6
"HELLO po, Tita..." Nakangiting bati ni Daphne kay Mrs. Janna Harris---ang Mommy ni Jaxon. Dahil ayaw pa ng Mommy niya na magresume siya sa trabaho ay naisipan niyang dalawin ang kanyang "future mother-in-law". Isa pa, isa sa mga plano niya ang makipag-close sa Ginang para mas makakuha siya ng tips para ma-reciprocate ang nararamdaman niya. Kailangan niyang magpalakas rito.
"Oh, Hello Daphne!" Mukhang nasorpresa ang babae pero makikita rin naman ang saya sa mukha nito nang makita siya. "What brings you here?"
Itinaas ni Daphne ang bitbit niyang box. Nagbake ulit siya ng cupcakes para ibigay sa pamilya ni Jaxon.
"I see. And I also see that you are looking better now," Tumingin ito sa wala ng cast na kamay niya. "That's good. Pero teka, pumasok ka pala muna..."
Once again, nakapasok na naman si Daphne sa loob ng magandang bahay ng mga Harris. Pinaupo siya sa sala at pinaghanda pa ng makakain ng Mommy nito. She felt very welcome.
"Thanks po," wika ni Daphne nang mailagay sa harap niya ang pagkain.
"It's nothing. I have to thank you more for the cupcakes. They are my favorite! I'm sure it will be so good,"
"Palagi ko po na dinadalhan si Jaxon. Hindi po ba kayo nadadalhan sa bahay?"
"Ha? Naku, hindi, eh. Ang nakain ko lang 'yung dinala mo nang dumalaw ka sa bahay. Wala rin siyang naikukuwento na nagbibigay ka pa rin pala,"
Dalawang bagay ang pumasok sa isip ni Daphne---a positive and negative point. Ang positive ay dahil sa nauubos ni Jaxon ang mga bigay na cupcakes niya. Pero medyo malabo rin dahil minsan niyang nakita na pinamigay lang nito iyon. Ang pinaka-negative naman ay mukhang hindi talaga siya importante sa binata dahil hindi man lang siya naikukuwento nito sa ina na dapat ay importanteng bahagi ng buhay ng lalaki.
Nalungkot na naman si Daphne. Mukhang nahalata naman iyon ng Ginang. "But I'm sure, sobrang nagustuhan niya siguro. Baka kulang pa nga kaya hindi na siguro siya nakakapag-uwi," Medyo awkward ang ngiti ng Ginang. It gives Daphne an impression that what she said was a lie. After all, alam naman niya ang totoo.
"M-maybe I should try harder," pangpapalakas ng loob ni Daphne sa sarili. May mga pagkakataon na nawawalan na nga siya ng pag-asa. Hindi siya sanay na ma-reject. Pero kung susuko siya, ano nga ba ang mapapala niya? Masasaktan lang siya. Lalong walang mangyayari sa pagsinta niya.
"Uhmm... Maybe. Pero teka, nasabi mo nga pala na lagi mo siyang dinadalhan ng cupcakes 'di ba?"
Tumango si Daphne. "Pero baka nga kulang pa po iyon. I must make more pastries." Ngumiti na ulit si Daphne. Hope rises in her again. At gusto at kailangan rin niyang itatak sa isip na kung talagang determinado siya sa gagawin ay palagi siyang may pag-asa.
"Maybe. Pero sa tingin ko ay dahil---"
Tumayo na si Daphne. "No. Don't say things anymore, Tita. I will manage. Gusto ko si Doc Jaxon at gagawin ko ang lahat para magustuhan niya rin ako. I will not lose my hope."
Natulala sa kanya ang Ginang. Nagpaalam na siya rito pero halos tulala pa rin ito. Mukhang may gusto pa itong sabihin pero dahil ayaw na niyang marinig ay pinuputol niya ang sinasabi nito. Natatakot kasi siya na baka something negative iyon at maapektuhan rin siya in a negative way.
Lumabas si Daphne ng bahay na napupuno ng pag-asa ang puso.