3
HINAYAAN ni Serena na ang Daddy niya ang mag-asikaso ng lahat ng bagay para sa kanyang kasal. Hindi na siya nakialam. Wala rin naman siyang makitang dahilan para gawin iyon. Wala rin namang nagtatanong sa kanya. Hindi rin siya ganoong interesado sa kasal niya kaya hindi na rin siya nag-abala na ipagkalat ang tungkol roon. Sino ba naman kasi ang gustong maikasal sa isang matandang mayaman? It was not worth the fuss.
Pero nagkamali ng akala si Serena. Nagulat siya sa mismong araw ng kasal niya. Isang napaka-guwapong lalaki pala ang groom niya!
Nakagat ni Serena ang ibabang labi nang makita ng personal si Caleb Imperial---ang mapapangasawa niya. Pangalan lang at trabaho ang alam niya rito. Caleb owned an electronics company. Ang kompanya rin nito ang naging major competitor ng kompanya ng Daddy niya at sinasabing nakapagpabagsak noon.
Sa mga nalaman, pumasok sa isip ni Serena na hindi siya matutuwa sa lalaking ipapakasal sa kanya. Magaling si Caleb Imperial kung titignan ang mga nalaman niya tungkol rito. Matagumpay itong tao. Kaya sino ang mag-aakala na mukhang nasa thirties pa lang pala ang lalaki?
Bongga, nasa isip-isip ni Serena habang naglalakad sa aisle ng munisipyo kung saan sila ikakasal. Medyo na-conscious pa siya. Titig na titig kasi sa kanya ang lalaki habang papalapit siya rito. Pero hindi naman niya ito masisisi. Ganoon rin kasi ang nararamdaman niya. Isa pa, baka ngayon lang kasi ito nagkaroon ng pagkakataon para makita siya ng personal. Ngayon lang sila nagkita.
Naisip ni Serena, bakit siya mako-conscious? Bakit siya mahihiya? Alam ng maraming tao na malakas ang loob niya. Mataas ang self-confidence niya. Isa pa, bakit ba niya iisipin kung hind siya magugustuhan siya ni Caleb? Hindi iyon big deal sa kanya. Kiber. At siguro naman ay hindi niya kagaya si Caleb. Alam nito ang ginagawa nito. May sense of responsibility ito. Makikita rin naman iyon sa klase ng tindig nito. O puwede rin na mag-assume dahil sa success na nakamit nito sa buhay.
Pero kaya nga siguro affected si Serena ay dahil sa kakaibang pakiramdam na ibinigay sa kanya ni Caleb sa una nilang pagkikita. Natutulala siya habang nakatingin sa hard at lean na katawan nito. Halos dalawang metro lang ang layo nito sa kanya. Kitang-kita niya ang magagandang physical features nito.
Physically perfect si Caleb. Everything in him matched. Bagay ang may kaitiman nitong balat sa maitim na buhok. His brown eyes, pointed nose and full lips fit perfectly to his diamond-shaped face. Ang hindi lang nakikita ni Serena na "matched" at "perfect" ay siya sa tabi nito.
Pero kahit ganoon, hindi naman niya nakikita sa mata ni Caleb na hindi nito gusto ang ginagawa. Nakita pa nga niya na may ningning mula sa mga iyon. Sa hindi rin maintindihan na kadahilanan, bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Finally," wika ni Caleb nang maka-puwesto siya sa tabi nito. Hinawakan nito ang baywang niya. Bahagyang napalayo si Serena. Naapektuhan siya sa simpleng paghawak lang nito. Para siyang nakuryente.
Gusto ulit na mapakagat labi ni Serena sa nangyari para pigilin ang kanyang nararamdaman. Bago iyon sa kanya. Natatakot siya. But she tried to be a fight her fears. Binati niya ito. "H-hey,"
Ngumiti ang lalaki. Mas lalong natakot si Serena. Lumakas ang tibok ng puso niya. "You are beautiful,"
I don't blush! Sita ni Serena sa sarili para pigilan ang pamumula. Pero hindi niya pala kayang kontrol-in ang sarili. Kumalat na ang init sa buong katawan niya.
