

Chapter 2 Human World
Napatingin ako sa labas ng bintana ng huminto na ang kotseng sinasakyan ko
Agad na bumukas ang pintuan ng kotse na nasa aking kanan
Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang iapak na ang aking paa sa labas ng kotse
Ngumiti ako ng tipid kay Zeyton na nasa tabi ng pintuan ng kotse maging kay Miya na nasa labas na rin katabi ko
Nagsimula na akong maglakad papasok sa gusali habang nasa likuran ko naman nakasunod sila Miya at Zeyton
"Good morning maam"
Nagsisibatian at nagsisiyukuan ang mga guard maging ang mga empleyado na nakakasalubong ko na sinusulian ko naman ng tipid na ngiti at bahagyang pagtango
Ng makalampas ako sa front desk ng kompanya ay agad na nilapitan ako ng isang babaeng mayroong may kahabaang itim na buhok na malalaki ang pagkakakulot kulot
Nakasuot ito ng short black pencil skirt at white tube under black blazer sleeve
"Good morning maam"
She's Kaye Alonzo my secretary. Or should I say Kyran's secretary
Agad na pumasok sila Miya at Zeyton sa loob ng elevator bago kami pumasok ni Kaye
Pinindot naman ni Zeyton ang 20th floor button
"Are they already in the conference room?" - I ask her
"Yes maam they just arrive 5 mins. Ago"
Itinuon ko na lamang ang paningin ko sa pintuan ng elevator habang naghihintay na makarating kami sa pupuntahan namin
This company is owned by Kyran
Ng umalis kami sa Dark Empire para pumunta rito sa mundo ng mga mortal ay tumuloy kami sa mansyon na pag aari rin nila kung saan kasama namin sila master Yu
Kasama kong pumunta rito sa mundo ng mga mortal sila Miya, Zeyton, Dion at Kyran
Nagpaiwan si Zane sa Light Empire upang magsanay sa kanyang water bending
Tumunog ang elevator bago ito bumukas at saka ako naglakad palabas habang nakasunod naman sila Kaye
Pinagbuksan naman ako ng pintuan ni Zeyton ng makarating kami sa isang pintuan na narito sa palapag na binabaan namin
Mga nag uusap usap na board ang agad na bumungad saakin pagpasok sa loob ng kwarto
"Good morning. Can we start?"
Sambit ko habang naglalakad papunta sa pinakadulong upuan
Agad naman silang tumahimik
Naupo naman sila Miya at Zeyton sa upuan na nasa may gilid lamang ng pintuan
Ng makaupo na ako ay agad na inilapag ni Kaye ang limang folder sa aking harapan
"The stocks are having a high increase from the previous rating that our company have"
"But we still do have to get an alliance with other company to maintain the status of our own company"
Patuloy lamang sa pagsasalita ang mga board habang nakikinig lamang ako sa kanilang mga usapan
Kung tutuusin ay wala naman na talagang dapat iproblema pa sa mga kompanya ni Kyran
Alliance? Kyran's company or companieSSS are one of the leading companies around the world. His company can stand alone without having an ally with other company
Kaya nga hangang hanga ako sa pagpapatakbo nito ni Kyran
Nalaman ko rin kay Kaye na bihira lang pumunta rito si Kyran at bihira lang itong humarap sa board
Napahilig na lamang ako sa aking upuan at saka itinuon ang paningin sa mga folder na nasa aking harapan
Hindi ako mahilig sa business. Napilitan lamang ako na pumunta rito dahil bumalik sa Dark Empire si Kyran 1 week na mula ngayon. At kailangan kong i update na rin ang pinapahanap namin sakanila
"So mrs. Blood we need to have a contract between our company and Airves Company to have a more stronger foundation"
Blood.. Iyon ang gamit na apelyedo ni Kyran dito
At tinatawag nila ako sa pangalan na Freya Cassidy Hamilton-Blood
Pinalabas ni Kyran na asawa ko siya para na rin sa kaligtasan ng aming totoong pagkakakilanlan
some of the people inside this room are humans but some of the board are vampires
Kaye is Kyran's human secretary.. they don't know our real identity. That's why we should act as a couple to avoid rumors and avoid danger as well.. hindi lamang kami ang bampirang naririto sa mundong ito
"We should wait Kyran before making an agreement with the other company. So any other report?"
