Chapter 1: Stilettos
Napangiti si Jeanna habang binabasa ang wedding invitation na sa kanyang harapan. Sa lahat ng wedding invitations na pwede niyang matanggap, heto na talaga ang pinaka-inaabangan niya—itong galing sa pinakamatalik niyang kaibigan.
'Apollo Dimitri Ashford & Jean Lorianne Gallia Grey'
Sa wakas nga naman at sa tagal ng hinintay niya, ikakasal na talaga ang bestfriend niya sa lalaking mahal na mahal nito. God knows how long they really waited for this. Kung iisipin ay napakarami pa ngang beses na muntik-muntikan na talagang walang mangyaring ganito. Masaya na lang talaga siyang natutupad na ang pangarap ng bestfriend niya.
"So, ikakasal na talaga si Jean-Jean." That would be her Kuya Jeno.
Hinarap niya ito at nginitian nang pilya. "Ikakasal na ang long-time ex-crush mo, my dear older brother. How are you doing?"
"Sira." Natatawang ginulo ni Jeno ang buhok niya. "Naka-move on na ako."
Noong nasa highschool pa lang silang magbestfriend, maging hanggang college, alam na alam ni Jeanna kung paano minahal ng kuya niya ang bestfriend niya. Nagkaalaman lang noong biglang nawala si Jean at nang magpasya itong bumalik, kasa-kasama nga nito ang kuya niya.
Pero sadyang mabilis lang talagang tumakbo ang oras. Kaya naman kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa, hindi talaga kayo ang magkakatuluyan. Masakit man sa kuya niya, kinailangan nitong tanggapin na ang Jean na minahal niya ay para lang kay Apollo Ashford.
Mabuti na nga ngayon na nakikita niya at halata namang masaya na talaga ang Kuya Jeno niya para sa kanyang bestfriend. Nawala na ang kabisado niyang lungkot sa mga mata nitong titignan si Jean kahit sa malayo.
"Ikaw, kuya, kailan ka ba magpapakasal?" Biro niya at nagpabuhat sa kuya.
Natawa na lang si Jeno na ipinasan siya. Naglakad ito papunta sa garden nila. "Soon."
"Soon? Ano 'to? Parang movie lang na 'Coming Soon' pa sa sinehan?" Pang-aasar niya.
Lalo iyong nagpatawa sa kuya niya. Ibinababa siya nito para makaupo sila sa isang outside sofa nila. "The topic was never opened. I never even had the chance to open it. Ni hindi ko alam kung magpapakasal nga ba sa'kin ang ate mo. Natatakot pa ako na baka hindi pa siya handa para doon."
Napangiti na lang siya doon. This is one of the reasons why she really is convinced that Jeno is genuinely okay and happy. She doesn't mind joking about Jean to her kuya because she knows how much his woman means to her and that wonderful woman knows that, too. Ito lang ang nag-iisang babaeng nakatagal sa baliw niyang kuya.
"Only one way to find out. Bakit hindi mo na kasi tanungin? 'Wag na matakot!"
Jeno chuckles and shakes his head. "That's not easy but, damn, I wish it was."
"Don't you love her enough to be tough or have the guts to ask her?" Ihinilig niya ang ulo niya sa balikat ng binata.
Napabuntong-hininga na ang binata at inakbayan siya. "I love her so much, Jeanna. So much. But I think she deserves better. Wala naman akong ginawa kundi saktan siya."
Ilang beses na nga bang sumugod sa kanya ang kasintahan nito para lang umiyak? Ilang beses na nga ba itong nagpumilit na ngumiti at tumawa sa tuwing kasama niya ito? Ilang beses na nga ba itong kamuntikan nang sumuko? Ilang beses na nga ba itong nawalan ng pag-asa sa kuya niya?
"Kuya, wala ng iba pang mas makakapagpasaya sa kanya kundi ikaw lang." Napangiti siya sa mga naalala niya.
Kahit na nga ba ilang beses na niyang nakitang nasasaktan ang babaeng nagmamahal sa kuya niya, sinabi na nitong balewala ito. "Because when you love someone, every little details on the road, every bumps and humps along the way, all of it are counted. Everything is worth it", she said it to her with her eyes full of love. Mga katagang nagpatunay na mahal na mahal nito ang kuya niya. Kasal na lang talaga ang kulang dahil alam niyang kahit na nga ba sinasabi ng kuya niyang may ibang deserving dito, ginagawa naman nito ang lahat para maging ang taong deserving na sinasabi nito.
"Mahal na mahal ka ni ate." Dagdag niya.
"You really think so?" Tila nabawasan ang kuya niya ng alalahanin.
