7. The Accident
"CHANG, tinulungan kita ng magka-problema ka. Maano ba naman na ipahiram mo sa akin 'yang asawa mo? Promise, I'll behave. Hindi naman ako others 'di ba?" may pagpi-please sa boses ni Kareene habang kausap ang kaibigan at co-writer na si Ice o Chang bilang nickname nila rito at ng isa pa nilang kaibigan na si Mara Abilene. Tinawagan niya ito sa cell phone para humingi ng tulong.
"Alam ko. Pero sinabi ko naman na unavailable ngayon si Will 'di ba?"
Pinaikot ni Kareene ang mata. "Unavailable kamo siya kasi may session na naman kayo."
Humagikgik si Ice. "He'd been away for a whole week. Ngayon ko na lang siya nakasama. Masama ba na ipagdamot siya? Isa pa, ang layo namin sa Laguna. Nasa Bataan kami ngayon. Baka puti na ang buhok mo kapag nagbiyahe pa kami papunta diyan para tulungan ka. Wala rin naman alam si Will tungkol sa pag-aayos ng sasakyan."
"Wala ba kayong kakilala na mekaniko or something?"
"Meron daw siya pero naiwan niya ang cell phone sa bahay. Hindi niya saulado ang contact."
Napaungol si Kareene sa inis. Wala na siyang alam na sino man na maaaring tumulong sa kanya sa sitwasyon ngayon. Wala siyang malalapit na kaibigan kung hindi si Ice at Mara lang. Pero paano naman siya matutulungan ni Mara? Isa pa rin ito na kagaya niyang umiikot lamang sa pagsusulat ang mundo. Nasa Cebu rin ang pamilya nito. Siya naman ay ganoon rin. Namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan sa isang vehicular accident. Wala siyang malapit na kamag-anak sa Maynila. Lahat ng mga iyon ay nasa Davao. Bihira lang niyang bisitahin ang mga ito.
"Hindi mo ba muna puwedeng iwan ang kotse mo para maghanap ng kahit malapit lang na pagtutuluyan?"
"Alam mo kung gaano ko kamahal ang kotse ko, Chang. Gugustuhin ko ng magpalipas rito ng magdamag." Masyado siyang maaarte sa kanyang mga gamit, lalo na sa may mga malalaking value. Kahit na second hand lang niya nabili ang kotse, maituturing niyang prize possession iyon. Hindi naka-insured ang kotse kaya mas delikado. Paano kung may lasing na gumasgas roon? Paano kung may magnakaw ng gulong?
Hindi naman siguro masisisi si Nina Kareene kung mapa-paranoid siya. Mag-aalas diyes na ng gabi. Napakadilim ng paligid. Papunta siya sa Calauan, Laguna. May pupuntahan sana siya roon na farm resort na nakita niya ang advertisement sa Facebook. Open naman iyon ng twenty four hours kaya naisipan niyang bumiyahe kahit dis-oras na ng gabi. Malakas ang loob niya kasi may kotse naman siya.
Sa kasamaang palad, nasiraan siya ng kotse. Ang pinakamasama pa, hindi niya alam ang lugar. Wala siyang nakikitang kabahayan sa paligid. Wala rin na dumadaan kahit anong sasakyan o magbabalot man lang. Ewan ba niya kung tama ang tinatahak niyang daan. Naisip niyang baka naligaw na siya.
"All right. Pero Kang, masyadong delikado ang manatili ka diyan---"
"I'll just call one of the boys," wika ni Kareene at pinatay na ang tawag. Malapit ng maubos ang battery ng cell phone niya at wala siyang dala na powerbank. Uubusin lang ng pagkausap niya kay Ice iyon pero wala rin naman na mangyayari.
Pero may mangyayari rin ba kung tatawagan ni Kareene ang ilang kilalang lalaki na na-date niya? Lahat ng mga iyon ay taga-Maynila. Isa pa, lahat ng mga ito ay nakaraan na. Kahit marami pa rin ang umaasa, hindi niya binibigyan ng pagkakataon. Hindi na niya gustong makipag-ugnayan sa mga ito. They were all frogs. Isa pa, wala siyang na-date na engineer o may interes man lang sa kotse. Most are Doctors and businessmen. Anong alam ng mga ito sa pagmemekaniko?
