Library
English
Chapters
Settings

Chapter 4: Pretend

Napabuntong-hininga si Jeanna habang tinitignan ang picture nila ng kanyang ex-boyfriend. She did everything to make him stay and keep their relationship going pero...

Napailing siya. After all these years, she still can't talk about it. Mahirap naman talagang lumabang mag-isa para sa dalawang tao at iyon ang pinakamalaking magkakamali niya. She thought she could do it alone, she could save everything as long as she held on. Pero mali siya at tapos na iyon.

Tapos na pero heto siya ngayon at ibinalik lang ang picture sa box kung saan naroon pa ang lahat nang merong kinalaman sa ex-boyfriend niya.

Balak na niyang itapon iyon... pero hindi pa ngayon. Sa tagal na ng mga taong lumipas, hindi niya talaga kaya. Hindi pa.

Ibinalik na lang niya ang box sa ilalim ng kama niya.

Tama na ang senti moment niyang iyon para sa umagang at hindi magandang sisimulan na naman niya ang araw niya na wala sa mood.

Siguro nga tama ang kuya niya na ipalinis na lang niya ang kwarto niya at 'wag sarilinin ang trabahong 'to. Kung ano-ano nga naman kasi ang nakikita niya.

Itatabi na rin sana niya ang mga picture album na pinunasan niya nang may malaglag mula loob. It's a picture of her and JL with Apollo on the far back.

Ang dalawang iyon ang patunay na wala talagang madali pero worth it pa rin.

Hindi naman niya itatangging gusto na rin niyang maging kasing saya ng bestfriend niya. Not being alone happy because she's already achieved her goals—gusto naman niya iyong may kasama na ring maging masaya. At their age, for her, this is the perfect time to get married and have a family. Imposible nga lang iyon sa kanya ngayon at kahit boyfriend ay wala siya.

It would also be unfair to the person who'll come in her life. Hindi pa siya maayos sa nakaraang meron siya.

Maybe that person should be the one who could help her really move on from her past.

Biglang sumagi sa isip niya ang lalaking—NO, NO, NO! Nagpromise siyang hindi na niya iisipin iyon!

Umiling na lang siya ulit at tuluyan ng iniligpit ang lahat-lahat ng inilibas niya.

No, Jeanna, hindi natin iisipin ang lalaking 'yun!

Pumasok na lang siya sa banyo at hindi na pinansin ang pamumula ng buong mukha. Kailangan na lang niyang bilisan ang paggayak.

Ngayon araw ay may date siya sa mga bata sa paborito niyang orphanage. Tuwing biyernes iyon ang nasa schedule niya. Minsan naman kahit anong araw basta bigla niyang naisipan, pupunta siya sa orphanage ng walang pasabi. Kilala naman na siya ng mga madre doon at natutuwa ang mga ito sa mga pa-surprise visits niya. Ilang taon na rin niya itong routine at talagang napamahal na ang mga tao doon sa kanya.

Naabutan niya pa ang kuyang niyang si Jeno na nag-aayos ng kanyang necktie.

"Ako na." Nakangiting sabi niya at nilapitan ang kuya. "May meeting ka? Sobrang late ka na naman."

Tumango si Jeno at natawa. "I do have a meeting, but I'm the boss—I can be late for a few minutes. I'll be home by nine. Ingat ka sa maghapon, okay?"

"Opo. Mag-iingat ka rin, kuya, okay? Pasalubong ko." Biro niya pa.

"Ano bang gusto mo?"

"Hmmm... Macarons."

"Sige. Anything else?"

Umiling siya at tinapik-tapik pa ang balikat nito. Ngumisi siya. "'Yun lang naman, kuya. Baka gusto mong mag-overtime ahem kay ate ahem at bukas na umuwi. Okay na okay lang din."

Napahalakhak na lang ito at tumango. "I'll buy you hundreds of macarons. May ipinadala rin akong box sa orphanage. Take pictures of the kids, okay? I miss them too."

"I will. Have fun, kuya!" Paalam niya at pumunta na sa kanyang kotse.

Hindi lang siya ang napamahal na sa orphanage pati ang kuya niya. Kung tutuusin ay ang kuya niya pa nga ang nagpakilala ng orphanage sa kanya. Simula noon ay naging malaking parte na ng buhay nila ang pagpunta at pagtulong doon.

The orphanage is the only thing closest to family for both of them.

* * * * * * * * * *

Nang makarating si Jeanna sa orphanage ay agad na sumalubong sa kanya ang mga batang naglalaro sa labas. She couldn't contain her smile and laughter when they swarmed her.

