Library
English
Chapters
Settings

Chapter 7 Blue Eyes

Draven's POV

I shot the guy in his leg when we entered here in a dark lane near from road side

Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan ng lalaki habang ikinakasa ang hawak kung baril

I can see fear on his face. We'll He should be

"I have a question to ask" - umpisa ko

May ipinakita akong larawan sakanya. Saka sya tinanong. Ang tanong na isang taon ko ng hinahanapan ng sagot

Zach POV

"Yow!" - bati ko sa mga ungas na naglalaro ng billiards pagpasok ko sa pent house namin dito sa Korea. Kadadating ko lang galing Germany

"Oh buti nakasunod ka!" -  Nyx habang tumitira sa billiards

"Aww!! Bat di pumasok! Tsk! Malas ka talagang Zachary Adams ka!" - yamot na sabi nito saka ihinagis saakin ang tako nya

  

"Problema mo! Wag mo ngang isisi saakin ang kamalasan mo! Tsaka kagwapuhan ang taglay nito oyy hindi kamalasan!" - sagot ko at saka kumuha sa ref ng beer in can

"Gago!" - Nyx

"Gwapo tol Gwapo!" - ako saka sumandal sa bar counter

"Hoy! Nyx ang susi ng kotse mo! Akin na!" - Kade sabay lapit kay Nyx na agad namang tumakbo palayo kay Kade

"Kade naman! Pwedeng pass muna ngayon?" - Nyx na parang asong ngpapaawa Psh

"Anong pass! Kaw nag aya kanina ehh! akin na! Ang duga mong pula ka!"

Ayan na mag ko-color coding na sila -____-

"Hoy itim! Mas maduga ka! Dinadaya mo ko kaya ka nananalo palagi sa billiards!"

see?

"Mag sisimula nanaman sila" - napatingin ako sa katabi ko na si Blaze

"Nga pla! Ba't nyo pala ako iniwan sa Germany?" - kunot noo kung tanong kay Blaze na nakatingin lang sa dalawang nag hahabulan

"Eh kung di ka naman kasi nang-chicks dun eh di sana di ka namin iniwan"

   

"Di ako nang-chicks ha! Sila lang talaga tong lapit ng lapit" - ako saka napatingin dun sa nabasag na vase ni Nyx

Nakita ko naman ang pag iling niya bago ininom ang hawak niyang wine

"Alam mo namang mainit ang ulo ni Draven nun buti nga di ka na pinasundo ehh kung di! bangas yang mukha mong yan" - Blaze

Napailing na lamang ako

Iinumin ko na sana ang beer in can ko ng biglang kumalabog ang pinto kasabay ng pag bukas nito. Maging ung dalawang nag wiwrestling naestatwa din. Si Blaze naman parang walang narinig

Sabay sabay naman kaming napatingin sa pinto

"We're going back to the Philippines. RIGHT NOW!" At saka sya umakyat sa kwarto nya

"Got it!" - kade

"Kade naman ehh! Wag ang kotse ko!"

"Para kang bakla Nyx!" -kade

"Aalis agad? Kadadating ko lang nga dito sa Korea di pa ko nakakadate ng koreana!" - ako sabay baba ng beer in can ko sa glass table

Tumayo naman na si Blaze

"Mag impake na kayo kung ayaw nyong abutan pa kayo dito ni Draven" - sya sabay punta sa taas

"Ano pa nga ba?" - ako bago inisahang tinungga ang beer na hawak ko

Ryu POV

"Yess!! Weekend na woohhh!" Sigaw ko pagkababa ko ng hagdan with unat-unat ng kamay pa

Nadatnan ko namang nagbabasa si Zoreen habang naka indian seat naman na kumakain ng pancake si Shan sa Sala

"Good morning miss Ryu" - bati saakin ni butler Ken

"Good morning din butler Ken" - ako habang ngiting-ngiti

"Shan! Tara Shopping tayo!" - ako sabay upo sa kaharap na sofa ni Shan

"Ayoko" - sya sabay subo ng pancake nya

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Zoreen na nasa single sofa na katabi lang na sofa ni Shan

Pero di pa man ako nakakapagsalita ay inunahan nya na ko

"I'm busy" - Zoreen sabay lipat ng pahina ng binabasa nya

Haixt wala tong pag-asa! Arghh I wanna go shopping! Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng pag-asa ay may naisip na akong ideya hehe. Why dont hit two birds with one stone Ryu Kagami? (Evil laugh)

"Ah sige kayo kung ayaw nyo. Sayang naman may nabalitaan pa naman sana akong bagong Ice Cream parlor dun sa R-Vill mall. Di lang ice cream pati cake available sa kanila" pabulong kung sabi pero sinigurado kong madidinig ni Shan

Unti-unti na akong tumalikod habang Nagbibilang sa isip ko

1

2

"Bihis lang ako" - dali daling tumayo si Shan ska nagmamadaling umakyat sa hagdan hehe

