CHAPTER 8: SECOND TIME AROUND
~ Stacy
Lakad takbo ang ginagawa ko papuntang parkinglot makalayo lang sa jerk na yun. I dont understand myself kung bakit bigla nalang akong umalis kanina. Ni hindi man lang ako nag isip. At sana pala gumanti ako sa kanya sa ginawa nyang panlalait at pang iinsulto sakin. Idagdag pa ang pagsira nya sa kotse ko, at sa dalawang beses nyang pagbangga sakin. Kainis! Galit ako sa kanya talaga.
Siguro sa takot lang to.. ewan!
_
~ Condo
"Bakit ngayon ka lang? San ka galing??? Ha???! Hindi mo ba alam na gusto ko ng bumalik ng korea ngayon dahil sa kabang binigay mo sakin? Hindi kapa sumasagot sa tawag ko! Pano ko malalaman kung okay ka lang??!!"
"Sorry na dude please" paghingi ko ng tawad sa nanay ko---- este sa parang nanay ko palang si dude.
Ayun! Tama nga ako, galit na galit nga sya sakin.
"Sorry??? Aanhin ko sorry mo kung may nangyari sayong masama? Stacy naman!" Sabi nya sakin. Nanahimik na lang ako. Galit nga sya. Alam na alam ko pag sobrang galit yan tinatawag nya ko sa pangalan ko.
"Oh, binilhan kita" sabi ko nalang sa kanya. Nagulat ako ng hablutin nya agad sakin ang paper bag.
"Thanks. Wag kana mag ayos. Palitan mo nalang yang dress mo. Antayin kita within 3 minutes." Natigilan ako sa sinabi nya.
"H-ha?" Alanganing tanong ko sa kanya.
"Umaandar ang 3 minutes mo iiwanan talaga kita!" Sigaw nya kaya napatakbo ako agad sa kwarto ko dala ang isang paper bag na pinamili ko kanina.
-
~ Bar
Nandito kami ngayon sa isang bar na pang apat na beses na naming napuntahan ni lyca simula ng umuwi kami dito sa pilipinas.
"Sorry dude. Alam ko namang bored kana at namimiss mo nang mamasyal na hindi ka naka disguise. Alam kong nasasaktan at nanliliit kana sa mga panlalait at mga sinasabi nila tungkol sayo. At alam mo bang pag ginagawa nila yun lalo na at naririnig ko di mo ba alam na gustong gusto ko ng pumatay ng tao? Doble sakin ang sakit at galit pag may naririnig akong negative words about you,. Pero tinitiis ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil para sayo naman to. Para sa kaligtasan at katahimikan mo, nating dalawa. Kaya sana dude, tiisin mo din. Kayanin mo. Konting tiis lang." Natahimik ako sa mga sinabi nya.
"I'm sorry dude." Sabi ko.
"No, wag kang mag sorry. Mag promise ka, na hindi kana aalis na mag isa pag hindi ako kasama. Nandito lang ako dude. Kung kung naiinip ka, kung nahihirapan kana, sabihin mo sakin agad. Para saan pa na naging dude moko?"
"Uhm.. sige oo na po. Magpapaalam nako sayo at magsasabi ako kung hindi kona kaya" sabi ko sabay taas ng kopita ko sa ere. Ngumiti naman sya at tinaas din ang kopita nya.
"Para sa pagtitiis" sabi nya na ginaya ko nalang din.
"Para sa pagtitiis"
"Cheers!" We both said at tumawa kami ng tumawa na parang tanga. Magsasaya kami ngayong gabi at walang makakapigil samin.
_
~ 11pm
Medyo tinatamaan na kaming tatlo ng espiritu ng alak kaya kanina pa sayaw ng sayaw si dude at maimai sa dancefloor. Ako naiwan lang dito sa pwesto namin malapit sa bartender. umiinom lang ako habang yumuyuggog ang ulo ko. Napapaindak kasi ako pag tumitingin sa dalawa na masayang sumasayaw sa dancefloor. Yep right. Tinawagan ni dude si maimai kaya sumunod sya dito ng mga 10pm.
Kanina pa nila ako niyaya pero wala pa akong gana, gusto ko pang uminom. May tama nako ng margarita na iniinom ko pero parang mas gusto kong uminom pa ng uminom.
Tatayo na sana ako para pumunta sa cr dahil kanina pako naiihi ng biglang may humarang sa harap ko.
"Hi miss? You are so beautiful.. i like you." Prangkahan nyang sabi. Matangkad sya, gwapo at mukhang mayaman din naman pero mas mukha syang manyak.
"Thanks." Sarkastikong sabi ko nalang at dadaan na sana ako kaso muli nyang hinarang ang daanan ko.
"I said i like you. Can we make out?" He said smirking. This is bullshit!
What did he say? Make out?! What the fuck! Is he out of his fucking mind?!
