Library
English
Chapters
Settings

9. Ruthless

NAPAGDESISYUNAN ni Alyssa na dumalaw sa Royal House of Ferreira---ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang Royal House sa buong Medoires. Ang pamilya ng Ferrreira ang pangunahing namumuno sa buong Medoires at alam niyang doon rin matatagpuan ang lalaking kailangan niyang kausapin.

Hindi na lang basta hahayaan ni Alyssa na mangyari ang ganoon sa relasyon ng kanyang kapatid. Hindi rin niya gusto na nasasaktan si Charles sa sitwasyon. Hindi naman niya masisisi ang dalawa kung walang maggawa ang mga ito. It was a royal command. Mahirap suwayin iyon. Ramdam niya na takot ang dalawa kaya hindi maipaglaban ng mga ito ang pag-iibigan. Ngunit gusto niyang ibahin ang sarili sa dalawa. Gagawa siya ng paraan.

Magiliw naman na tinanggap siya sa palasyo. Namukhaan siya ng mga guwardiya kahit hindi na siya nakasuot ng damit na palaging sinusuot ng mga galing sa royal families. Gusto tuloy mapahiya ni Alyssa sa mga nangyari. Mainit na tinanggap siya sa palasyo pero noon ay malayong-malayo ang naging trato sa ngayon ay magiging hari na ng Medoires. But she couldn't turn back the time. Kailangan na lang niyang mabuhay sa kasalukuyan at harapin ang lahat kahit alam niya na maari siyang mabigo.

"The Prince is playing with Princess Julia at the moment. If its okay for you to wait for---"

"Its okay. No worries," nakangiti na wika ni Alyssa. Ano ba ang isang oras na paghihintay? Alam niyang magiging malaking pabor ang kanyang hihingiin. Isama pa sa hindi naging magandang pinagdaanan nila. Nararapat lang ang ganoon para sa kanya.

Hindi naman ganoong katagal na naghintay si Alyssa at nakita niyang bumaba sa isang grandyosong hagdan si Ed. Nasa balikat pa nito si Princess Julia na may malaking ngiti sa labi. Tila may humaplos sa puso ni Alyssa na makita na nasa magandang kalagayan ang prinsesa. Naging mabigat ang pinagdaanan nito sa mga nakalipas na araw at kung siguro ay siya ang nasa katayuan nito ay magiging mahirap para sa kanya na tanggapin iyon. But there was Ed. He was beside her. Hindi nito iniwan ang pamangkin kahit na ba kilala ito bilang iresponsableng prinsipe. Bihira itong pumunta sa palasyo, makialam sa mga royal duties nito. Ngunit ngayong nasa krisis ang pamilya nito, hindi naman talaga masasabing iresponsable ito. He must be known as a playboy but he had a heart, too. May kung anong gumulo sa isip at puso ni Alyssa sa naisip na iyon.

Please let him have a heart to hear me out, too.

"A-Alyssa?" bahagya pang nagulat si Alyssa nang makilala siya ng prinsipe. Pagkatapos ng ginawa rito ng pamilya niya ay hindi na muling nagtagpo ang landas nilang dalawa. Simula noon ay sa mga royal news at magazines na lang niya nasusubaybayan ang buhay nito.

Sa mga pahayagan na talaga namang hindi mo pinapalampas basta at may artikulo tungkol sa kanya! Sulsol ng isang bahagi ng isip ni Alyssa. Gustong mairita ni Alyssa dahil sa mga naiisip. Pero bago niya pa maggawa, nawala na ang lahat ng iyon nang magtama ang tingin nila ni Ed.

Bata pa lang si Alyssa ay may asthma na siya. Kapag napapagod siya ay madalas siyang hinihika, kinakapos ang hininga. Sa pagkakataong iyon, kahit hindi naman siya napagod ay tila nangyayari sa kanya. By simply looking Ed, she felt that her breath was taken away from her.

Pero hindi masisisi ni Alyssa ang sarili. Napakagandang nilalang ni Ed. Hindi na kataka-taka ang narating na career nito. He was a celebrity prince. An international model. Noong mga bata pa sila ay hindi niya naisip na sasabak ito sa ganoon. May katabaan kasi si Ed. Pero nagbago ito noong nagbinata ito. He became lean and his body became a fantasy of a lot of people. At kahit ngayon ay nakasuot lang ito ng simpleng T-shirt at pantalon ay hindi maiwasan ni Alyssa na paganahin ang imagination niya. Isama pa na sa T-shirt na iyon ay mababakat ang tila pandesal na abs nito. Dapat yata ay isang Greek couple na lang ang nag-ampon kay Ed. Dahil sa lagay nitong iyon? He would certainly beat every Greek God in having a goddman good body like that.