Pero anong gagawin niya sa sitwasyon? She needed a man who would help her. Hindi siya marunong mag-ayos ng kotse. Wala siyang kilala na mekaniko. Hindi niya ma-risk na iwan kahit sandali ang kotse para gumambala man lang ng tao.
Kareene browsed her contacts. Nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang perpektong tao na puwedeng tumulong sa kanya.
"Aside from being a moto-cross rider, he's also a mechanical engineer. Head engineer si Kuya ng isang automotive company. Mahilig si Kuya sa mga motor pati na rin sa kotse. In fact, kaya niya ngang gumawa ng isa. Gusto mo patulong tayo sa kanya na maghanap ng bibilhin mo na sasakyan?" naalala niyang wika sa kanya ni Violet nang ikuwento niya rito na balak niyang bumili ng kotse.
Si Red lang ang tanging kakilala niyang makakatulong kay Kareene. Pero tama ba iyon gayong pag-iisip pa lang kay Red ay nakakaramdam na kaagad siya ng panganib?
Nag-aalinlangan si Kareene pero nang makarinig ng kulog ay parang nawalan na rin siya ng choice. Pinindot niya ang call button. Hah, bahala na!
Mabilis na sinagot ni Red ang tawag. "Hmmm...?"
Lumunok muna si Kareene. Gaano man niya sabihin na mainis kay Red sa ginagawa nito sa kanya ay hindi niya maitatanggi ang kagustuhan ng taksil na katawan niya rito. Just the sound of his voice brought back all the sensual memories.
"Kailangan ko ang tulong mo---"
"Sex?" may kalokohan sa boses ni Red.
"Wala na ba talagang laman ang isip mo kung hindi 'yan lang?"
"Our relationship is only based from that."
"Could we go to something better than that?" nilakasan na ni Kareene ang loob. "Yamang marami ka rin naman na utang sa akin, sa tingin ko ay tama lang na tulungan mo ako."
"I believe I didn't owe you anything. Ikaw pa nga ang mayroon sa akin at hindi pa ako tuluyan na naniningil. You pollute my sister's mind."
"Nag-aalala rin ako kay Violet pero kung kasama niya si Louie, naniniwala ako na maayos siya. They love each other. He couldn't harm her---"
"I have to see it myself and I am doing it now."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Papunta ako ng Calauan, Laguna. Ayon sa investigators ko, doon daw nagtago ang dalawa. Hindi rin kita matutulungan sa hinihingi mo---"
"Nasa Calauan ako! And---" hindi naituloy ni Kareene ang sasabihin nang biglang kumulog. Napasigaw siya. Kung natatakot siya sa panganib ng gabi at pati ni Red, mas takot siya sa kulog.
"Hey, ano ba ang nangyayari?" may pag-aalala na ang boses ni Red.
"Puntahan mo ako, Red. I need help. At nasa Calauan rin ako."
"Are you sure? Malapit na ako. Nag-stop over lang ako sa gas station kaya nasagot ko ang tawag mo."
"Y-yeah," sinubukang sagutin ni Kareene ang iba pang tanong ni Red kagaya na lamang kung ano ang itsura ng lugar kung saan eksaktong naroroon siya.
Nagbabanta ang kulog ng ulan. Bago tuluyang bumagsak iyon ay nakakita ng liwanag ng ilaw na nagmumula sa motor si Kareene. Bumaba mula roon si Red. Naka-motorbike lang ito.
"Pumasok ka sa loob ng kotse," utos ni Red. Unti-unti ng bumubuhos ang ulan.
Sumunod si Kareene. Pumunta si Red sa unahan ng kanyang kotse. Umasa siya na magtatagal ito roon para tignan iyon pero sa halip ay isinarado nito ang hood.
"What the hell?" nasabi niya kay Red nang pumasok rin ito sa loob ng kotse.
"What? Inaasahan mo na magagawa ko ang sasakyan sa lagay ngayon ng panahon?"
Lumalakas ang ulan. Napakagat-labi si Kareene. Na-guilty siya. "Well---"
"And with the looks of it, mukhang hindi basta-basta magagawa ang sasakyan. We need tools."
Napaawang ang labi ni Kareene. "Oh..."
"For now, we are stuck up in here. Hindi mo rin naman gugustuhin na mabasa sa motor ko 'di ba?"