"Ohh? Bat ka tumayo? Nagbabasa ka pa ah" - sbi ko kay Zoreen ng isinara nito ang libro nya saka tumayo

"Im going with you" - sya at saka ako iniwan sa sala

Napangiti nalang si butler Ken at saka pumunta sa kusina

Sabi na nga ba! Isang bato lang dalawa agad ang natamaan haha

Zoreen POV

"Ryu! Asan na ba yung sinasabi mong ice cream parlor dito!" - inis na tanong ni Shan

Kanina pa kasi kmi ikot ng ikot dito ang dami ko na ding bitbit na paper bags

"Papunta na nga tayo.... oh eto na pala ehh tada! Welcome to Ice Cake Delight!" - Ryu habang nakalapad pa ang dalawang kamay

Di naman na sya inintindi ni Shan na nauna ng pumasok

"Ayy? Ang rude" - Ryu sabay nguso

Ng makapasok kami ay agad bumungad saamin ang amoy ng ice cream at cake na sinserve nila. At agad naman naming nakita si Shan na nakahanap na ng pwesto nmin. Nasa may dulo malapit sa glass wall nitong ice cream parlor

"Puntahan mo na order lang ako" - Ryu

Pagkalapit ko ay inilapag ko na ung mga dala kong paper bags sa isa pang upuan. Umupo ako sa kaharap na upuan ni Shan

"Kinausap mo ung mga basura?" - napatingin naman ako kay Shan na nakatingin lang sa labas

"Yeah"

"Di mo nalang dapat kinausap yung mga yun" - sya sabay sandal sa upuan nya

Di na lamang ako nagsalita

Di Nagtagal ay dumating na din si Ryu na may kasamang crew na nagbibitbit ng mga inorder nya

Alam na alam na ni Ryu kung ano ang mga gusto ni Shan. Well khit ako alam ko. Ganyan kami kaclose na tatlo. Pero marami pa din naman kaming mga di nalalaman na mga bagay bagay sa isa't isa

Napangiwi ako ng makita kong nilalantakan na ni Shan ung Chocolate Cake nya at ung Chocolate Ice Cream nya.

Grabe talaga to psh

Shan POV

Nagpaiwan  na ako dun sa dalawa. Kahit ayaw pa sana ni Zoreen buti napilit ni Ryu

Una kong pinuntahan ay ang parke kung saan kami madalas mag picnic na pamilya. Malapit lapit lang naman ito dun sa mall na pinuntahan nmin

Napangiti ako ng makita ko ung swing na palagi naming inuupuan. Buti di pa masyadong nagbago ang lugar na ito

 

Umupo ako sa isa sa swing na naandun. Apat na swing kasi ang nasa isang kabitan. Bale may tatlong ganun dto

Mahina kung idinuyan ang sarili ko. Di ko napigilang hindi mapapikit kasabay ng aking pag pikit ay ang mga ala-alang naiwan ng pamilya ko saakin

Masaya kami ng pamilya ko. Halos perpekto na ang lahat. I dont have anything to wish for. Mapagmahal at mapag aruga sila mom at dad. Suportado nila kami palagi ni kuya. Yeah I have an older brother, 3 years ang agwat nya saakin. Lahat ng gusto ko basta sa tama ay ibinibigay nila dad. And I admit that I am a daddy's girl. At si kuya? Napaka responsable nyang kapatid. Overprotective to the point na lahat ng lalaki na nagtatangkang lumapit saakin ay binabalaan nya. Kaya walang nangangahas saakin noon na lalaki na makipagkaibigan. Except sa isang batang lalaki na nakilala ko noong 6 years old palang ako.

Sya yung unang lalaki kong naging kaibigan. Magaan din ang loob sa kanya ni kuya. Naging kaibigan ko sya sa napakaiksing panahon

Blue ang tawag ko sakanya at lila naman ang tawag nya saakin. Dahil un sa kulay ng mga mata namin. Mayroon syang kulay asul na mata. At oo ang totoong kulay talaga ng mata ko ay dark purple sa gitna at ang gilid ay itim. Na kung di mo tititigan ng maigi di mo malalaman na kulay lila ang mata ko. Ewan ko kung bat ganito kulay ng mata ko

Simula ng mangyari ang gabing iyon di ko na sya nakita dahil di na ko lumalabas ng bahay at dinala na din ako ni Tito sa Korea

Lahat nagbago simula noong gabing un. Ako ang saksi kung paano nawala ang mga mahal ko sa buhay.  Ako lamang ang syang nakaligtas saamin. Di ko man nakita lahat ng malinaw ang mga mukha ng pumatay sa pamilya ko ay alam ko kung papaano ko sila mahahanap. Sisiguraduhin kong magbabayad sila. Konti nalang Shan konting konti nalang.

Naputol ang pag-iisip ko at naimulat ko ang aking mga mata ng may biglang nagsalita sa harapan ko at nakita ko na may panyong kulay asul na nakalahad sa aking harapan.