But wait! There's more! Umaakma ang sikat na linyang iyon sa isang marketing advertisement sa pagpapagana ng imahinasyon ni Alyssa. Paano ay hindi lang naman kasi ang magandang katawan ni Prince ang napansin niya sa pagkikita muli nila sa personal. Kasama na roon ang mukha nitong maari naman niyang iakma sa pamosong sinasabi kay Helen ng Troy---a face that could launched a thousand of ships. Everyone shouldn't miss those big and daring brown eyes, the perfectly symmetrical nose and full lips of this devastatingly handsome Prince. Pero ang pinakanagustuhan ni Alyssa sa mukha nito ay tila naglalarawan iyon na kaya nitong protektahan ang kahit sino man na malapit rito at sa kaparehong oras ay nagtataglay rin ng gentleness na nagpapakita ng pag-aalaga.

He was perfect. Hindi na nga siguro kataka-taka na maging ganoon kaeratiko ang tibok ng puso ni Alyssa sa simpleng pagtingin lang rito. Kakaiba, oo. Kaggaya ng mga nararamdaman niya makita lang niya ang mga larawan nito sa magazines na tanging si Ed lang ang nakakapagbigay sa kanya. Iyon ba ay dahil sa ultimate crush niya lang ito o may iba pang dahilan roon? Gusto niyang isipin ang ibang dahilan. But she knew, she doesn't stand a chance on him. Sa dami ng babae ni Ed, papansinin pa ba nito ang kaggaya niyang simpleng namumuhay lang?

Pero bakit siya naalala nito? Bakit siya kilala nito?

Sa naisip na iyon ay nabuhayan ng loob si Alyssa. Ngunit gusto rin niya na sapukin ang sarili ng maalalang ikakasal nga pala ito kay Aliciana. Surely, nagresearch naman siguro ito tungkol sa magiging asawa nito, hindi ba? Kaya malamang ay kilala na siya nito.

Ambisyosa!

"Your Highness," nang makahuma si Alyssa ay nagbigay galang siya sa prinsipe. Akmang magba-bow siya rito nang hawakan nito ang balikat niya para pigilan siya. Napansin ni Alyssa na tila may kakaibang dumaloy sa balat niya sa ginawa nitong iyon.

"Cut the formalities, Alyssa."

"Its okay, I---"

Ngumisi si Ed. Nagliwanag yata ang buong palasyo sa ginawa nitong iyon kahit na ba ramdam ni Alyssa na may kakaiba sa ngiti. It seems a little wicked. Pero nababaliw na yata siya dahil pakiramdam naman niya ay "na-bewitch" siya sa ngisi lang na iyon.

"May narinig ka na ba na nakilala sa royal house namin bilang matapobre?" there was sarcasm in his voice.

Nagbalik sa realidad ang isip ni Alyssa. Nawala lahat ng mga magagandang iniisip niya tungkol kay Ed. "Kung ganoon ay hindi ka pa rin talaga nakakalimot,"

Kung gaano diretso ang pananagalog ni Ed ay ganoon rin ang kay Alyssa. Natuto siyang magsalita ng Filipino dahil sa nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Hindi ganoon kagaling sa ingles ang yaya niya kaya para makausap niya ito nang maayos ay minabuti na lang niya na magpaturo ng wika nito. Dahil matalas ang isipan niya kahit bata pa lang siya ay mabilis siyang natuto. Naggamit rin niya ang kaalaman niya sa wika na iyon nang magkolehiyo siya sa London dahil mayroon siyang naging malapit na kaibigan na isang Pilipina. Sa tuwina ay sinasanay nila ang sarili na magsalita sa ganoong lenggwahe kapag magkasama sila kaya hanggang ngayon ay bihasa pa rin siya roon.

"What are you talking about, tio?" curious na tanong ng pitong taong gulang na prinsesa.

Itinuon ni Ed ang tingin sa pamangkin. "Just something you shouldn't hear about. So I think it would be good if you come to your nanny. I'll get back to you later, okay?"

