Chapter 8 8
Syn.
Nasa sala ako ng bahay nila Shanti at naghihintay sa pagbaba niya. Hindi rin naman nag tagal at bumaba na rin ito.
Ngumiti ako sa kanya at ganon din siya, dating gawi. Susunduin ko siya at sabay kaming papasok.
"Tara na?" Sabi nito. Tumango ako at nilapitan siya at hinapit sa bewang.
"Ganda ng girlfriend ko." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.
Naiilang na ngumiti lang siya at naglakad na kami papunta sa sasakyan ko.
Tahimik lang kami buong byahe, siguro may ilangan parin naman. Hindi ako sanay na tahimik si Shanti, lagi kasi itong maingay at kinukulit ako.
Nakarating kami ng university at nauna siyang lumabas ng kotse hindi niya ako hinintay na ipagbukas siya. Nakakapanibago.
Napabuntong hininga ako, sabay kaming naglakad papasok ng University habang naglalakad kami inakbayan ko siya.
At nanibago nanaman ako ng hindi niya ako akapin sa aking bewang. Hindi ako sanay.
Kapag kasi aakbay ako sa kanya dati, agad niyang isisiksik sa akin ang sarili niya at aakapin nang mahigpit ang bewang ko.
Napabuntong hininga nalang ulit ako at nagsalita.
"Susunduin kita mamaya ah? hihintayin kita." Sabi ko sa kanya at pinisil ang malambot niyang braso. Tiningnan ko siya at nakita kong nakanguso siya at tumango tango.
"Okay." Ngumiti ito sa akin at nakarating kami sa tapat ng kanilang model room.
"Okay, mag aral tayo mabuti ah? Para sa future." Ngumisi ako sa kanya at napahalakhak siya.
"Para sa future." Sabi nito. Yumuko ako para sana halikan siya sa labi pero napigilan niya ako at nag iwas.
"Ano ka ba maraming tao oh staka daming nakatingin na babae nakakahiya." Sabi nito. Isa nanamang bagay na nakakapanibago at nagpakirot sa puso ko. Dati siya pa ang hahalik sa akin at pangangalandakan ako sa mga kababaihan na kanya lang ako pero ngayon tinangihan niya na ako. Nahihiya siya hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa simpleng pag iwas niya. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Okay pasok kana, I love you Shanti." Sabi ko sa kanya at nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya ang tatlong salita.
"Love you too Syn." Nakangiting sabi niya at pumasok na.
Weeks have past at ganoon parin siya sa akin. Parang wala lang ako sa kanya, hindi ko siya maramdaman and It's so fucking hurt.
Ang masaklap pa ay nasasaktan ako ng hindi niya alam.
Nakaupo ako sa isang upuan sa aming room ng tumabi sakin si Mark.
"Lalim ng iniisip ah?" Sabi nito.
"Wala lang ito." Sabi ko kahit alam kong hindi lang ito basta wala.
"Si Shanti ba?" Tanong nito at tumango ako.
"Naninibago ako kay Shanti." Napayuko ako.
"Paanong naninibago?"
"Hindi na niya ako kinukulit, hindi na niya ako hinahayaan na yakapin o halikan siya in public. Alam kong ang babaw pero tangina pre ang sakit!" Natahimik kami saglit.
"Kababati lang namin oo pero nasabi ko naman lahat ng totoo diba dapat ayos na ayos na kami? Diba dapat balik na kami sa dati pero bakit parang hindi naman." Napabuntong hininga ako.
Minsan ko nalang siya makita at kapag naman uwian at susunduin ko siya lagi na siyang nakakauwi dahil maaga daw natatapos ang kanilang klase.
Masakit kasi hindi na niya ako naantay kagaya ng dati, ilang minuto lang naman ang aantayin niya eh. Ayaw na ba niya akong kasabay at makasama?
"Diba yon naman ang gusto mo?" Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Diba yun naman yung gusto mo? Yung hindi na siya masyadong mag didikit sayo? Yung hindi ka na niya ipagmalaki at kinukulit lagi sa text? Yung hindi kana niya paghigpitan at bina-bakuran?" Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ito ba talaga gusto ko? Nagsalita ulit si Mark na ikinadurog ng puso ko. Damn him.
"Ayan na yon, ginagawa na niya. She is not your possessive girlfriend anymore." Bakit lahat ng sinasabi niya natatamaan ako? Naalala ko ang mga sinabi ko kay Shanti nung nagkasagutan kami.
Ang gago ko, ang sama sama ko. Oo nga naman bakit ba ngayon binago na niya ang ugali niya don ako nag rereklamo?
Diba ito naman ang gusto ko? Napapikit ako.
Ito ba talaga ang gusto ko? No. Fucking no.
Bakit ko ba kasi sinabi ang mga yon? Dahil sa galit? Napakasama ko. Sobrang sama ko.
"Mahal na mahal ko si Shanti at hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa akin para sabihin iyon sa kanya." Sabi ko kay Mark at napabuntong hininga.
"Yan ang lagi kong sinasabi sayo brad. Kapag galit ka, huwag na huwag kang mag sasabi ng mga salitang alam mong pagsisihan mo rin sa huli." Marahas akong tumayo, at iniwan si Mark mag isa sa Classroom na iyon.
I fucking missed her. I miss my possessive jealous girlfriend.