, lagi nalang tayong nandito sa bar ah. Gabi gabi nalang tayo dito ah. Desidido kaba talagang abangan yung babae na yun dito bro???!" Reklamo ni jorge kay ice na kanina pa ikot ng ikot ang mga mata sa buong paligid ng bar. Pano ba naman, naloko na yata ang gago sa babaeng ilang beses palang nya nakita. Ni hindi nya nga alam ang pangalan nung babaeng yun.
"Bro bukas ayoko ng pumunta dito ah. Kayo nalang." Reklamo ni macky. Sya kasi ang laging kasama ni ice dito. Si jorge naman alternate, ako naman minsan lang. Ngayon napatunayan na naming wala na nga syang nararamdaman para kay shirley. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na ganun lang kabilis nawala ang pagmamahal nya kay shirley.
Wala akong karapatan na husgahan sya at magalit sa kanya dahil unang una, kaibigan ko din sya. At kasalanan din ni shirley kung bakit ngayon sira na ang relasyon nilang dalawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang nangyayari sa kanila oh dapat maawa ako kay shirley dahil sobra syang nasasaktan sa pambabalewala ni ice sa kanya.
"Uy bro may problema kaba? Kanina kapa tingin ng tingin sa cellphone mo ah!" Sita ni jorge sakin.
"Wala!" Sabi ko nalang kay gago. Kanina ko pa kasi hinihintay ang text ni stacy sakin. Ewan ko ba pero gustong gusto kong kasama sya. Ang sarap nyang kasama. Goodvibes lang. Parang ang gaan gaan lang ng buhay pag sya ang kasama ko. Masayahin, mabait, matalino at maganda na hindi nakikita ng iba. Walang duda kung bakit nagkagusto ako agad sa kanya.
"Tsk. Ang ingay nyo." Reklamo ni ice samin sabay tayo. Ang gago may sariling mundo.
"Goodluck bro!" Pang aasar ni macky kay ice habang paalis ang loko sa pwesto namin.
"San ka?" Habol na tanong ko sa kanya. Pero nag wave lang ang gago habang nakatalikod. San na naman kaya pupunta ang loko.
"Roronda nanaman siguro yun." Si jorge.
"Oo nga. Baka daw nandun sa labas yung babae" nakangising sabi naman ni macky. Mga gago talaga.
. . . . . .
(A/N: play the video above ? if you want to imagine the next part... ^__^
_
~ Stacy
Nandito kami ngayon sa bar. Napagkasunduan naming tatlo nila dude at maimai na lumabas muna kami ngayong gabi. Medyo matagal na din na hindi kami lumalabas tatlo dahil nga nag fo-focus kami sa studies pero ngayon, dahil nakaka one month mahigit na kami sa EU kahit mahirap, kinakaya namin.
Pabalik nako sa loob ng bar dahil kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng kotse ni dude. Kotse lang nya ang dinala namin ngayon dahil baka mapasarap at magkasarapan eh may malasing pa samin.
Papasok na sana ako sa loob ng may humawak sa braso ko. Nagulat ako kaya mabilis akong lumingon pero pagharap ko....
"A-ano ba??! B-bitawan mo nga ako---"
"All this time, I've been waiting for you.."
Binalot na naman ako ng kaba, ang lakas ng pintig ng puso ko. Ewan ko pero habang nakatingin ako sa mga mata nyang diretso lang na nakatitig sa mukha ko, lalong lumalakas ang heartbeat ko.
Juscolored hano ba naman tong nararamdaman ko! Bakit ba kasi sya ganito sakin ngayon???! Monster sya eh! Bakit ganito??? Anong kailangan nya sakin???!
*
Itutuloy....