Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 3⸙

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kaagad kami dun, nakakainis kasi yung babaeng waitress! Hmp!

-- FLASH BACK---

"Good evening maam ,sir, welcome to tiara restaurant "

Naka ngiting bati nung babaeng waitress samin pero hindi manlang iyun pinansin ni hansel at dumeretso lang sa pagpasok na para bang walang narinig.

Hayyyss ang sama talaga ng ugali nun! napasimangot tuloy si ate tsk tsk

"Good evening din. " bati ko rito at ngumiti pa ng matamis.

Ako nalang yung pumansin sakanya, pansin kasi sa mukha nito na medyo nalungkot sya.

Hinanap ng mata ko si hansel at nakitang nasa dulo na ito at prenteng nakaupo sa pandalawahang table.

Tinungo ko ang direksyon nya at umupo sa harapan nito.

Sakto at kaagad namang may lumapit na waitress. Na kung makatingin dito kay hansel akala mo naman ay wala ng bukas.

"Good evening sir, what's your order?" tanong nito sa taong nasa harapan ko with matching pa kurap-kurap pa.

Pshh halatang nag papa cute!

Nakahilis kasi yung ulo nya tapos kukurap -kurap akala mo naman ikinaganda nya, tusukin ko sya ng tinidor dyan makikita nya!

'Teka? Bat ba ako nagagalit?’

Hindi ako galit.

"Water can do". Maikling sagot ni hansel at agad na iginawi ang tingin sa labas.

"Yun lang sir?" Napairap naman kaagad ako ng makitang halos idikit na nya ang katawan sa walang ka malay malay na lalaki.

Ako nga tong gutom na gutom tapos hindi nya manlang ako tinatanong!

Wahhhhh kaninis! Sa sobrang gutom ko nagmumukha ng fried chicken sa paningin ko yung waitress.

"Yes" sagot ni hansel at ngumiti pa sa waitress pagkatapos ay ibinaling ang tingin sakin.

Ngunit inirapan kolang sya at doon nalang tumingin sa kabilang table.

Sana sinabi nyang gusto nyang makipag tukaan diba? Hayst!

"Ahh ang cute nyo po sir". Napangiwi ako sa narinig.

Ewwww - san ang cute dyan? Gwapo yan!

"Sure ka po na yun lang order nyo? He-"

Ok that's it., I cut her off before she could finish her sentence and looked at her with a serious face.

"Excuse me miss? for your information, he's not just the only one who wants to eat here. Nahhh let me correct it, I am the ONLY! one who wants to eat here and I'm so fucking hungry." pagkatapos ay tinignan ko sya sa mata.

"So can you please ask me too? And sorry for a little advice but, he said he only wants water ,tell me you're not that stupid to ask him three times "

Matapos sabihin yun ay kaagad naman itong tumango at napa- yuko.

"I-im sorry m-maam w-what i-is your order?" Garal-gal nitong tanong.

Yan!

Yes! Mag o-order narin sa wakas! Huhu gutom na gutom na kasi talaga ako!

Tinignan ko ang menu at halos maglaway ako sa mga nakikitang pagkain.

"Uhmm i want caprese salad with pesto sauce, carbonara, tiramisu, chicken parmigana ,gelato and a cafe latte, that's all!". Ngiting- ngiti pa ako habang sinasabi ang mga inorder ko

Agad namang tumango ang waitress at nag madaling umalis.

Tinapunan ko ng tingin si Hansel at nakitang titig na titig ito saakin habang naka kunot pa ang noo.

"Are you sure you can eat all of that? " tanong nya na salubong ang kilay.

"Oo naman! " sagot ko rito at ngumiti ng malapad ngunit kaagad ding napalitan ng kaba nung maalala kong wala pala akong dalang pera.

Kase nga diba? Tumakas lang ako sa buddy guards ko? Pano na? Nag- isip ako ng ilang segundo at napatingin sa lalaking nasa harap ko.

Tama!!