Ang totoo kanina ko pa gustong matapos ang report nila ng mapag usapan naman namin ang SINADYA ko talaga rito
Ng wala na akong marinig na boses mula sakanila ay muli na akong nagsalita
"Okay now may update na ba kayo sa pinapahanap ko?" - tanong ko at saka tumayo
"Walang nakakakita sakanya sa mga tauhan ko sa Germany" - isang board
"Same in my base in New York" - sagot naman ng isa
"Even in Korea and Japan"
"Walang balita saakin mula sa Russia"
Naitukod ko na lamang ang aking dalawang kamay sa lamesa ng marinig ang mga balita nila
Kyran have connections all over the world. Mayroon siyang kompanya sa bawat kontinente ng mundo
Isang buwan ng ganyan palagi ang naririnig kong ibinabalita nila kahit noon pa mang andito pa si Kyran
Pero gayon pa man ay hindi ako sumusuko.. hindi ako susuko sa paghahanap sakanya
"Okay you are dismissed"
Pagkasabi ko noon ay agad naman silang tumayo at saka lumabas ng conference room
Lumapit saakin sila Miya at Zeyton
Nakita kong sinenyasan ni Miya si Kaye na umalis na at ng maiwan kaming tatlo sa loob ng kwarto ay doon na umapoy ang mga folder na nasa aking harapan kung saan nakalapat ang aking mga palad
"Baka wala talaga siya rito sa mundo ng mga mortal" - Zeyton
"At saan pa siya maaaring pumunta kung wala siya rito?! Wala siya sa mundo natin! At pati rito ay hindi ko siya mahanap! Wala na akong ibang maisip kung nasaan siya! Alam ko. Alam kung narito lang siya. Hindi lang talaga nila makita!"
Hindi ko na napigilang hindi tumaas abg aking boses
Basta pag tungkol talaga sakanya ay hindi ko mapigilang kontrolin ang emosyon ko
Limang taon! Limang taon sa mundong iyon ang tiniis ko na wala siya sa tabi ko!
"Freya, huminahon ka.. Mahahanap natin siya. Patuloy lang din sa paghahanap sakanya nila Adreana" - Miya
Pabagsak akong umupo sa aking upuan at saka bahagyang pumikit
I need to find him. I need to see him. I really need my prince...
~~~
Dahan dahan kong itinutulak ang cart na dala ko na may mga lamang pagkain at iba ko pang mga binili
Papunta na ako sa may counterp upang bayaran ang mga pinamili ko
Kasalukuyan akong nasa isang mall at kanina pa ako naiirita dahil sa mga titig mula sa mga taong nadadaanan ko lalo na sa mga lalaking panay ang kakatitig saakin. Ung iba nga kasama pa ng girlfriend nila.. Grabe harap harapan talaga!
Kung andito lamang si Kyran ay kawawa sila. Natitiyak kong mamumutla sila kapag tinignan sila ni Kyran
Ganun ka OVER protective saakin si Kyran simula ng pumunta kami rito
Hindi ko na rin iyon inangalan dahil mas mabuti na iyon. Para hindi ako nilalapitan ng mga lalaki. Na ayoko naman talaga
Ng tanaw ko na ang pila sa counter ay may biglang sumulpot na dalawang lalaki sa harapan ng cart ko
"Hi miss. Alone?" - sabi noong isa sakanila na mayroong banyagang kulay ng mga mata
"No. May kasama ako. Nakikita niyo naman diba?"
