Chapter 2 2
Iyak ako ng iyak ng makarating sa bahay. Napakasakit naawa ako sa sarili ko.
Bakit ganoon siya? Nag rereklamo siya dahil clingy ako? Possessive? Palaging nag seselos at tamang hinala?
Tangina niya! Kung hindi ako mag seselos ibig sabihin lang non hindi ko siya mahal.
Lahat naman siguro ng girlfriend takot mag loko ang boyfriend diba? Takot kaming lokohin at iwanan.
Kaya kami, binibigay namin lahat ng pagmamahal tapos magsasawa lang sila? Mag sasawa lang sila kasi sobra namin silang mahal?
Dapat ba hindi? Dapat ba kapag mahal na mahal mo hindi mo dapat ipahalata o iparamdam na sobra mo itong mahal para hindi sila mag sawa at hindi nila hilingin na bawasan ang pagmamahal namin?
Napahikbi ako, ang sakit hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Na masasabi niya sa akin iyon.
Nung nakaraan pa siya ganyan eh. Nag simula na siyang iwasan ako, nag simula na siyang huwag pansinin ang text at tawag ko nagsimula na siyang mag lagay ng password sa cellphone at higit sa lahat nag simula na siyang iparamdam na wala akong halaga sa kanya.
Lagi itong may ka text pero kapag tinatanong ko kung sino kaibigan niya lang daw. Pero alam kong hindi, ramdam kong hindi.
Minsanan nalang kaming nagkakasama at palagi ko siyang nakikita na kasama ang blockmate nitong si Reya.
Ano bang nagawa ko? I'm just protecting what's mine. Pinaghihigpitan ko ito lagi akong nag seselos kasi mahal ko eh. Natatakot akong mawala siya.
Pero ngayon? Alam ko wala na. Ang sakit eh, nakakasawa na ikaw nalang lagi ang mag habol.
Babae ako dapat itinuturi akong prinsesa hindi niya dapat ako hinahayaang lumuhod sa harapan niya. Hindi niya dapat ako sinasaktan binabalewala pinapaiyak at pinapahabol.
Hindi ako aso na kayang mag pakatanga sa kanya na kaya siyang habulin kahit saan.
Isa akong babae na dapat pinapaupo sa isang tabi upang puntahan at hindi dapat iniiwanan at pinapahabol.
Ganito ba ang napapala naming mga sobrang mag mahal? Tinataboy at hinahayaan lamang.
Para kaming isang laro sa cellphone na kapag sawa ka na laruin ito basta mo nalang i-a-uninstall at parang wala lang na kakalimutan.
Kakalimutan na parang hindi kami nag pasaya sa inyo kahit minsan. Kakalimutan dahil tapos niyo ng laruin.
Ang sakit masaktan. Napakasakit.
I just want to stop loving him. Gusto kong mawalan ng pake sa kanya.
Pero paano? Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang kalimutan at hindi na pakialaman?
Hindi ko alam pero kakayanin ko. Para sa sarili ko kakalimutan ko siya, ang hiling niyang huwag ko na siyang mahalin ay gagawin ko.
Gagawin ko kung doon siya sasaya at kung doon ako makakalimot at liligayang muli.
Kung nakaya niyang gawin. Kayang kaya ko din gawin. Para na din sa sarili ko lalakasan ko ang loob ko kailangan ko maging matibay.
Kaya ko ito... Kayang kaya.
Sana nga...