Tumingin sa kanya si Julia saka tumango kay Ed. Sumama ito sa yaya nito.

"I presume you come to the palace for some important matter. Tama ba ako?" wika ni Ed sa kanya ng mapag-isa na lamang sila sa hall ng palasyo.

"Tungkol ito kay Aliciana," diretsahang sabi na ni Alyssa. "Siguro naman ay nararamdaman mo na kung bakit kailangan pa kitang kausapin tungkol rito,"

"Kung ganoon ay importante nga iyon. Would you mind if we talk about this somewhere? Perhaps, in the garden while strolling?"

Sandaling nag-isip si Alyssa sa mas ikabubuti ng sitwasyon nila ngayon. Inisip niya kung appropriate na maglakad sila sa hardin ng mga ito. Minsan nakarating na siya sa hardin ng palasyo at alam niya na bukas iyon sa publiko. Appropriate ba na makita siya ng publiko kasama ang prinsipe na ito?

"Don't worry, I'm going to take you in the maze garden at the back. Hindi iyon bukas sa publiko at kung natatakot ka naman na maligaw, well, saulo ko ang bawat pasikot-sikot noon,"

Sa sinabing iyon ni Ed ay napapayag na si Alyssa. Nag-umpisa silang maglakad sa maze garden na hindi naman ganoon kalayuan sa hall dahil may shortcut pala papunta roon. Sinalubong si Alyssa ng berdeng paligid dahil ang pader ng maze na iyon ay nababalutan ng mga halaman.

"Kumapit ka sa akin," wika ni Ed nang magsimula silang maglakad.

Kumunot ang noo ni Alyssa. "Bakit ko gagawin?"

"Baka maligaw ka,"

Nagtaas siya ng isang kilay. Sinasabi lang ba nito iyon dahil nag-aalala ito sa kanya? O gusto lang siya nitong matsansingan?

Hah! Ambisyosa ka talaga, Alyssa. Bakit naman gagawin ni Ed iyon samantalang ang gusto nito ay si Aliciana?

Umiling si Alyssa kapagkuwan. "I can manage. Isa pa, baka may makakita sa atin dito kahit na---"

"I've told you, private ito. Saka ano naman kung may makakakita sa atin rito? All people knew that I am about to marry your sister. Iisipan pa ba nila ako ng masama?"

Iniisip niya ang mga hardinero ang maaring makakita sa kanila. May punto si Ed. Pero malanding nilalang ito. Kilala na niya ito nang husto. What if he hits two birds in one stone?

"Isa iyon sa problema. You are about to marry my sister which everyone knew you hate,"

Tumaas ang isang kilay nito. "Huh? Everyone? As far as I knew, hindi ko kailanman sinabi sa publiko ang ginawa ng kapatid mo sa akin noon,"

Alyssa snapped. "So that's it! Hindi mo naman talaga ang gusto ang kapatid ko. I knew it. Tama ako. You did it to make her look like a fool. Hindi ko papayagan ito,"

"Sino ka para sabihin sa akin 'yan? After what your family, especially your sister did to me---"

"Napakatagal ng panahon noon. Bakit kailangan mong gawin ito, Ed? Hindi mo itinangging galit ka pa rin kay Aliciana. Alam ko ang lahat ng mga nangyari noon. Ramdam ko rin na nasaktan ka kaya ikinabahala ko ang lahat ng mangyari. Ginagawa mo ba ang lahat ng ito bilang paghihiganti kay Aliciana?"

"It doesn't matter if that was the reason. Mukhang gusto rin naman niya ang maikasal sa akin. Hindi siya tumanggi,"

"Iyon ay dahil natatakot siya sa 'yo. So please, Ed. Please spare my sister. May fiancée na si Aliciana. Ikakasal na siya sa iba."

"With your news, parang mas lalo pa akong ginanahan na pakasalan siya,"

Tumingin siya kay Ed. There was a glimpse of naughtiness in his eyes. Devil. Iyon ang nakikikita niya rito ngayon. But a beautiful one indeed. Sagot naman ng maarteng isip niya. "You're ruthless!"

"And I accept. I know, its not a rational thing to do. Revenge. Hah! Pero malay mo naman, kapag nagkasama na kami ay magbago iyon. I've seen Aliciana. She was very desirable. Lahat ng lalaki ay gugustuhing makasama siya. She's beautiful, too. Her beauty fits to be a queen."