"Out of my way." Matigas kong sabi sa kanya. Pero lalo lang syang nagalit sakin at hinawakan ako sa wrist ko.
"I said, i like you. Pasalamat ka nga eh, sa lahat ng babae dito ikaw ang nilapitan ko, tapos aarte kapa? Magkano ba?" Sabi nya kaya nag init ang ulo ko. Ang bastos nya, mayabang pa. Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"Hoy! Mr. Oh kung sino ka man, wala akong pakealam sayo! Pwede ba? Nakaharang ka sa daanan ko, Alis!." Iritang sabi ko sa kanya. Nakakaasar kasi! Ang yabang!
"Aba sumasagot ka pang babae ka ah! Bakit akala mo maganda ka?! Halika dito!" Sabi nya at hinila ako. Dahil sa lasing nako at malakas sya at nadadala nya ako.
"Hoy! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang kumakawala ako sa kanya. Tinitignan ko sina dude pero hindi kona sila makita dahil sa dami ng nasa dancefloor at kung titignan mo ang paligid ay lahat sila, nagkakasiyahan at walang pakealam sa paligid nila. Dahil din sa lakas ng tugtog sa buong bar ay alam kong hindi nila ako maririnig dito pag sumigaw ako.
"Bitawan moko!" Sigaw ko ulit ng makita kong palabas na kami ng bar at ni wala man lang nakakapansin na kinikidnap nako ng manyak na lalaking to. Diretso lang sya at hindi nagsasalita. Naiiyak nako. Kinakabahan ako.
Dito naba magtatapos ang lahat? Alam kona ang mangyayari pag naisama ako ng lalaking to kung saan kaya nanghihina ako. Mawawala naba ang pinaka ingat ingatan ko? Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng marating namin ang isang nakaparadang kotse.
"Pasok!" Sigaw nya pero nagmatigas ako at inaagaw ang kamay ko sa kanya. Medyo madilim na pa naman dito.
"Wag ka nang magmatigas pa, pakipot kapa eh! Alam ko namang gustong gusto mo din!"
"Tulong!!! Tulungan nyo----" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko.
"Let her go" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.
"Sino kaba? Wag kang makialam dito ah." Sabi ng lalaking bastos.
"Ang sabi ko, bitawan mo sya, kung hindi mo maintindihan ang english." Sabi ng lalaking nasa likod ko. Gusto kong tumawa ngayon sa sinabi nya kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon. Sa sinabi nya mas lalo lang nagalit si manyak.
"Anong sabi mo! Mayabang ka ah! Sino kaba??! Wag kang makealam dito! Umalis kan-----
Nagulat ako ng bigla nalang syang bumulagta sa harapan ko. May isang lalaking sumuntok sa kanya. Hindi lang pala sya isa, dalawa sila.
"Tss.. mahina naman pala to bro! Tulog agad! Sige na! Pasok nako sa loob" sabi ng isang lalaking sumuntok kay bastos na ngayon ay wala na agad malay.
"Miss, are you okay?" Sabi ng lalaki sa likod ko. Biglang nawala ang kaba ko. Natulala ako dahil akala ko talaga kanina katapusan na ng virginity ko! Mabilis akong humarap at niyakap ang nagligtas sakin.
"Salamat!" Sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"a-ah yeah, yeah." Utal nyang sabi. Nagulat yata sya sa ginawa ko. Nahihiyang kumalas ako sa kanya at ng maaninag ko ang mukha nya,...
"Your safe now. Be careful. It's better kung uuwi kana sa inyo----"
"Sige na, mauuna nako sayo. Salamat ulit!" Sigaw ko sa kanya sabay alis. Hindi kona sya pinatapos pagsalitain. Naririnig kopa ang paghabol at pagtawag nya sakin pero mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Mabilis kong nakita si boomie at sumakay nako agad sa kanya. Tatawag nalang ako kina dude. Dito ko nalang sila hihintayin.
Hingal hingal ako habang nakahawak sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba laging ganito bwiset. Bakit pag nagkakaron kami ng eye contact, nagiging ganito ako? Ano bang meron sa kanya?? B-bakit tuwing titingin ako sa mga mata nya may bigla akong naaalala? a-at yung??... Yung sinabi nya..., ganun na ganun yung mga huling salitang narinig ko sa taong yun.
Bang!! Bang!!! Bang!!!
Tatlong putok ng baril at mabilis na harurot ng puting kotse ang narinig ko. Mabilis nya akong inilag sa putok ng baril at itinago nya ako sa likod nya. Nagtago kami sa likod ng isang sasakyan at sumensyas sya na wag maingay. Sinunod ko sya.
