Library
English
Chapters
Settings

CHAPTER 1⸙

Naglalakad ako sa ma dilim na iskinita at kanina kopa nahahalatang parang may sumusunod saakin. Kaya binilisan ko ang paglalakad, mukhang kokonte pa naman ang dumadaan sa lugar na ito.

Napayakap ako sa sarili dahil sa pag bayo ng malamig na hangin, tsk!

‘Wrong move pa ata ang pag takas ko’.

Nilingon ko ang mga ito ngunit puro anino lang ang nakikita ko. Madalim at mukhang uulan pa!

And worst!

Mukhang naliligaw pa ako!

Kahit na nangangatog sa kaba ay tinatagan ko ang sarili at nanginginig na hinanap ang cellphone sa bulsa.

Napaiyak ako nang hindi ko iyun makita kaya binilisan konalang ang lakad. Muntik na akong atakihin sa puso at halos mapasigaw ng biglang kumidlat at dumagundong ang malakas na kulog.

Huhu hindi kona alam ang gagawin!

Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong lumingon at nakitang sumusunod parin ang mga ito saakin. Katulad ko ay binilisan din ng mga ito ang lakad nila.

Kaya bago pa nila ako maabutan ay tumakbo na ako ng mabilis. Naiiyak na ako, hindi ko alam kung sino at ano ang gusto nila.

Wala akong na-aalalang nangutang ako sa mga loan sharks! Napatigil ako sa pagtakbo ng makakita ako ng isang malaking pintuan kung kaya ay mabilis ko itong tinungo.

Bago pumasok ng tuluyan ay sinulyapan ko ang mga ito sa kahulihang pagkakataon at kumunot ang noo ng makitang kumakaway pa ang mga ito.

Naka suot sila ng puting maskara kaya hindi ko sila makilala. Tinanim ko ang pananamit at itsura ng maskara nila sa isipan bago tuluyang pumasok.

Nang makatung-tong sa loob ay agad akong napa tapik sa pader at napa hawak sa dibdib sabay habol-habol ang hingingang nilibot ng mata ko ang palagid.

Hala teka?! Nasaan ako?!

Napatayo ako ng tuwid, parang isa itong malaking Hotel na hindi ko maintindihan.

Pasimple akong nag tago nang biglang may dumaan malapit sa kinaroroonan ko. May mga dala itong black case at halos lahat ay naka suot ng suit o black polo.

Mukhang napadpad ata ako sa kuta ng mga lawyers!

Sobrang laki talaga nito, pang mayaman pa! Binasa ko ang naka engraved na mga letra doon sa parang information desk nila.

'Ar-chiiyend? Archfiend?'

Archfiend? Saan ko nga ba narinig yun?

"Gaddamit! I told you to fckng kill her. Now we have to deal with the three apostles, and it's your fckng fault!".

Napatingin ako dun sa mga nag uusap sa gilid at hindi maiwasang mapakunot ang noo dahil sa mga pinagsasabi nito sa isa sa kasama nya. Omaygad!!! Nabingi na ata ako! May mga patay patay na akong naririnig.

May mga dala-dala din itong mga pekeng baril, hay nako! Hindi naman na sila bata para mag laro pa nyan.

Bumalik ang tingin ko sa kanila ng sa isang iglap ay papunta na sila sa dereksyon ko, kaya naman ay agad akong nag tago sa corner nitong hallway.

Nang tuluyan na silang makalampas ay agad na akong lumabas sa pinag tataguan at bumuntong hininga.

"Haaaaaay muntik-"

"What are you still doing here?"

Eh?

Napalingon ako sa nag salita at biglang na istatwa.

Holy- ang gwapoooooo!!!! Parang may kamukha sya!

Kamukha nya future boyfriend ko! Syempre joke lang!

Ibubuka kona sana ang bibig ng maunahan ako nito.

"The Boss announced the meeting earlier today and why are you still here? Everyone should abide the rules, no exemptions". Tumingin ito saakin at inihilis ang ulo. "You must be new, I'll lead the way then."

Hindi ko magawang makapag salita kung kaya ay sumunod nalang ako sa kanya. Masyado itong seryoso at nakapa mulsa pa, hay nako! Naalala ko sakanya si kuya pietro.

"So, what's your name?". Tanong nito habang nasa unahan parin ang tingin.

Pangalan ko? Bat nya naman natanong? Naalala ko sabi ni mommy pag may taong nag tanong daw ng pangalan ko at hindi ko naman kilala ay wag kodaw sabihin ang totoo kong pangalan.

Tama, baka mamaya scammer pala to'. Nako! Madami pa namang scammer na gwapo.

At kung e scam nya ako ay willing din naman ako mwhehehe, charot lang!

"Im Erza- E- erza Scarlet". Huhu sorry Erza! Wala na talaga ako maisip!

Bigla akong kinabahan nang saglit itong napa tigil kaya naman ay ganun din ang ginawa ko.

Omagash! Wag nyang sabihin nanonood sya ng Fairytail!

Napa lunok ako ng dalawang beses ng tapunan nya ako ng nakakamatay na tingin.

I think I'm doomed.

"Nice name".

I blink a couple of times before it finally sinked in.

Huwahhh salamat naman! Akala ko kasi nanonood din sya! Wahh muntik na!

Nagpatuloy na ito sa paglalakad at dahil isa akong dakilang masunurin ay sinunod kolang ito.

Nakaka ilang liko din kami ng hallway bago sya tumigil sa isang malaking pintuan. Salamat naman, akala ko wala nang katapusan ito.

At isa pa ay nagugutom na ako, hindi ako kumain sa party na tinakasan ko huhu.

Nauna syang pumasok kaya sumunod nalang ako.

Medyo madilim din ang paligid kaya napa hawak ako sa kamay ng lalaking nag dala sa akin dito at ang tanging natatanaw kong liwanag ay doon lamang sa gitna kung saan naka upo ang isang pamilyar na babae at lalaki sa magkabilang upuan.

Wait a minute!?

"Mom! Dad!" tawag ko sakanila ng makilala ko ang mga ito.

Omg! Naligaw din sina mom?!

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.