Blaze POV

"Hello?" - sagot ko sa kabilang linya habang ngddrive

     

"Hoy Reil! Nasaan ka? 10 pm daw sa abandonadong building sa ***** street" - sagot sa kabilang linya

"Oo oo, malapit lang naman na ko dun pero pupunta muna ko sa mall may bibilhin lang" - sagot ko

"Di ko makontak si DK! Kaw nga tumawag dun mamaya" - Nyx

"Hoy! Pupunta daw ba sya sa mall??" - narinig ko naman ang boses ni Kade sa kabilang linya

"Oo daw. Bakit? May papabili kana naman tas di mo naman binabayaran! Paraparaan ka din ehh!" - rinig kong sigaw ni Nyx pagkatapos ay nakarinig na ko ng sunod-sunod na kalampag sa kabilang linya

Paniguradong nagwiwrestling nanaman ung dalawa tsk tsk tsk

Nakangiting napa iling na lamang ako. Kasalukuyan akong nasa harap ng park. Napabaling ang tingin ko sa isang babae na nag iisa sa swing na nakapikit na mahinang idinuduyan ang sarili. Pinabagal ko ang takbo ng sasakyan ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa maamong mukha nito. Nakapasarap titigan

Bigla akong natauhan ng biglang may sumigaw sa earpiece na suot ko

 "Ouch! Makasigaw ka naman Nyx!" - bahagya akong napapikit at hinimas ng kanang kamay ko ang kanang tenga ko kung nasaan ang earpiece ko at saka dahan dahang ipinarada ang kotse ko sa tabi ng park

"Eh kanina pa ko kasasalita dto d kanaman sumasagot. Napano kaba? Kailan kapa nabingi tol? Tatanggalin kana nun ni DK kasi wala kanang kwenta sa grupo! Hahaha"

"Gago ka! Bakit ba kasi?"

 

"Magpapabili daw kasi si libre boy..."

"Hoy! Babayaran ko naman. Eh di naman kasi yan tumatanggap ng bayad eh! " - angal naman ni Kade

"Saya mo naman! Itong autistic na to! Bili mo daw sya ng Prinkles dalawa"

"Oo na oo na sige na I'll hang up na" - at agad ko namang pinatay ung call

Muli kung ibinaling ang tingin ko dun sa swing at napangiti ako ng makitang andun pa rin ung babae. Dali-dali kong inalis ang seatbelt ko saka lumabas ng kotse

Naglakad na ko papunta sa dureksyon nya hbang isinusuot ang shades ko

Mabuti at walang masyadong tao dito sa parteng to ng park. Nakangiti pa rin ako habang naglalakad papalapit sakanya

Nang makalapit ako ay biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi at kumunot ang aking noo ng makitang may umalpas na luha mula sa nakapikit nyang mga mata

Agad kong kinuha ang panyo na nasa bulsa ng pants ko at ska nagsalita sabay lahad ng panyo sa harapan nya

"Miss are you alright?"

Shan POV

"Miss are you alright?"

Napamulat ako ng mata at nakitang may lalaking nakatayo sa harapan ko

Nagtaka naman ako kung bakit nya ko binibugyan ng panyo

Ng di ko kunin ang panyo mula sakanya ay nabigla ako ng yumuko sya dahil nga sa nakatayo sya at nakaupo ako sa swing at marahan nyang pinunasan ang gilid ng mata ko at pisngi ko

Doon ko napagtanto na lumuha pala ako

The heck!

Matiim ko syang pinagmasdan. matangkad sya matangos ang ilong, maputi at bakas sa suot nyang fitted plain gray shirt ang maganda nyang pangangatawan.

Oyy di ko po sya pinagnanasaan -_____- sanay lang akong pinagmamasdan ng maigi ang mga tao.. technique un oyy!!

Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang astigin nyang buhok!! Kulay asul iyon. Ang cool tignan!

Pagkatapos nyang punasan ang luha ko ay agad nyang inilagay sa bulsa ng black pants nya ang panyo

"Thanks" - ako na nkatingin lang sakanya

"Welcome" - nakangiti nyang sagot

"By the way..." at inalis nya ang shaded nya bago nagpatuloy sa pagsasalita

"I'm Blaze Reil Samonte. And you are?" - pakilala nya habang nakangiti na labas ang mapuputing ngipin nya. Habang nakalahad ang kanang kmay saakin

Bigla akong napatitig sa mata nya. Woohh the color of his eyes are dark blue! No I mean Royal blue!!

    

"Shanaia Venice Aurelius" - pakilala ko saka ko iniabot ang kamay ko sa kamay nya

Matagal bago nya binitawan ang kamay ko

"Ah una na ko, thanks ulit" - paalam ko saka naglakad na paalis

Pero bago pa ko makalayo ng tuluyan ay narinig ko pa syng nagsalita

"Hope we will meet again"

---------

#IAHA

                       ~1813

 

   

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.