Pawis na pawis nako habang hawak hawak ko ng isang kamay ko ang laylayan ng damit nya at hawak naman nya ang isang kamay ko. Hindi ko alam ang mga nangyayari pero isa lang ang alam ko. Dalawang beses nakong muntik mamatay pero dalawang beses din akong nailigtas ng isang taong hindi ko naman kilala.
"Your safe now. Be careful. They want to kill you. It's better kung uuwi kana sa inyo." Rinig kong sabi nya sabay bitaw sa kamay ko...
Bakit ganito? Bakit bigla ko syang naalala sa ganitong sitwasyon? Bakit bigla nanamang sumariwa sakin ang mga nangyari eight years ago?? Nasan na sya? San ko sya makikita??? Ano ng itsura nya ngayon??
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinahid ko ang mga luhang lumalandas sa pisnge ko at nagtype ng text message.
To tito adrian:
Tito I need to see him already. Please.
Si tito adrian ang pinakamagaling na private agent at isa sa bestfriend ni daddy. At sa kanya ako nagpapatulong para mahanap ang taong nagligtas sa buhay ko eight years ago pero isang buwan na ang nakakalipas bigo pa din kami. Nahihirapan daw syang hanapin ang taong yun.
_
~ Jorge
Nag iinuman kaming ngayon sa isang bar na madalas naming puntahan. Bar to nila macky. Mga lasing na nga ang loko eh.
Kanina kopa napapansin tong si ice na kanina pa may tinitignan. Hindi naman to mahilig sa babae eh! Dapat ako yun ah. At lalong hindi sya ang natingin sa babae, sya ang tinitignan at pinagkakaguluhan.
Tsk. Hindi pa namin alam ang totoong score sa kanila ni shirley dahil parang hindi pa naman sila ulit nagkakabalikan pero iba ang pinagsisigawan ni shirley. Alam naming mahal pa ni ice si shirley kaya malabong mambabae si ice.
"Bro, sino ba yang tinitignan mo dyan?"
Sabi ko sa gago pero parang walang narinig. Tumayo pa at unalis.
"Anong problema nun?" Tanong ni macky.
"Sundan mo na" sabi ni Englebert. Tumayo nalang din ako. Wala naman akong magagawa eh.
Tsk. Ano bang trip ng lalaking to at nandito kami ngayon sa labas? Tsk. Asar. Dapat nangbababae nako ngayon eh! --_-
Pagtingin ko sa kanya, nandun na sya sa likod nung babae---- putek kaya naman pala!
Teka... s-sya yung, y-yung magandang babae sa mall! Yung babae na bukang bibig ni ice simula kanina pa! Tsk. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun. Pero bakit may gagong lalaking nakahawak sa kanya?!
Lumapit ako sa gilid nila. Hindi ako masyadong pansin dahil medyo madilim dito banda sa pwesto nila. Nang marinig ko lahat ng pinag uusapan nila, tapos nalaman kong gustong manyakin ng lalaki ang babaeng yun, at tinatarantado nya ng harapan si ice, walang pagdadalawang isip na sinapak ko sya. Sapul! Ayun, tulog.
"Tss.. mahina naman pala to bro! Tulog agad! Sige na! Pasok nako sa loob" sabi ko nalang sa kanila at umalis na. Narinig kopa ang pagtatanong ni ice sa babae kung okay lang ito. Nakita ko din ang pagyakap nung babae kay ice. Tss.. ako ang sumapak, sya ang niyakap. Astig! At ni hindi nya man lang ito pinagbawalan. Dapat ngayon nagwawala na yung gagong yun eh. Si shirley lang ang nakakayakap sa kanya ng ganun. Anong trip nya? Tss.. bahala sya.
Papasok na sana ako sa loob kaso narinig ko si ice na sumisigaw habang hinahabol ang babaeng niligtas namin.
Ang bilis tumakbo ng babaeng yun kahit na naka heels sya. Natakasan nya si ice. Sinundan ko ng tingin ang babaeng yun habang sumasakay sa kotse nya. Parang pamilyar sakin ang kotse kaya umikot ako para puntahan yun.
Si ice naman parang lokong naghahanap pa din. Ano kayang trip nya? Anong meron sa babae na yun at nagkakaganun sya?
Paglapit ko sa kotseng pinasukan ng babae, nagulat ako.
Damn it.
Kotse to nila nerd ah? Ito ang kotseng sinira ng mga black gangster nun ah? At ito rin ang kotseng pag aari ng sumira sa kotse ni ice. Tsk. Parang ang gulo. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi naman yun ang bestfriend ng nerd na yun! Kilala ko ang kaibigan nun! Yung masungit kong kaklase ang bestfriend nun kaya panong...
Anong ginagawa nya sa kotse nila nerd??..
❤❤❤
Itutuloy...
Sorry guys kung medyo maikli ang bawat Chapters, gusto ko lang po na makapag update agad.
Thanks po sa walang sawang pagsubaybay! Hugs and kisses..