"Ate Anna!" Sigaw ng mga batang excited na excited sa kanya.

"Hi kids!" Nakangiti niyang bati. "Kamusta? Namiss ko kayo!"

Ang batang may hawak na teddy bear ang sumagot. "Thank you, ate, kasi po nandito na kayo. Namiss ka din namin tsaka may ipapakilala ate sayo! Bagong kuya po namin siya..."

Napakunot ang noo niya. "Kuya? Sinong ku—"

"Anna! Tamang-tama! Miss na miss ka na ng mga bata. Halika, hija, pumasok ka muna. Magpapatulong tayong ipasok 'yang mga dala mo." Bungad ni Sister Mariya sa kanya.

Si Sister Mariya ang isa sa mga madreng namamahala sa mga bata. Siya rin ang pinaka-close nila dahil ito ang nagsisilbing nanay-nanayan nila ni Jeno. Sumunod siya dito kasama ang mga bata.

"Pasensya na, Anna, at masyadong malilikot ang mga bata ngayon. Ang kukulit pa rin talaga!" Pati ang mga mata ni sister ay nakangiti sa pagkukwento. "Pero hindi ko sila masisisi dahil lahat naman kami dito, sobrang saya talaga at hindi mapakali sa isang tabi. Dumating na kasi 'yung bago nating sponsor!"

"Bago pong sponsor? 'Yun po 'yung sinasabi nilang kuya?"

Tumango ulit si sister. "Oo siya 'yun. Nga pala dumating din 'yung box na galing sa kuya mo. Lalo tuloy natuwa 'yung mga bata. Kahit nakapag-usap na kami kanina sa telepono, hija, sana ikaw na ang magpasalamat sa personal sa kuya mo."

Nagpatuloy lang si sister sa pagkukwento at siya namang tinitignan ang mga batang naglalaro sa labas. Nagkape na rin muna sila ni sister.

Inilapag niya ang tasa ng kape nang may mahagip ang mga mata niya sa labas. Napakurap-kurap at tinampal pa niya ang sarili pero hindi siya namamalikmata. "What the..."

Napahinto si sister. "Ano iyon, hija?"

"A-Ah, sister, sino po 'yung nasa labas? Siya po ba 'yung..."

"Oo, hija. Bakit 'di ka muna lumabas at makipaglaro? Kanina pa nga siya nandito at mukhang nasisiyahan talaga siya sa mga bata. Naikwento na kita, hija, at mukhang gusto ka rin niyang makilala. Sakto at may activities tayo ngayon. Dadating na rin ang mga bagong volunteers natin."

Agad naman siya nagpaalam na lalabas na muna siya para makipagkilala na nga sa bagong sponsor ng orphanage.

Para siyang binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Kinusot niya pa ang mga mga maya. Hindi talaga siya namamalik-mata!

Talagang nandito ito.

Umakyat na yata ang lahat ng init sa mukha niya. Matapos ang lahat-lahat ng nagawa niya... Hindi na niya alam kung paano pa ito haharapin!

Images from that faithful night flashes in her mind.

Kulang ang sabihing kainin na sana siya ng lupa! Sigurado siyang pulang-pula na ang mukha niya at kapag nga naman minamalas siya...

His eyes met hers and he grins.

Oh heavens above.

* * * * * * * * * *

Kieth have been planning to this for a long time and he only had the time now. Ilang beses na niyang pinlano pero ngayon lang talaga natuloy.

His almost scolded him for taking so long but at the same she told him how proud she is. Sa wakas daw ay natuloy na ang pagiging sponsor niya sa paborito nitong orphanage.

He and his company have already done so much charity works and donations over the past years. Pero gaya nga ng sabi ng kanya ina, iba pa rin kapag personal niya itong ginawa.

A nun welcomed him.

Lumabas na siya at magalang na bumati. "Good morning, sister. I'm Kieth Montelvaro. 'Yung humabol pong magpalista sa mga activities ngayon."

"Ah! Ikaw pala si Kieth. Siya, hijo, nagsisimula na ang mga activities natin." Masayang sabi naman ng madre.

Nasabi niyang may mga dala siya kaya naman nagpatulong siyang maibaba ang lahat ng iyon.

He went to the garden where the venue is on-going.

"Kuya! Kuya! Bago po kayo dito?" Tanong ng isang batang babae sa kanya habang hila-hila ang dulo ng tshirt niya. "Ako po si Angeli. Ikaw po?"

Napangiti siya.