But not her attitude! Gusto sana niyang isulsol. Ganoon na lang ba talaga ang lahat ng lalaki ngayon sa mundo? Ang habol lang sa babae ay ganda? Saka bakit si Aliciana lang ang maganda? Marami rin naman ang nagsasabi na maganda rin siya. Siguro nga ay simple lang ang kagandahan niya. Pero okay lang naman iyon hindi ba? Hindi sobra, hindi kulang. Sakto lang.

Pero bakit niya ba naiisip ang mga iyon? Iyon ba ay dahil gusto niyang mangarap na sana siya na lang ang pinili nitong pakasalan? Na kahit alam niyang ganti lang iyon ay magiging maayos siya dahil gusto naman niya ito?

"And besides, kahit pigilan mo ako ngayon, I don't think I will change my mind. It was already announced in public. Ayaw kong mapahiya. Kinakailangan ko ng reyna, approve man iyon ng nakakarami o hindi. And I was attracted to Aliciana. Oo, maaring galit ako sa kanya at ginawa kong ganti ang pagpili sa kanya pero hindi naman iyon maituturing na ganti talaga 'di ba? Because she'll be a queen. She'll live a luxurious life...again."

Tama naman ito. Pero malay ba niya kung anong gagawing pagtrato rito ni Ed. Paano kung ang maging ganti ni Ed kay Aliciana ay gawin lang nitong trophy wife ang kapatid niya. Walang pagmamahal. Walang affection. Kaya ba ni Aliciana na mamuhay nang ganoon?

"Kung ganoon ay wala na ba talaga akong magagawang paraan para baguhin ang isip mo? I'm concerned about my sister as well as her fiancé. Kaibigan ko si Charles. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Ngayong alam ko na ang lahat ng balak mo, mas lalo akong nagkaroon ng urge na pigilan ka. Hindi ito ang tama, Ed. Gagawin mong trophy wife si Aliciana para lang makapaghiganti sa kanya? You'll let her feel neglected, ganoon ba ang plano mo? Aliciana doesn't deserve that. Maaring nakagawa siya ng kasalanan sa 'yo noon pero hindi mo ba kayang magpatawad? Napakatagal ng panahon noon. Baka nga hindi na niya naalala iyon."

"So you're telling me, time heals all wounds. Not really, minha querida. Not for me. Pero tungkol sa unang tanong mo, may paraan pa rin naman,"

Ngumisi na naman si Ed. Parang iyon ang paborito nitong ekspresyon. Iyon rin ba ang dahilan kung bakit nito nahuli ang puso nang maraming babae? Kaya iyon rin ang dahilan kung bakit sa kabila ng inis niya rito ay hindi niya matuluyang mainis. Kainis rin!

"Tell me. I'll do everything just to change your mind," naggawa ng sabihin ni Alyssa sobrang kadesperahan niya na makagawa ng paraan para sa ikasisiya ng iba.

Ngumiti naman ngayon nang nakakaloko si Ed. Napansin rin niyang unti-unti itong lumapit sa kanya kaya napaurong siya hanggang sa naramdaman na lang niya na napasandal na siya sa madamong pader ng maze. He was so close to her. Napalunok si Alyssa sa ginawa nitong iyon. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito? Mamatay na yata siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso ngayong ang sumunod naman na ginawa nito ay ang ituon ang dalawang kamay nito sa pader para lalo siyang ma-corner at mailapit nito ang sarili sa kanya.

"You'll do everything for your sister, huh? That desperate? Paano kung ang gusto kong kondisyon ay siya namang makakasama para sa 'yo?"

"I-I'll try to endure it. Dahil kung ako lang ang mapapaasama, it would be okay dahil isa lang naman ako. I want Charles happiness, too. His happiness is Aliciana so let her free!" gustong palakpakan ni Alyssa ang sarili dahil kahit papaano ay naggawa niyang sabihin iyon sa kabila ng sitwasyon niya. Pakiramdam kasi niya ay kaunti na lang at bibigay na ang tuhod niya sa sensasyong dinadala ng lalaking ito sa kanya. "And would you please let me free, too? What are you doing was one example of a thing not enduring!"

Dahil mamatay yata ako sa kilig!

"Too bad, minha querida. Too bad. Kasi ito ang gusto kong kapalit," unti-unting inilapit ni Ed ang labi nito sa kanyang tainga. "I'd like you to give yourself to me,"

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.