9
NAKAHINGA nang maluwag si Jaxon nang makitang hindi na ganoon kapula ang buong katawan niya sa salamin. Humupa na ang allergy niya. Nagpasalamat rin siya na hindi naman iyon ganoon kasama kagaya ng mga karanasan niya dati. It just took him a day to recover.
Nakangiti na lumabas si Jaxon ng kuwarto niya. Dumiretso siya sa dining room. Gutom na siya. Hindi kasi siya masyadong nakakain kahapon dahil sa pag-iisip ng kalagayan niya. Alam niya na magiging maayos sana siya kung nagpa-ospital siya. Pero kahit Doctor, madalas na pinaniniwalaan pa rin niya ang power of natural healing. Nagpahinga siya at umasa na mawawalan rin naturally ang allergies niya in time. Thankfully, effective naman iyon.
Kaya lang, nawala rin ang ngiti ni Jaxon nang makita ang tao sa kusina. Bagaman nasasanay na siya na mahawa sa magandang ngiti nito, nahihirapan siyang ibalik iyon dahil nakita ang pagkain sa lamesa---pastries! Hindi pa man niya sigurado kung sino ang naggawa, alam na agad niya kung sino ang salarin.
"Good morning," Nilapitan pa siya nito at inalalayan sa pag-upo sa table. "Mabuti naman at okay ka na,"
Tumango si Jaxon. Tumingin siya sa nakahanda sa lamesa. "I cannot eat these food,"
Hinawakan ni Daphne ang balikat niya. "Don't worry. They are eggless,"
Kumunot ang noo ni Jaxon. Naging guilty naman ang ekspresyon ng mukha ni Daphne. "I'm really sorry for what happened, Doc. Kung alam ko lang, sana ay gumawa na lang ako ng pastries na puwede naman na gamitan ng itlog,"
"Puwede ba 'yun?"
"But of course," Ngumiti na ito. "Try it,"
Kinakabahan man ay tinikman ni Jaxon ang pastry. It tastes so good. Pero hindi niya masigurado kung wala nga ba talaga iyong itlog. Kailangan niyang magtiwala. After all, gusto siya ni Daphne. Hindi naman siguro siya ipapahamak ng babae.
"Thank you. Masarap,"
"Thank you rin. But I wish you could have told me about your allergy,"
"I-I do not want to offend you,"
Lumabi si Daphne. "Mas na-offend ako kasi hindi mo sinabi. Feeling ko tuloy nasayang lang 'yung efforts ko dati. But anyway, it's done now. Lesson learned na lang. Isa pa, kasalanan ko rin naman. I didn't do a research,"
"You don't have to. Hindi mo naman rin kasi ako kailangang ligaw---"
"Sshhh..." Pinatahimik siya ni Daphne. "I want to do this. I-enjoy mo na lang, okay?"
Natahimik si Jaxon. Inasikaso na siya ni Daphne at hindi naman niya ito tinanggihan. He felt special. Pero hindi pa rin niya maiwasan na ma-bother.
Hindi niya gustong mapalapit kay Daphne. She was too sweet, innocent and fragile. Hindi ito bagay sa kanya. Alam niya rin sa huli na masasaktan lang niya ito. Playboy siya at masaya siya sa status niya na iyon. He can't see himself changing just because of a girl.
Kaya lang, bakit nga ba nahihirapan siyang i-reject si Daphne? Somehow, nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Alam niyang maraming babae ang willing na ligawan siya at bigyan siya ng ganoong espesyal na atensyon. Pero si Daphne lang talaga ang parang gusto niyang pagbigyan. Hindi niya ito ma-reject.
Maraming tanong si Jaxon sa isip. Pero parang mas gusto niyang sundin na lang muna si Daphne---he will enjoy her chase.