Library
English
Chapters
Settings

4

HATI ang pakiramdam ni Addy nang i-park ni Xander ang sasakyan sa isang motel. Malaki na siya at siyempre, alam naman na niya ang ginagawa ng mga tao na opposite sex pa sa isang motel. Kinabahan siya. Tama ba naman kasi na gawin ito sa kanya ni Xander? Oo at aminado siya na gusto niya ang lalaki. Pero hindi naman niya in-expect na ganito kabilis ang lahat! Ganoon pa man, hindi siya makapagreklamo. May bahagi kasi niya ang na-excite.

Nasa loob ng isang parang apartment type na motel ang kotse ni Xander. Awtomatiko rin na sumara ang gate noon pagkapasok nila kaya dumilim ang paligid. Lumabas si Xander sa pinto ng kotse nito. Ipinagbukas siya nito ng pinto.

Kumapit si Addy sa braso ng lalaki. Naramdaman niya ang panginginig at pagtaas ng balahibo nito. Mukhang nanlalamig rin ito, kabaligtaran ng nararamdaman niya. Nakakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan na noon lang niya naramdaman. Nakakatakot dahil bago iyon sa kanya. Pero mas nanaig ang kiliti. Thinking that Xander might take her tonight made her body, especially her blood shivers and boils in anticipation...

Mali ang nararamdaman ni Addy. Wala naman na binibitawan na salita si Xander. Pagkatapos niyang sabihin rito na gusto lang niya itong makasama bago ito umalis ay nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Dinala siya nito sa biglang liko pagkatapos. Pero hindi na kailangang mag-isip ni Addy kung ano pa nga ba ang gagawin nila.

"You are so nervous." Puna ni Addy. Was he just excited or something?

"At ikaw ay hindi?"

Huminga nang malalim si Addy. "I am. Pero nagtitiwala ako na hindi mo naman ako sasaktan. Iingatan mo ako. Hindi ka gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan..."

"Yeah..."

"Promise?"

"There will be no harm in staying the night here,"

Nanlaki ang mga mata ni Addy. "Ha? Iyon lang?"

Nawala ang kaba ni Addy. Napalitan iyon ng pamumula at bahagyang panghihina. Parang gusto rin niyang mapapitik. Mukhang mali siya ng akala.

Tumango si Xander. "Yes. Aalis tayo mamayang alas tres o kaya ay alas kuwatro para mas safe na hindi ako mahuhuli ng Kuya mo. Parties usually ends at those times. Isa pa, kilala ko ang kapatid mo. Kahit ano pa ang ginagawa noon, nakakatulog iyon basta alas tres na."

"S-so hindi mo ginagawa ito dahil gusto mo akong makasama..."

Hindi sumagot si Xander. Sa halip, niyaya na siya nitong pumasok sa loob ng kuwarto.

Sumunod si Addy. Pero napuno ng kalungkutan ang kaninang excitement niya. Nang makapasok sa kuwarto ay napabuntong-hininga tuloy siya.

Gustong makasama ni Addy kahit sa huling sandali si Xander. Pero malinaw na sa kanya na hindi naman nito iyon gusto. Pinilit niya ito at naistorbo pa. Nakonsensya tuloy siya.

"Ibalik mo na nga ako sa party. May flight ka pa bukas 'di ba? Narinig ko."

"I can cancel it. You just rest."

Alam ba ni Xander ang sinasabi nito? Magpahinga habang nasa paligid ito? Imposible iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Pero hindi pa rin nagpapahinga sa lakas ng tibok ang puso niya dahil nasa paligid ito. Idagdag pa na kahit malamig na ang kuwarto pagpasok nila ay nag-iinit pa rin siya. Naka-bathing suit pa rin siya kaya dapat lang ay presko ang pakiramdam niya. Yet, she felt an unexplainable heat in the wicked awareness that he was there.

Hindi nagsalita si Addy. Si Xander naman ay sinagot ang telepono sa kuwarto na biglang nag-ring. Humingi ito ng pagkain at damit rin para daw sa kanya.

"I'm perfectly fine with my suit," wika ni Addy nang matapos makipag-usap ni Xander.

Dumilim ang mukha ni Xander. "I am not."

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Ikaw ba ang nagsusuot? Tumitingin ka lang naman."

"I'm not enjoying it..."