Tinitigan ni Kareene si Red sa halip na magsalita. Nabasa na rin ito ng ulan kaya basa ang damit nito. Mas lalo pang napaawang ang labi niya nang mag-umpisa itong hubarin iyon.
Masama ang tumitig. Pero sino ang nagsabi kapag ang lalaki ay si Red Carandang? Tinuntunaw siya ng hawak nito. His body made her drool over. Gising na gising talaga ang lalaki nang magpaulan ng kaguwapuhan. Sinambot nito ang lahat. She could put her hands down and swear that he was the hottest guy she'd ever met. And just the thought of touching that body the way he did with her the last time made her body rocketed in sheer pleasure.
"Gusto mo ang nakikita mo?" ngumisi pa si Red nang makita ang pagtingin niya rito.
Bihirang mag-blush si Kareene. Sabi nila ay para lang raw kasi iyon sa mga inosenteng babae. Maaga siyang nabuhay sa realidad ng mundo, sa mature na buhay. Masasabi niya na dahil roon, hindi siya dapat na tawagin na inosente.
But everything about Red made her feel red and hot. His bare chest, bronze torso and musculature shoulder and biceps are all masculine beauty.
Nakarinig na naman si Kareene nang kulog. Lahat ng mahika na naramdaman niya sa pagtingin kay Red ay nawala. Takot siya sa kulog. Napasigaw siya.
Lumapit sa kanya si Red. "Nanginginig ka..."
"Ayaw ko ng kulog," nararamdaman na rin ni Kareene ang panginginig ng katawan. Pinalakas pa iyon ng paglapit ng katawan ni Red sa kanya. Nanlalamig siya sa panginginig at ramdam niya ang init ni Red. Dumidikit na ang balat nito sa balat niya. Natutukso si Kareene na yumakap roon. But then, she knew she will be inviting danger again if she try.
Dapat ay galit siya rito. Nakikita siya nito sa paraan na hindi naman talaga siya. Pero siguro nga ay totoo ang sikat na kataga: the more you hate, the more you love. Well, hindi siguro love. Maybe...lust. Oo, iyon nga ang tamang salita.
Sa ngayon.
Hinagod ni Red ang likod niya. "Hindi naman magtatagal iyon at----"
Kumidlat. Napapikit si Kareene. Lalo pang lumala ang kanyang panginginig. Naramdaman iyon ni Red. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng isang kasalanan. Red crossed the line. Niyakap siya nito. Sandaling nalimot ni Kareene ang takot. Nang kumulog ay muli siyang natakot.
Naging napakalakas ng kulog. Dumiklap ang ilaw sa poste. Maya-maya ay nawalan na ng ilaw. Nanlaki ang mata ni Kareene. "Oh no, oh God!"
Lumalakas ang ulan. Nagiging mas mabilis ang interval ng kidlat at kudlot. Takot na takot si Kareene. Gaano man siya yakapin ni Red at pakalmahin, hindi na niya napigilan ang lahat. Napaiyak na siya.
Napansin ni Kareene na namutla si Red. "I hate to see a girl crying so stop it, Nina Kareene. Para kang si Violet!"
Hindi pa rin tumigil si Kareene. Hindi niya maggawang kumalma. Bata pa lang siya ay sadyang takot na siya sa kulog.
"Damn it, Kareene!" kinuha ni Red ang ulo niya, itinaas nito iyon. Pinahid nito ang mga luha niya. "Kasama mo ako, all right? Walang mangyayaring masama sa 'yo. Hindi naman kita pababayaan. So please shut up!"
Hindi pa rin tumigil si Kareene. Mas lalo pa kasing lumakas ang ulan. Napasigaw pa siya nang kumulog na naman.
"Ah, you're really are one wicked lady. Hindi ka talaga tatahimik, ha? You know I could be so cruel, too. I could punish you for such insubordination so..." itinuloy ni Red ang sasabihin sa pamamagitan ng pagbababa ng labi nito sa labi niya.
Bahagyang nagulat si Kareene sa ginawa ni Red. Tila nawala ang lahat ng tunog ng kulog, malakas na ulan at pati na rin ang reflection ng kidlat. Tumigil ang mundo niya. All that she could feel right now was her body filled with a sizzling pleasure.