Sarkastiko kong sagot
Tumawa naman sila ng mahina
"We are willing to accompany you" - sabi naman noong may pag ka singit na mga mata
Tinignan ko lamang silang dalawa. Psh kaya minsan ay ayoko lumalabas mag isa eh
"By the way I'm Neil" - sabi noong lalaking may kulay asul na mata habang nakalahad ang kamay sa aking harapan
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang magtilian ang mga babae sa paligid at ang pagkumpulan ng ilan sa kanila
Napatingin ako sa likurang bahagi ng lalaking nasa harapan ko. Bahagya silang tumabi at humarap rin sa mga pinagkakaguluhan ngayon ng mga tao
At mula sa mga nakaharang na tao sa daan na unti unti ng nagsisitabihan ay nakita ko ang anim na lalaking naglalakad na parang mga modelo habang tumitingin tingin sa paligid
Pinasingkit ko naman ang aking mga mata hindi dahil sa hindi ko sila makita, of course I can see them clearly kahit nasa may kalayuan pa sila sa pwesto ko because of my vampire ability, pinasingkit ko ang aking mga mata dahil pilit kong inaanalisa ang kanilang mga mukha dahil napakapamilyar nila
Oo napaka pamilyar!
Ng halos sabay sabay silang mapatingin sa direksyon ko ay doon ko nakilala ang mga lalaking naglalakad na papalapit saakin
Dang! They are getting all the attention of the people here because of their gorgeousness and hotness while walking like as if their are some kind of model in a runway!
Opps don't get me wrong. I am loyal to Luan. I am just stating the truth.
Agad na kumunot ang noo ni Travis ng makita ang dalawang lalaking nasa harapan ko pababa sa kamay ni Neil na hanggang ngayon ay nakalahad pa rin sa aking harapan
Nanlaki ang aking mata ng mabilis na nakarating sa pwesto namin si Travis at mabilis na hinawi ang kamay ni Neil na ngayon ay gulat ring nakatingin kay Travis maging ang kasama nito ay pabalik balik rin ang tingin sa mga naglalakad na sila Rosh at kay Travis
Shit! Bakit niya ginagamit ang vampire speed niya rito!!
Pero ang mas nakakuha ng aking atensyon ay ang kanyang ayos!
Nakasuot siya ng grey sweater vest with light blue polo sleeve with grey tie and black pants and blue shoes. At nakasuot pa siya ng salamin sa mata!! Kulang na lang pointing stick! Professor na talaga siya!!
Well kung nagkataong guro talaga siya malamang dadami ang mag eenroll sa school na papasukan niya at 100% perfect attendance ang mga estudyanteng babae. Kung may matutunan sila at the end of the semester ayy yan lang ang problema! Kasi sigurado tulala lang ang mga iyon kay Travis!
"Who are they Freya?" - tanong ni Xeon ng makalapit na sila saamin
Agad na napataas ang kilay ko ng makita ang kanyang suot
Nakasuot ito ng suit na itim na sa ilalim ay kulay blue na polo sleeve na tinernuhan ng maroon tie at itim na pants na may itim rin na sapatos. Bakit naka business attire siya?! He looks like a CEO of one company
"Oo nga kilala mo ba ang mga ito?"
Napatingin naman ako kay Rosh. At talagang umangat na sa pinakahighest level ang aking isang kilay dahil sa kanyang ayos!!
Hu? Iniwan niya ba ang pasyente niya sa operating room?!
Damn! He is wearing a lab coat with black shirt underneath and black pants with black shoes
At may Stethoscope pa siya sa leeg niya!! Tama bang pumunta ang doktor sa mall na nakaganyang ayos?? At maglibot habang nasa leeg ang stethoscope??
"Pinagtataksilan mo ba si Luan Freya?"
Marahas akong napalingon kay Saxon ng marinig iyon pero ang inis na mukha ko dahil sa narinig ko sakanya ay napalitan ng pagkakunot ng noo at saka siya pinagmasdan ng maigi mula sa brown boots na suot niya na abot kalahati bago umabot sa kanyang tuhod, faded blue jeans and brown belt and a western style shirt and a cow boy hat!!
"Siguradong hindi ito magugustuhan ni Kyran pag nalaman niya ito"
Mas lalong lumukot ang aking noo ng lumingon naman ako kay Dion. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatawa nga ako!!
Nakasuot siya ng bulaklakan na polo shirt na bukas pa ang tatlong unahang butones niyon. Naka blue shorts rin siya at puting sapatos. May shades pa siya!! At may summer hat pa sakanyang ulo!!
What the hell? Anong trip nito sa buhay?!
"Whoever you are, back off with my cousin! Get lost!" - Ashton
Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Ashton
Ito! Atlast! May nakasuot rin sakanilang matino tino!
