2. Not A Sister
"SHE IS so adorable!" puri ni Alaine habang sabay-sabay nilang pinapanood ang video tape na pinadala ni Melanie. Graduation nito iyon ng elementary at Valedictorian ito ng klase. Bukod sa video ng pag-akyat nito sa stage na kinuhanan ng magulang nito, nag-video rin ito ng sarili nito hawak-hawak ang gintong medalya na inaalalay raw nito sa kanya. Bukod pa roon ang pagbati nito sa valedictory address nito.
Augustus couldn't agree more. Eleven years old na ngayon si Melanie at kung noon ay cute ito, ngayon ay masasabi niyang unti-unti ng lumalabas ang kagandahan nito. Humaba na ang dati ay maigsi at may bangs pa na tuwid na buhok nito. Kahit malayo sila sa isa't isa ay mababakas ang saya sa dati ay una niyang nakitang malungkot na mata nito. She grew better and became more beautiful as she could be. Masaya siya na sa kabila ng nakalipas na taon ay nagiging maayos ang buhay nito. Pero mas masaya si Augustus na sa kabila ng lahat, nanatili pa rin silang in touch sa isa't isa.
Ilang taon na silang hindi nagkikita ni Melanie pero hindi iyon dahilan para mawalan sila ng komunikasyon sa isa't isa. Mahirap man pero kinakaya nila. Pareho silang may "will" kaya pareho silang may "way". Hindi pa makabago ang teknolohiya ngayon. Hanggang ngayon ay sa sulat pa rin sila madalas na nag-uusap. Minsan ay nagpapadala ito ng litrato, voice taped o videotaped at ganoon rin siya rito. Hindi sila madalas na nagkakausap pero hindi napuputol ang komunikasyon nila sa isa't isa.
Pinapaboran naman ng mga umampon sa kanila ang kagustuhan ng isa't isa. Parehong mababait ang mga ito at kapwa may kaya ang mga pamilya---lalong lalo na ang sa kanya. Pareho silang masuwerte ni Melanie. Suportado sila ng mga magulang sa mga gusto nila lalo na at wala namang masama tungkol roon.
"Sometimes I am thinking what would it be like if we have adopted her, too, ma cherie. What do you think?" wika ni Francois.
"Oh, it would be amazing! Thinking that Augustus wouldn't worry about Melanie and---"
"No! I don't want to be her sister!" putol naman ni Augustus sa pinag-uusapan ng mga magulang.
"But why?" nag-aalalang wika ni Francois.
Sandaling natahimik si Augustus. Paano ba niya sasagutin ang mga magulang? Siyempre ay gusto niyang makasama si Melanie pero hindi sa paraan na magiging magkapatid sila. Kaya nga kahit malungkot siya noon na magkakahiwalay na sila, hindi niya iginiit sa mga mag-aampon na sana ay isama rin ng mga ito si Melanie.
Hindi naman sa ayaw niyang i-share ang buhay na mayroon siya kay Melanie, pati na rin ang mga magulang niya. Hindi siya selfish na tao. Pero ayaw niyang isipin na magiging magkapatid sila ni Melanie. Legal na inampon na siya ng mag-asawang Foresteir ilang linggo pagkatapos niyang makatuntong sa bansa at dahil baog si Francois, hindi na nagkaanak ang mga ito. Minahal siya ng mga ito na parang tunay na anak. Mahal rin niya ang mga ito. Kahit madalas na abala ang mga ito sa trabaho, palaging nagbibigay ng oras para sa kanya ang mga ito. Kaggaya ngayon. Sabay-sabay nilang pinanood ang video na pinadala ni Melanie para sa kanya.
Maaring bata pa si Augustus ngayon pero nararamdaman na niya na hindi isang kapatid lang ang turing niya kay Melanie. May higit pa roon. Higit pa sa pagiging best friend. Crush niya ito. Noong una ay ayaw niya pang aminin sa sarili niya pero naggawa rin niya nang lumaon. Hindi nga lang niya maamin sa iba dahil napakabata pa nila at malamang na pagtatawanan siya kapag sinabi niya. Isama pa na napakabata pa ni Melanie. Hindi pa ito ang panahon para sa mga ganoon.
"J-just that. I don't want to be her sister. She is my best friend. But not my sister. Would never be at all." Sabi na lang niya saka lumisan na ng entertainment room. Hindi alintana ang nanunudyong pagtitinginan ng mga magulang.