Serena is a socialite. Marami na siyang nakilalang lalaki. Pero ngayon lang siya naapektuhan ng ganito. And to think na ito pa lang ang unang beses na nakita niya ang lalaki!
Magiging asawa ni Serena si Caleb. Natural na maapektuhan nito ang buhay niya. Pero hindi niya inaasahan na magiging ganito katindi iyon.
Ah, nagulat lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Affected lang ako kasi hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Pagkukumbinsi ni Serena sa sarili. Tama naman iyon. Hindi siya nakapag-ready na ganitong sitwasyon pala ang kahaharapin niya.
"Thanks," simpleng sagot na lang ni Serena.
Wala ng narinig ulit si Serena mula kay Caleb. Sa mga sumunod na sandali, tanging ang boses ng mayor na nagkakasal sa kanila ang nagsalita.
"You may now kiss the bride..." Hindi katagalan ay narinig ni Serena mula sa mayor.
Nag-uumpisa pa lang na hawakan ni Caleb ang pisngi ni Serena ay parang lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib. Those full, red and looks so luscious lips will kissed her? God, hindi talaga siya ready. Pero sino nga ba ang nagsabi ng katagang unexpected things are the best?
Serena expects the worst. Ngayon ay nakuha niya ang best. Napapikit rin siya nang lumapat ang labi ni Caleb sa kanya. Magaan lang iyon.
And she likes it. His lips tasted sweet.
Pero hindi dapat maapektuhan nang bongga si Serena.
Pinagkasundo lang si Serena. O puwede rin na sabihing binili lang siya ng lalaki. Kaya hindi niya dapat iniisip na parang nakapasok siya sa fairy tale dahil prince charming pala ang palaka na in-expect niya. Malaki na rin siya para maniwala sa fairy tale. Hindi iyon totoo.
Walang happily ever after ang isang babaeng kagaya niya. Hindi rin naman siya prinsesa para mangarap. At nang kausapin siya ng ama ilang sandali pagkatapos ng seremonyas ay napatunayan niyang wala talagang fairy tale. Tanging real world lang ang mayroon. And her definition of it is a world full of pain and guilt.
Hindi kailanman matatakasan ni Serena ang mapait na mundo.
"Akala ko ay hindi ka sisipot." Bulong ng ama kay Serena. He excused her from Caleb. Gusto lang daw siya nitong batiin. Ito lang ang kilala niya sa iilan lang rin naman na dumalo sa kasal nila. Matagal ng patay ang kanyang ina at wala siyang kapatid. Wala rin siyang kaibigan na gustong imbitahan sa kasal niya.
"Wala ka talagang tiwala sa akin," iiling-iling na wika ni Serena.
"You can't blame me. Alam mo ang ginawa mo. And you are a rebel, Serena. Sana ay magbago ka na. Be a responsible lady that you should really be..."
Hindi nagsalita si Serena. Makahulugan ang huling mga salita na sinabi ng Daddy niya. Pero kung papansinin niya iyon, masisira lang ang araw niya.
Hindi gustong maalala ni Serena ang unang beses na naging iresponsable siya. Matagal na niyang pinagsisihan iyon. It's just that her beloved father would never learn how to forget about the past. Hindi pa rin naman niya nalimutan ang masamang naggawa noong bata pa siya. Mahirap. Ang nakaraan niya ang sumira hindi lang sa buhay niya pero sa buhay rin ng buong pamilya niya. But at least, she was trying.
Pinakawalan na si Serena ng Daddy niya. Inisip na lang niya ang kasalukuyan na sitwasyon...at ang kanyang plano.
Tama ang ama ni Serena. She is a rebellious child. Hindi na rin siguro pagtatakahan ni Caleb at ng mga tao sa paligid kung ipagpapatuloy niya pa rin ang tungkol roon. Mukhang matalino ang lalaki. Dapat naman ay nag-research ito tungkol sa kanya.
Kilala na dapat ni Caleb si Serena. Inihanda na dapat nito ang sarili sa isang rebellious wife.