Me is sooo brilliant! Mwehehe

" Ahh eh..".

Sana naman umo-o sya huhu.

"What? " tanong nito ng mahalatang naka tingin ako sakanya.

"He.... Hehe pwede pautang? " ginamit ko talaga ang ultra-mega puppy eyes ko.

Una ay naging blangko ang mukha nito pagkatapos ay napa half smile bago umiling - iling.

Sabi kona, tatalab ang ka-kyootan ko. Mwehe

"And why would I? Tanong nito na ikinasama ng mukha ko.

Hmp!

Huhuhu bakit kasi nakalimutan ko yung wallet ko!? napaka shunga ko talaga!

Sigurado akong, ako ang maghuhugas ng libo libong mga pinagkainan dito !Bumuntong hininga nalamang ako at napa tingin sa sahig.

"Tskk fine " Bumalik ang tingin ko sakanya at sinuri ang mukha nito, hindi ba sya nag jo-joke?

Mukhang totoo nga, akala ko guni-guni kolang.

"Wahhhh thank you! Ang bait mo! Hehehehe wag kang mag alala babayaran kita hihihi with 0% interest pa! " sabi ko at binigyan sya ng ngiti na kay lapad lapad pero mas lalo pa itong lumapad nung dumating na ang mga inorder ko.

Huwahhhhhh ang damiiii!

Sinundan ko ang mga ito ng tingin habang pa isa - isang nilalapag iyun ng isang waiter guy.

Nang matapos ay nginitian ko ito ng kay tamis bago mag simulang kumain.

Wahhhh yummy! Heaven!

Napatigil ako sa pag subo nang mahalatang may naka tingin sa akin.

Itinaas ko ang tingin at nakita si hansel na seryosong naka titig sakin.

Gutom din sya?

"Uh?.. - Gusto mo? "

Tanong ko at labag sa loob na dahan dahang inilagay sa harap nya ang gelato.

Ngunit na dissapoint ako nang agad nyang kinuha ang kutsarita na nasa tabi ng ng baso ko at walang habas na kinain ito.

Huhuhuhu bye bye

Akala ko pa naman sasabihin nya, 'No thanks im full'.

Minsan talaga nakakasakit ng damdamin yung inaya mong kumain tapos kumain din! (✖﹏✖)

---END OF FLASHBACK-----

Pagkatapos kong kumain dun ay agad namang binayaran ni hansel lahat yun. Pagkatapos ay hinatid nya ako hanggang sa kabilang village , hehe nilakad ko nalang hanggang dito sa entrance ng village namin kasi malapit lang naman.

Alam nyo na, baka malaman nya ang totoo kong pangalan pag nalaman nya din adress ko diba?

Pag pasok na pag pasok ko palang sa gate ay nanlaki na ang mata ng mga guards doon.

"G-Good evening maam eunice ,hinahanap na po kayo nila master ". Bati ng mga ito sabay yuko.

"Bakit kaya nila tinatawag sina mom and dad na master?'

Mukha ba silang kung fu master?

Aba! Mabuti sana kung ganun kasi mag papaturo ako!

'Kung fu fighting!

Ha! Ha!'

Wala lang ginaya kolang yung kanta ng kungfu fighting.

At isa pa nag tataka din ako kung bakit ang dami-dami pa naming guards dito na naka all black, parang sila yung sa MIB na napapanood ko sa netflix!

Wahhhhh- ma try nga mag apply jan para mag karoon rin ako ng baril, hindi lang yun may sweldo pa! Oh diba? Tiba tiba ako!

Sana naman walang resume, kasi hindi kakasya yung mga awards ko.

Madami kasi akong awards simula nung highschool.

Katulad nalang ng :

Best late nung grade 8.

Best in throwing ¦

Ito yung ihahagis ko ang caterpillar sa mga classmates ko when we do our gardening. (TLE Class).

Best in excuses¦

Ito yung mag iisip ako ng best excuses para maka labas ng classroom hehe tas pupunta sa canteen.