She nods enthusiastically. "Baka nga sapakin ka pa ni ate kapag narinig niya 'yang lame excuse mo na you don't deserve her! Ang drama! Besides, siya lang ang makakasagot kung ready na siya o hindi pa. Kaya nga ask her na!"
Napuno ng tawanan ang garden nila. Isa ito sa mga gustong-gusto niyang moments kasama ang kuya niya. They grew up really close with each other and she couldn't imagine her life not being like this with her brother. Tuwing naiisip niya pa lang na napapagaan niya ang loob ng kuya niya, gumagaan din ang pakiramdam niya.
"Ikaw ba? Kailan ka magpapakasal?" Pagbabago ng topic ni Jeno; siya na ngayon ang may pilyong ngisi.
Doon siya napalabi. "Kasal ka diyan, kuya! Hahanap muna ako ng boyfriend!"
Nakakaloko ang naging halakhak ng kuya niya. "I really doubt it. Ang suplada mo kasi! Mukhang magkakaroon pa ako ng aalalahaning matandang dalaga sa future."
Hinampas niya ang braso ni Jeno. "Ang sama mo! Hindi naman ako suplada 'no!"
As far as she can remember, she's never that cold and mean towards men. Kahit na nga ba ilang taon na din siyang walang boyfriend, hindi niya talaga mai-consider ang sarili niyang suplada. Okay, maybe a little but not totally suplada. Matapos kasi ang huling break-up niya, tila nawalan na siya ng gana. She wouldn't even need to go out and find herself a man—daig pa nga niya ang isang highschool sweetheart sa mga binatang nahihilig magkamaling ligawan siya. Wala lang siguro talaga siya sa wisyong magkaroon ng isa pang lalaki sa buhay niya ngayon. Sapat na muna ang sakit sa ulong kuya niya.
"Anong hindi? Natatakot nga lahat ng staff natin sa restaurant sayo." Biro ng kuya niya.
Naupo muna siya nang maayos bago sinuntok ang braso nang tumatawa niyang kuya. "Paano ako hindi magagalit sa kanila? Nagmana kaya sayo mga staff natin."
Manager slash owner kasi siya ng isa sa mga restaurants nila. Actually, quiet type nga siya pero malaro ang mga staff niya kaya naman nagagalit siya. Manang-mana sa kuya niyang pasaway din. Not that it is a bad thing, siguro nga ay talagang suplada lang siya.
See how confused she is with herself?
"Let them have fun! Loosen up! Ang strict mo naman kasi!" Nakatawa pa rin ang si Jeno.
Napairap na lang siya. Alam niya namang tama rin ang kuya niya.
"Oh, before I forgot, tumawag si Jean-Jean. Magkita daw kayo. She couldn't contact you because your phone was off."
"Really?!" She almost jumped because of her sudden excitment and the same time slap her forehead for forgetting to charge her dang phone.
Iyon naman kasi ang gagawin niya kung hindi siya na-distract sa wedding invitation ng bestfriend niya!
"Oo nga." Nangiti na lang ngayon ang kuya niya. "Doon daw kayo magmeet sa boutique ni Miss H."
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at kumaripas na ng takbo papunta sa kwarto niya. Matagal-tagal na rin noong huling magkita sila ng bestfriend niya sa personal sa sobrang dami ng nga nangyayari. Both of them were so busy that their schedules never meet. Ang hirap pa naman kumuha ng appointment at makihati ng oras ng isang artista.
She immediately found her charger and plugged her phone—she's excited to finally see Jean again!
* * * * * * * * * *
"JL!" Sigaw ni Jeanna nang makita ang bestfriend niyang si Jean Lorianne sa tapat mismo ng boutique ni Miss H.
"Jeanna!" Sigaw din ni Jean at agad na tinanggap ang yakap niya.
Para silang mga batang nagtatatalon habang magkayakap sa tuwa. No one can blame them if they were this excited! Halos kulang kalahating taon na noong huli silang magkita.
JL is one of the top actresses slash models in the country. Kahit na nga ba gustuhin nilang magkita, sobrang noon lalo na at literal na maraming camera ang nakasunod sa kaibigan nila. One tiny, wrong move and those shameless paparazzis can make a bigass scandal. Isa pa, kabubukas rin ng bagong branch ng resto nila at siya ang namahala noon sa mga buwan na lumipas. Though they kept in touch, iba pa rin kapag sa personal.
The only difference now is that JL is getting married and nothing can come in between everything she wants to do.
"Grabe! Blooming na blooming ka, bestfriend!" Puna niya nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.