Naka suot siya ng navy blue polo shirt and black shorts na halos abot tuhod niya. May sapatos rin siyang kulay itim na may malaking check
"Sino ba kayo? Ano ba kayo ni miss ganda?" - sabi nong medyo singit ang mata
"I kill everytime I answer to an asshole. So do you want me to answer you?" - malamig na tanong ni Travis
Nakita ko namang namutla ung lalaki at mabilis na hinila ung Neil paalis
Napatingin naman ako sa paligid at saamin pa rin sila nakatingin! Lalo na ang mga babae! They are eye raping these handsome vampires in front of me. Kung alam lang nila. These guys have fangs
"Get lost"
Napatingin kami kay Ashton ng mahina niyang binanggit ang salitang iyon
"Ayos ba ang pagkakasabi ko noon? Narinig ko iyon kanina sa nag aawayan sa may harapan ng mall"
Okay.. the heck! Sasakit ang ulo ko sakanila!
"What are you doing here in this kind of place Freya?" - Saxon
Nagtataka siguro kayo kung bakit parang kakaiba magsalita si Saxon. Naging ganyan na yan simula ng umalis si Luan. Paminsan minsan seryoso lalo na pag tungkol saakin
Pero agad naman akong natauhan sa itinanong niya
"At kayo?! Ano rin ang ginagawa niya rito?! Bakit andito kayo?!" - nakapamaywang kong tanong
Ang mga bampirang ito! Bakit sila naandito sa mundo ng mga mortal
"Ahh shit nasasakal ako sa pesteng bagay na ito! Ano ba tong bagay na to Ashton! Malalagot ka kay Cleon kapag nalaman niyang pinasuot mo ng kung anu ano ang kanyang napakakisig na kapatid!"
Biglang reklamo ni Saxon habang hinihila ang tali ng kanyang cowboy hat na nasa kanyang likuran
Nasabi ko bang PAMINSAN MINSAN LANG maayos mag salita si Saxon??
"Teka. Bakit ba kasi ganyan ang mga suot niyo pfft!" - natatawa kong tanong habang pinagmamasdan silang anim
Iritang irita ang hitsura nila Saxon at Travis. Pinaglalaruan naman ni Rosh ang stethoscope niya. Si Xeon naman naka chin up pa habang inaayos pa ang coat niya. Feeling naman nito CEO siya!
Si Dion naman seryoso lang ang mukha. As always. Si Ashton parang aliw na aliw naman na nakatingin rin sa lima
Uhh mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan nito. Kaya pala siya lang ang may matinong ayos!!
"Hindi ko na problema iyan Saxon. Ako ang inatasan ninyong ayusin ang ayos niyo gamit ang aking wand. Isa pa mas maayos na iyan kaysa sa suot natin kanina. Baka mapagkamalan pa tayong kasali tayo sa isang pelikula noong taong 70's!!" - Ashton
Isa pang dahilan kung bakit di ko agad sila nakilala kanina bukod sa kanilang mga suot na nakakadepressed talaga! Ay lahat sila ang kulay ng buhok ay itim. Kaiba sa tunay na kulay ng kanilang mga buhok
Mahika. Iyon ang alam kung ginawa nila upang maging ganito ang ayos nila ngayon
"Haha! Basta ako ayos na ayos itong suot ko! Nakita ko na ito dati. Ganitong ganito ang sinusuot minsan ni Kyran sa mundong ito" - Xeon
Oo! At baka maholdap pa kami nito ng dahil sa may kasama kaming CEO!!
"Kayong anim! Sagutin niyo nga ako! Ano ba talagang ginagawa niyo rito?" - tanong ko uli
"Andito kami para sunduin ka prinsesa ng asul na apoy" - Saxon
"No! Hindi ako sasama! Hindi ako babalik roon hangga't hindi ko siya nakikita. Hannga't hindi ko siya kasamang bumalik" - matigas kong tugon
"May nahanap ng paraan si Priam kung paano natin mahahanap si Luan, Freya" - Travis
Agad naman akong natigilan. Biglang sumaya ang aking puso sa aking narinig. Bakit ngayon lang nila sinabi!
"Kung gayon bumalik na tayo sa Dark Empire"
--------------
#DarkPieces
~1813