Tinitigan ni Addy si Xander. Sinuri niya ang ulo hanggang well, pang ibaba nito. Namula siya nang makitang halos nakabukas ang zipper nito. Iisa lang ang ibig sabihin noon. "T-talaga ba? Pero bakit mukhang hindi 'yun ang sinasabi ng katawan mo?"

Tumiim ang bagang ni Alex. Mukhang nahalata nito ang ibig niyang sabihin. Nahihirapan na itinaas nito ang zipper. "Damn you, Addy."

"Damn me? Wala naman akong ginagawa, ah." Pa-inosenteng sabi niya.

"Yeah. But you're trying to tease me. Ayaw mo na magpalit ng damit,"

"Hmmm..."

"Wala akong gagawin na masama sa 'yo. Ito lang ang nakikita ko na lugar para makapagpalipas tayo ng oras at makapagpahinga. Alam ko ang lugar na ito. Wala namang malapit na hotel rito. Isa pa, hindi rin naman kita puwedeng dalhin sa ganoon. Hindi ko hahayaan na pumasok ka sa lobby na ganyan ang itsura ng damit mo."

Hindi nagsalita si Addy. Maya-maya naman ay may nag-doorbell sa pinto---dumating na ang in-order nitong pagkain at damit. Dinaluhan iyon ni Xander. Pinuntahan iyon ni Xander. Pagkatapos ay ibinigay nito sa kanya ang damit.

"Now dress properly and rest."

Nag-alinlangan si Addy. Mukhang kasya naman sa kanya ang damit. Pero kapag ginawa niya iyon, hindi ba at lalo lang siyang mawawalan ng pag-asa na mapansin siya ni Xander?

Mali ang iniisip ni Addy. She is using her body to lure Xander. Medyo ridiculous iyon. Gusto lang naman niya na makipag-usap sa lalaki, ang makasama ito kahit sandali. Pero wala na kasi siyang makitang paraan sa ngayon para pansinin siya nito kundi ang i-flaunt ang katawan niya. Dahil kataka-taka man, mukhang apektado sa kanya si Xander kahit hindi naman siya kanasa-nasa. Pero kung hindi, bakit nga kaya nanatili pa rin na bumubukol ang pagkalalaki nito? Hindi nito iyon maitago kaya sobrang turned on rin siguro nito.

Nagkaroon ng pag-asa tuloy si Addy. Hindi man siya magustuhan ni Xander sa pagiging pabebe niya, baka magustuhan siya nito sa pagiging isang "modern woman" niya. Maybe it's really time for her to be like that. Gagamitin na niya ang katawan niya na madalas na dahilan ng insecurities niya. Because maybe, just maybe...it can be her pawn to the happily ever after.

Kahit medyo malabo. Pang-happily ever after nga ba kung lust lang naman ang nararamdaman? But then, everything is possible if she believes, if she just try...

Malaki na naman si Addy. Napakarami na niyang na-miss sa mundo. It's really time to level up.

For the sake of love and my newly discovered feelings!

Napaisip si Addy. Napangisi siya nang may isang nakakalokang ideya na pumasok sa isip niya. Tama na ang ilang taong pagtitiis niya. Paano nga ba may mangyayari sa kanya kung mananatili siya sa dating siya? It's time to move.

Tumayo si Addy. "Thank you for the things. But can I ask you another favor, Xander?"

Itinaas ni Xander ang isang kilay. Pero nang lumapit siya palapit rito ay bumaba iyon. Sa halip, ang adams apple naman nito ang tumaas. Napalunok ito. Mukhang na-tense ito. Nang lubos na ilapit at idikit niya ang katawan sa katawan nito ay nahawa rin siya roon. Naramdaman niya ang bukol ng pagkalalaki nito sa katawan niya.

Bumangon ang kaba sa puso ni Addy. Pero pinilit niyang labanan iyon. Bunso siya. Spoiled na maituturing siya. She always gets what she wants. And Xander is the only thing that she wanted right now.

Lord, please make all this will power worth it!

"A-ano?"

"Can you respond to this?" wika ni Addy sabay kuha ng mukha ni Xander at pinagdikit ang mga labi nila.

Hindi pumalag si Xander. Hindi tuloy masabi ni Addy kung dahil ba sa nagulat ito o iyon talaga ang gusto nito. Hindi na rin naman niya inabala ang isip para mag-isip. She just wanted to feel the feeling of her first kiss.

Hindi kita madaan sa santong dasalan? Well, subukan ko nga na daanin ka sa santong paspasan!

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.