Library
English
Chapters
Settings

3

"'WAG mong pagurin masyado ang sarili mo, Anak..." wika ng Mommy ni Daphne nang makita siya nitong nasa kusina. May pag-aalala ang mga matang tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kaliwang balikat niya. "Kailangan mo pa ng ilang araw para maka-recover,"

"I'm fine, mom. Don't worry," Nakangiting nilingon rin naman ni Daphne ang ina.

"But you make me worry. Hayaan mo na muna na ang mga kasambahay ang gumawa ng cupcakes na 'yan. Marunong naman sila. Magpahinga ka na muna sa kuwarto."

"Mom, I know it's not a good accident. Pero maganda naman ang prognosis ng operation ko. Puwede na nga daw tanggalin ang cast ko sa susunod na linggo 'di ba?"

"Pero habang naka-cast ka pa, ayaw ko ng nagtatrabaho ka. Hindi naman tayo maghihirap kung hindi ka magtatrabaho,"

"Kaunting cupcakes lang naman po ito. At hindi ito trabaho," Nagningning ang mga mata ni Daphne habang iniisip ang dahilan ng pagbe-bake. "I'm doing this for love..."

Niyakap siya ng Mommy. "Dalaga na talaga ang baby ko,"

Daphne giggled. Twenty one years old na siya pero kung ituring siya ng Mommy niya at ng iba pang member ng pamilya niya ay parang baby pa rin siya. She was very cherished and loved. Bunso kasi siya at nag-iisang anak na babae. Akala rin ng mga magulang niya ay hindi na siya darating sa buhay ng mga ito dahil pitong taon ang pagitan nila ng nag-iisa rin naman niyang Kuya Dwight. Gustong-gusto rin ng mga magulang niya ng anak na babae at sabik naman sa kapatid ang Kuya niya.

Hindi lang baby si Daphne ng pamilya. Prinsesa rin siya. And she is always thankful for her family. Napaka-suwerte niya sa mga ito. Kaya naman kahit minsan ay parang OA na ay iniintindi na lang niya. Mahal at in born na rin kasi yata ang pagka-sweet ng pamilya niya. Naiintindihan niya rin ang pagpipigil at pag-aalala nito sa kanya. Matinding aksidente rin naman kasi talaga ang nangyari sa kanya mahigit isang linggo na ang nakalilipas. She was involved in a vehicular accident. Habang nagda-drive siya sa intersection ay may humaharurot na sasakyan na bumangga sa kotse niya. Tumagilid ang kotse niya. Nagtamo siya ng ilang sugat sa ulo at katawan at kailangang operahan ang kanang kamay niya dahil malaki ang naging bali sa buto niya. But she was still lucky na ganoon lang ang nangyari. Babalik din daw ang lahat sa normal.

"Okay lang naman 'di ba, Mommy?"

"Hmmm... Okay lang. Pero 'wag mo ka na nga muna na mag-bake. I'm sure naman na maiintindihan ni Doc Jaxon kung hindi mo gawa ang mga binibigay mo sa kanya,"

"Ayoko. Mas gusto ko na ako pa rin ang magbe-bake. Baka hindi niya nagustuhan ang b-in-ake ng staff natin na cupcakes kaya hindi pa ako nakaka-receive ng callback sa kanya,"

Tinitigan siya ng Mommy niya. "Sigurado ka na ba talaga dito sa gagawin mo?"

"Yes, Mom! I'm in love. Akala ko ba okay lang?"

"Okay lang nga. Kaya lang, gusto ko lang malaman mo na hindi lahat ng nag-work sa amin ng Daddy mo ay magwo-work rin para sa 'yo,"

Tumango si Daphne. Naiintindihan naman niya ang gustong iparating ng Mommy niya. Pero gusto niyang maniwala na kagaya ng magic ng love story ng Mommy at Daddy niya ay puwede rin na mangyari iyon sa kanya. After all, parang parehas sila ng naging scenario ng Mommy niya.

Unang na-in love ang Mommy niya sa Daddy niya. It was actually a love at first sight. Pero hindi pinapansin ng Daddy niya ang Mommy niya noon dahil ubod raw ito ng suplado. Kaya naman ang Mommy na niya ang gumawa ng move---niligawan nito ang Daddy niya.

Hindi naging madali ang panliligaw dahil sa ugali ng Daddy niya. Pero nakuha ng Mommy niya ang loob nito through his stomach. Isang pastry chef ang Mommy niya. Araw-araw nitong pinagbe-bake ng cupcakes at kung anu-ano pang pastry ang Daddy niya hanggang ma-in love na rin ito sa isa't isa. Now, they are almost thirty years married. Saksi siya sa magandang samahan ng mga ito. Kahit kailan nga ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. They were still madly in love with each other.

Daphne wanted a love like her parents. Kaya naman nang maramdaman ang unang pagtibok ng puso niya ay inalis niya ang lahat ng hiya sa sarili. Nang makalabas ng ospital at masasabi niyang kaya na niyang lumabas-labas ay binisita niya kaagad si Doc Jaxon. Hindi man niya maalala na nagkita sila sa personal dahil wala siya sa sarili noon ay iba ang impact sa kanya ng naging viral nilang video habang high siya sa anaesthesia. Sa halip na mahiya, she find it so cute, amusing and beautiful. Sa tuwing pinapanood rin niya ang video ay masarap sa pakiramdam ang tibok ng puso niya kapag nakikita ang lalaki.

Masasabi na sikat naman si Doc Jaxon at ang mga kapatid nito. They were once featured in a lifestyle magazine. Pero sa video niya lang ito nakilala. Hindi naman kasi siya mahilig magbasa ng mga magazine. Hindi rin siya interesado sa mga lalaki. Naka-focus siya sa pag-aaral sa loob ng halos dalawampu't isang taon. Iyon rin kasi ang gusto ng magulang niya para sa kanya. Ni wala nga siyang naging crush sa entire school life niya.

Pero ngayon ay ilang buwan na rin na graduate si Daphne sa kursong HRM. Nagtatrabaho na rin siya sa high-end chain of bakeshop na pagmamay-ari ng Mommy niya. She is an adult now. Kaya walang masama na magkagusto na siya sa lalaki. Wala rin siyang nakikitang masama kung siya man ang gumagawa ng move para mapansin ni Doc Jaxon. Wala man iyon sa kultura ng Pilipinas, pero nagwork naman iyon sa parents niya. Okay lang iyon, lalo na at alam naman niyang suportado rin siya ng mga ito.

"I'll be fine, Mom. Adult na ako. Kung mabigo man ako---" sandaling tumigil si Daphne. She knocked on the wood. "Na 'wag naman sana, alam ko naman na nandiyan lang kayo palagi 'di ba?"

"Of course..." wika ng Mommy niya at niyakap ulit siya. Kaya naman kahit medyo kinakabahan rin siya, lalo na at nakapagresearch na siya tungkol sa lifestyle ni Jaxon ay nanatili pa rin siyang positibo. She knew her family will always be there for her.

She just wish, ganoon rin si Jaxon para sa kanya. At least in the future. For now, she will just enjoy her own sweet chase.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.