Lalo namang namula ang pisngi ni JL. "Grabe! Medyo lang, bestfriend! Wedding charms na lang din siguro at excitement. Can you believe it? It's really happening na!"
Matapos ang batian at konting palitan ng mga ganap, pumasok na rin sila sa loob ng boutique ni Miss H. Miss H is a renowned designer and a fashion Goddess. Wala yatang hindi nakakakilala sa larangan nito sa fashion at showbiz industry.
JL might not mind anything else right but she herself did choose to go to a small branch of this boutique. Pwede naman silang pumunta sa mall para sa branch din doon pero kaligtasan muna talaga ng bestfriend niya ang priority.
"Ano palang bibilhin natin dito?" Tanong niya habang naiikot-ikot na sila.
"Stilettos. Naputol ko kasi 'yung takong ng isa kong black stiletto, my goodness! Binalibag ko 'yun kay Apollo ko kaya para hindi na ako galit, binigyan na lang niya ako ng pambili ng bago." Casual na casual na sabi ni Jean na para bang araw-araw silang nagbabatuhan ng stilettos ni Apollo.
Natawa siya doon. "Bakit mo naman kasi binato ng stiletto mo? Nakakaloka!"
"Nakakaloka talaga! I mean, inamin niya kasi na-in-loved siya kay Tita Marceline." Nakalabing sagot nito.
Lalo lang siyang natawa. Ibang klase talaga kung magselos ang bestfriend niya. She do remember that woman she mentioned. "Kawawang Apollo. Bakit naman kasi bigla-biglang umaamin ng ganong bagay?"
"Tinanong ko siya."
Hindi niya ba alam kung kanino siya matatawa. Sa baliw niya bang bestfriend o sa kawawang honest fiancé nito.
Tumanggi muna sila pansamantala sa assistance ng saleslady dahil mas gusto ni JL na mahanap ang magugustuhan niya. It wouldn't hurt that she's also choosing her own pair. It's really her time to spoil herself again with a new pair of killer stilettos.
"Wala pa rin ba?"
Naguluhan pa siya noong una siya tanong ni JL pero mukhang ang lovelife lang niya ang tinutukoy nito. Laging iyon lang naman ang kinauuwian ng usapan nila. She and her non-existent lovelife.
"Wala. Ihahanap mo na ba ako?" Biro niya.
Tumango naman ang dalaga na akala mo hindi nagbibiro. Seryosong-seryoso pa ang mukha nito! "Ang unang lalaking papasok dito... I'm sure na siya na ang hinihintay natin para sayo!"
"Okay, deal." Sakay niya naman sa trip nito.
Napangisi naman si JL at sa itsura ng nito, mukhang hindi talaga ito papatalo. Gusto niya na lang matawa dahil malabong mangyari ang gusto nito dahil wala namang Men Section sa boutique branch na ito.
"Hoy, JL!" Pauna na niyang banta dahil bigla siyang kinabahan sa lalong seryosong pag-aabang ni JL sa mga papasok.
Napahagikgik pa ito. "Hoy ka din. Seryoso ako."
Napailing na lang siya at inalis sa isip niya ang kaba. It would really be close to impossible that some straight dude will be here now. Pero na-miss niya ang ganitong kalokohan ng bestfriend niya. Minsan na lang ito kaya mas masaya kung sasakyan na lang din niya.
"Oh, sige. 'Yung unang lalaking nandito sa loob ng shop, ibibigay mo sa'kin. Ibibigay mo 'ha. Except naman na syempre sa taken na at may kasamang iba. 'Yung hindi rin beki." Paghahamon niya.
"Sure." Kampanteng-kampanteng sagot naman ni JL.
Napailing na lang siya at pinagpatuloy na lang ang paghahanap ng sariling pair ng stilettos. Confident naman siyang walang papasok na lalaki dito maliban sa mga nasa kondisyon na kasama niya. It's either he would be with someone or he's gay.
"Here it is." Natutuwang sabi ni JL at inabot ang black shining shimmering stilettos na napili niya. "Kahawig nito 'yung binalibag ko kay Apollo ko. Magtatanong lang ako ng size."
Tango na lang ang isinagot niya at hinanap naman ang magugustuhan niya. Marami kasing choices.
May black, may silver, may white, may neon...
Sa lahat ng kulay na meron, isang pair of red stilettos lang naman pala ang katapat niya.
Aabutin na niya ang napusuan niyang stilettos ng biglang may sumabay na kamay sa pagkuha niya noon.
"Akin 'to—"
"Nope, I got it. Ako ang nakakuha kaya naman ako ang bibili."
Lalong nanlaki ang mga mata niya. Hindi dahil daig pa siya nito sa katarayan kundi... LALAKI ito!