Wala nansilang nakakabata pang pinsan sa side nila sa Montelvaro. Lalong-lalo namang wala pa siyang pamangkin. One reason why he really wanted to do this for a long time is that he wanted to be around kids. It's something he and his cousins have—fondness ober children.

"Hi, Angeli. I'm Kuya Kieth. Oo, ako ang bago niyo kuya dito."

"Ang galing naman po! Parang complete na po kasi may ate na kami at saka ngayon po may kuya naman! Sana po makilala niyo si Ate Anna!"

"Anna?" May kung anong kumislot sa kalooban niya.

"Opo. Siya lang po kasi 'yung ate namin dito. 'Yung iba po kasi nanay o mommy o mama o lola. Si Ate Anna lang po ang ate namin ngayon."

Why is suddenly having chills with a mere mention of this Anna woman? Damn. He's not sure what's going to happen.

"Nasaan si Ate Anna?" Hindi na niya mapigilang itanong.

Curiosity kills the cat. Curiosity will kill you, Montelvaro.

Tinuro ng bata ang bandang likod ng garden. "Kaya lang, Kuya Kieth, may kausap po siyang ibang bagong kuya. Hindi ko po siya gusto pero madami po kasi siyang dalang toys na binigay kanina. Pero ayoko po talaga siya, Kuya Kieth. Kita ko din po na ayaw sa kanya ni Ate Anna kanina pa kasi biglang na-sad 'yung eyes niya."

Something immediately felt off. "Bakit ayaw mo siya?"

Nagkibit-balikat ang bata at itinaas ang stuffed toy na dala nito. "Gusto niya po kasing kunin kanina si Gel. Sabi niya papalitan daw po niya ng mas malaki pero ayaw ko po. Bad guy po siya. Ayaw ko po siya. Kayo po ba? Kukunin niyo rin po ba si Gel?"

"Hindi, but if you want we could get Gel a baby brother."

Naaaliw si Kieth sa saya ni Angeli. Gusto niya sanang makilala kung sino man ang tinatawag nitong Ate Anna pero nawili na siya sa pakikipaglaro sa mga bata.

"Kuya Kieth ako din po, pabuhat!" Sigaw pa ng isang bata na agad naman niyang binagbigyan.

Natutuwa siya sa ganito. Namimiss na rin kasi talagang niyang magkaroon ng batang kapatid, o kaya naman basta basta bata ss pamilya nila. Kyren, his only brother, is already turning eighteen and it's been years since things like this were too impossible to happen again.

"Carlisle, please ayoko!"

Napahinto siya pakikipaglaro nang marinig ang sigaw na iyon. Pati ang mga bata din ay nabahala pero agad niyang sinabing siya na ang pupunta roon at wala silang dapat ikabahala.

Anna... Jeanna.

Hindi na siya nasorpresang nagkrus na naman ang landas nila gaya nito. Ang mas hindi niya inaasahan ay makita itong malapit umiyak dahil sa kung sino mang lalaking kausap nito.

Jeanna's gaze landed on him. Wala na rin itong panahong magulat na nandito rin siya. She didn't say anything—her eyes were enough plea.

"I've been looking everywhere for you, sweetheart. Everything alright?" Kalmadong sabi niya.

Hindi nagdalawang-isip ang dalaga at naglakad nga papunta sa kanya. "Y-Yes. I-I didn't meant to shout."

His hand automatically finds its way to pull her closer to him. Ramdam na na ramda niya ang panginginig nito. "Is he bothering you?"

"N-Not really." Ibinalik ng dalaga ang atensyon siya sa binata. "Carlisle, this is my boyfriend..."

"Kieth." Bulong niya.

"Kieth. Kieth, this is Carlisle." Sa kanya na muli ang tingin ng dalaga. "N-Nakwento ko naman na siya sayo, 'di ba?"

Nakatitig lang siya sa dalaga. "Pleasure to finally meet you, Carlisle. I'm Kieth Montelvaro."

He heard the guy scoff. Whatever. That guy can fuck off.

It isn't the right time to remember the night of the party but what he said then is true—he was never been affected by any woman. Not like this. Not how Jeanna affects him in all different ways.

It makes him hell out mad for whatever this guy has done to her and something in him wants to crush him down. He would do everything, anything Jeanna would ask him now.

Funny, he barely know Jeanna and he can already feel the weight of his words.

"G-Gusto ko nang umalis." Bulong ng dalaga.

Tumango siya at inalalayan ito paalis.

Jeanna, you're messing my life even more.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.