Best in tying¦

Ito yung times na sobrang galing ko mag tali ng mga bags ng mga kaklase ko sa upuan, minsan nga nilalagyan ko rin ng bato.

At madami pang iba! Psh kaya di nalang ako gumagawa ng resume eh, di talaga kakasya.

Tinanguan kolang yung mga guards at umupo sa bench doon malapit sa guard house. Everytime kasi na umaalis ako mag isa ay palagi akong pinapasundo ni dad mula dito.

Tatawag lang yung isang guard sa bahay at maya maya ay may dadating na para sunduin ako. Oh diba? Napaka sumbungero!

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at nadismaya ng maalalang wala pala saakin ang phone ko.Naiwan ko ata sa party.

Napatingin ako kay manong guard ng bigla itong lumapit sa akin at inabot ang cellphone na hawak-hawak.

"Master Vlad po". Sabi nito at yumuko pa.

Nagpasalamat ako dito at nginitian sya bago inabot ang cellphone.

"Hello?"

tanong ko sa kabilang linya .

"Eunice! Oh god, where have you been this time?! Your dad is so worried about you, did Hansel drive you home? ".

Wahhh si mommy! Sabi ni manong guard si dad daw!

"Ok lang ako mom don't worry! Nasa labas narin naman ako ng entrance " sabi ko habang inilibot pa ang tingin sa paligid.

"Ok, i will send someone to pick you up. Be careful honey ".

"Ok i will "

Matapos sabihin yun ay kaagad konang ibinalik ang phone kay manong guard.

I wonder bakit hindi natanong ni mommy ang about sa phone ko at yung kanina?

Hayysst ewan!

Tinignan ko ang wristwatch at napa nganga.

Its already 10:30 pm! Oh lala- may klase pa naman ako bukas.

Pasukan nanaman kase!

---------

Maya maya ay may humintong sasakyan sa harap ko.

Salamat naman at makakauwi na ako. Nang makilala ang driver ay kaagad na akong pumasok.

Nang maka tapak ako sa loob ng kotse ay napa sandal kaagad ako sa upuan.

‘ What a tiring day.’

Mga 10 minutes pa ang byahe bago ka makakarating sa main gate ng bahay namin. Kaya itinuon ko nalang ang pansin sa labas ng bintana.Mula dito ay nakikita ko ang ilang mga men in black ni dad, ewan ko kung bakit sobrang dami nila.

Nagmukhang bahay ng presidente ang bahay namin, hayst hindi ko talaga maintindihan sina mom and dad.Nag fe-feeling royalties.

Maya maya ay sa wakas nakarating din, dali-dali akong pumunta sa kwarto kahit na andami pang bumabati sakin.

Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa kwarto, sobrang pagod talaga ako.

Napag pasyahan ko ring bukas nalang kausapin sina mom and dad.

-----

Pagkatapos mag bihis ay agad akong sumalampak sa kama.

"Ahh- i miss you my precious bed ".

Sabi ko at nag unat unat, pagkatapos ay ipinikit kona ang mga mata.

15 minutes later--

Ginulo gulo ko ang buhok dahil sa hindi ako makatulog.

Nawala ang antok ko!

Kase naman! Laging lumalabas yung itsura ni hansel na naka kunot noo!

Takte!! Please self! Matulog kana!

Pinikit kong muli ang mga mata at pilit na natulog ngunit, mga imahe nung mga sumusunod sa akin ang biglang pumasok sa utak ko kung kaya ay napa upo ako ulit.

Sino kaya yung mga sumusunod sakin kanina? At bakit sila naka maskara? Ano kaya ang kailangan nila?

At isa pa, wala naman silang makukuha sakin. Hindi naman ako mayaman, parents ko lang.

Hay ano bayan!!

Bumalik ako sa pagkakahiga at pumikit.

Please self tulog na.

Maya maya ay naka ramdam na ako ng antok.

"Oyasuminasai". (good night)

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.